Solenn Heussaff on leading man Vhong Navarro: "Naging crush ko siya."

In doing her first movie with Vhong Navarro, Solenn Heussaff learned more about the comedian: "He’s very light to be around with. Siya yung type na you always want to be around, parang barkada-barkada. Kung ano sa siya harap ng camera, ganun din sa likod nito. Hindi siya hypocrite."


Crush na raw ni Solenn Heussaff si Vhong Navarro bago pa man nagsimulang umikot ang kamera para sa pelikulang Da Possessed.

Ang Da Possessed ang unang pelikulang pinagtatambalan nina Solenn at Vhong under Star Cinema at Regal Films, na nakatakdang mapanood sa April 19.

Pag-amin ni Solenn, "Basta nung ni-research ko siya, naging crush ko na siya.

"Kasi dati, I know the name, pero I don’t really know the person.

"I’ve met him many times before, pero this is the first time na makatrabaho ko siya.

"I never really observed him, pero nung malaman ko na may pelikula ako with him, I researched him…

"Kung paano siya sa It’s Showtime, kung paano siya sa ibang pelikula, just to know if I need to level up on this area.

"Kasi, ’di ba, isa siya sa top comedians natin?

"’Tapos yun, naging crush ko siya ’coz he’s very funny.

"At kahit sa set, he’s very light to be around with.

"Siya yung type na you always want to be around, parang barkada-barkada.

"Ako kasi, anything o anyone that makes me laugh is already a piece of my heart."

"’Tapos may mga kuwento pa si Anne [Curtis] kaya ganun."

Si Anne Curtis ay ang girlfriend ng kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff, samantalang si Vhong naman ay co-host ni Anne sa morning variety show na It’s Showtime sa ABC CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa presscon ng Da Possessed kahapon, Linggo, March 30, sa Dolphy Theater sa ABS CBN compound.

FOR REAL. Alam ba ni Vhong na crush niya ito?

Natatawang sabi ni Solenn, "Hindi pa, mamaya sasabihin ko sa kanya!

"Baka Anne already told him

"Kasi lahat ng mga inteviews ko ay behind the scene, so I don’t know."

Kahit daw dumaan si Vhong sa anumang kontrobersiya nito sa personal nitong buhay ay hindi nawala ang pagka-crush niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na habang ginagawa nila ang pelikulang ito ay pumutok ang balita tungkol sa pambubugbog kay Vhong dahil sa diumano’y tangkang panghahalay nito sa modelong si Deniece Cornejo.

Sabi ni Solenn tungkol kay Vhong, "Ay, hindi, hindi siya hypocrite.

"Kung ano ang nakita ko sa personality niya na nakita ko sa shows niya, sa interviews sa kanya, pareho kung ano siya sa likod ng camera.

"Kung ano sa siya harap ng camera, ganun din sa likod nito."

Ayon pa kay Solenn, hindi raw kabawasan sa pagkalalaki ni Vhong ang iskandalong kinasasangkutan nito ngayon.

"For me, it even make him stronger kung anuman yung pagsubok sa kanyang buhay.

"It’s a plus..."

SUPPORT. Sa gitna ng presscon proper ay nabanggit ni Vhong na isa sa mga dahilan kung bakit naibalik niya ang kanyang self-confidence ay dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang leading lady.

Read: Vhong Navarro on ongoing legal battle: "Pinakagusto kong mangyari, matapos at malagpasan ito."

Iitinanong namin kay Solenn kung ano yung suportang ibinigay niya kay Vhong para pasalamatan siya nito.

Paliwanag ng Kapuso star, "For me, it’s just about getting to know the person since it’s our first time na magkasama kami sa movie.

"Parang shy siya na may wall na siyempre ayaw mag-open muna.

"Pero ’pag magkasama kami sa isang dressing room, we talked to each other and got to know each other.

"Yun, we end up opening up to each other.

"Personal things like the stories of our lives to get to know each other."

Ni minsan daw ay hindi binanggit o nagtanong si Solenn tungkol sa nangyari kay Vhong.

"I don’t ask him about it.

"Ayoko to talk about it, it’s past na, why talk about it pa?"

GOOD KISSER. Sa presscon proper din, nasabi ni Solenn na si Vhong ay isang good kisser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, habang natatawa, "Yun, kahit merong malaking ngipin sa movie, ginawan pa rin niya ng paraan para maging maganda ang kiss!"

Meron kasing isang malaking pustiso ang inilagay sa ngipin ni Vhong para mas nakakatawa ang character niyang si Ramon Navarro.

Sabi ni Sokenn, "Okay naman, medyo weird lang.

"It didn’t disturb him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN