Pauleen Luna does not ask permission from boyfriend Vic Sotto to do intimate scenes

Ayon kay Pauleen Luna, mas maayos na ang relasyon niya ngayon sa mga anak ng kasintahang si Vic Sotto. Pahayag ng actress-TV host, “I would like to think so... Kapag nagkikita, nag-uusap naman kami kapag nandiyan. When they’re around, like sa Bulaga, nag-uusap naman kami. Hindi naman kami nag-iisnaban.”


Natural na raw para kay Pauleen Luna kapag gumaganap siya ng kontrabida roles.

Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang taping ng GMA afternoon series na The Borrowed Wife sa Balintawak, Quezon City, noong March 28.

Dito namin nakausap si Pauleen.

Kung ang co-star niyang si Camille Prats ay hirap kapag kontrabida ang kanyang ginagampanang role, kabaligtaran naman daw si Pauleen.

Mas hirap daw ang Eat Bulaga! co-host kapag kailangan niyang ipakitang naaapi siya, kaya mas gusto niya ang kontrabida rol.

Saad ni Pauleen, “Natural na, kasi siguro ilang taon na akong nagkokontrabida.

“Ang comfort zone ko, nandoon na.

"Dahil kumportable na ako, kaya ko na siyang laruin.

“Puwede na akong magdagdag ng ganito, ganyan.”

Yung api-apihan na karakter, gusto pa rin niya?

“Well, hindi rin naman ako nabibigyan ng api-apihan.

“I think, na-typecast na rin ako of being kontrabida.

"Okay lang din naman, hindi naman ako choosy. Grasya ‘yan ng Diyos."



PROJECT WITH VIC. Bilang isang artista, nandoon din ba yung kagustuhan niyang makasama sa isang proyekto ang boyfriend niyang si Vic Sotto?

“Oo, puwede rin naman,” sagot ni Pauleen.

Open din naman kaya si Vic sa ideyang magsama sila?

“Yes, I guess so, pero hindi rin naman namin napag-uusapan.

“Kasi, sinasabi niya sa akin noon, nirerespeto raw niya ang craft ko with drama. Ayaw raw niyang pakialaman.

“Kasi, napapanood naman niya ang mga shows.”

Kapag kontrabida ang karakter, madalas agresibo, may kissing scenes, at may intimate scenes. Hindi ba seloso si Vic sa mga ganitong eksena?

“Sabi niya, hindi raw. Sabi niya, ha!” natatawang sagot ni Pauleen.

Walang bawal?

“Wala raw, sabi niya.”

Kung may kissing scene, okay lang kay Vic?

“Siyempre hindi!” tawa pa rin ni Pauleen.

Kapag may kailangang kissing scene, ipinagpapaalam niya?

“Hindi... hindi ko na lang ipinagpapaalam.

“’Tulad kahapon, sa isang eksena… hindi naman ako nakikipag-kissing scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tulad sa isang eksena, nililihis namin [ang usapan].

“E, katabi ko siya, ginanun ko talaga, ‘Uy, kuwentuhan mo naman ako.’ Kuwento naman siya.

“’Turuan mo naman ako dito…’ Hindi niya nakita [ang kissing scene]!” natawang sabi niya.

May pagkakataon bang magkasama sila at napanood ni Vic na may kissing scene siya?

“Oo, pero huwag na, magagalit yun sa akin. Siyempre, ayaw niya.

“Pero wala raw bawal at hindi raw siya seloso.”



NO PROPOSAL YET. Ipinakita ni Pauleen ang kanyang mga daliring walang suot na engagement ring nang tanungin namin kung nag-propose na ba si Vic sa kanya.

Sabi pa ng aktres, “Dapat hindi ako ang tinatanong, dapat siya.

“At saka, sabi rin naman niya, siya mismo ang may sabi na hindi naman daw niya itatago.”

Nakahanda na siya kung sakaling mag-propose sa kanya si Vic?

“I guess so, yeah,” sambit ni Pauleen.

Matagal na ring isyu ang tungkol sa hindi pa raw siya buung-buong tanggap ng mga anak ni Vic bilang karelasyon ng kanilang ama.

Ngayon ba, masasabi niyang tanggap na siya ng mga anak ni Vic, lalung-lalo na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto?

“I would like to think so,” sagot ni Pauleen.

May pagkakataon bang lumabas sila ni Vic kasama ang mga anak nito?

“Well, wala, hindi naman.

“Kapag nagkikita, nag-uusap naman kami kapag nandiyan.

“When they’re around, like sa Bulaga, nag-uusap naman kami.

“Hindi naman kami nag-iisnaban.”

Hindi pa siya isinasama ni Vic sa family gatherings?

Sagot ni Pauleen, “Meron naman, pero hindi naman kami nag-iisnaban.

“Ako naman, wala naman akong galit. Sila naman, wala rin naman.

“Siguro, noong una lang, nailang. Yung ganun.

“Pero all’s well that ends well. I’m very positive naman.”

Nasa punto na rin ba na kapag may okasyon ay nagreregaluhan sila ng mga anak ni Vic?

“Hindi naman, pero ako, binibigyan ko ng tsokolate ang anak ni Danica, ganun lang, it’s nothing big.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong Holy Week, sa Canada raw sila magbabakasyon ni Vic.

“’Di ba, may Bulaga sa Canada? So, nandoon na rin kami, parang mag-e-extend na lang.

“Doon na lang kami siguro hanggang Holy Week.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN