Bong Revilla flies to Holy Land with family: “Babalik po ako.”

“Ayokong isipin ng mga tao na tatakas na ako. Haharapin ko sila kahit saang korte. Hindi ako natatakot sa kanila,” says Senator Bong Revilla, assuring the public the he and his family will return after their two-week trip to Jerusalem.


Tiniyak ni Senator Ramon “Bong” Revilla na hindi tangkang pagtakas ang dahilan ng pag-alis niya sa bansa patungong Jerusalem, Israel.

Sabado ng gabi, March 29, nang lumipad si Senator Revilla, kasama ang kanyang misis na si Cavite Representative Lani Mercado at tatlo nilang anak, para sa two-week vacation sa Jerusalem.

Sa isang panayam bago umalis ng bansa, na inilabas ng Pilipinas News Weekend ng TV5 kahapon, March 30, pinabulaanan ng actor-politician ang usap-usapang nagtatangka siyang tumakas.

“May kumakalat na text diyan na tatakas daw ako dahil may warrant of arrest na raw.

“Nakakalungkot talaga itong mga katunggali natin.

“Basta masasabi ko lang, I’m going po sa Holy Land at babalik po ako,” sabi ni Senator Revilla.

Sinabi rin ng senador na naipaalam niya ang kanyang pag-alis kay Department of Justice Secretary Leila de Lima.

“A month ago, nagpaalam pa tayo kay Secretary Leila de Lima if I can leave the country to join the holy tour.

"Kaya itong lumalabas na tatakas kami, dyuskopo, kawaan na kayo ng Diyos.”

Sabi naman niya sa hiwalay na panayam ng 24 Oras ng GMA kahapon, “Ayokong isipin ng mga tao na tatakas na ako.

“Haharapin ko sila kahit saang korte. Hindi ako natatakot sa kanila.”

Samantala, sa radio interview sa kanya ng dzRB, na lumabas sa ABS-CBN News website kahapon, kinumpirma ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na maayos na naipagpaalam ng senador ang kanyang biyahe sa Jerusalem kasama ang pamilya nito.

Aniya, “They were able to get authority from the Senate President and Speaker of the House of Representatives.”

Sa panayam noon kay Senator Revilla, sinabi niya ang intensiyon niyang pumunta sa Holy Land para ipagdasal ang pagsubok na hinaharap ng kanilang pamilya ngayon.

Isa si Senator Revilla sa mga pulitikong inaakusahang sangkot sa multi-million pork barrel scam, kasama sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN