Gabby Eigenmann admits poor ratings killed Paraiso Ko’y Ikaw

Gabby Eigenmann tells Kim Rodriguez and Kristoffer Martin they did a good job in Paraiso Ko’y Ikaw and not to lose hope: "I’m sure meron naman ’yang susunod. Let’s just learn how to move on and make the best kung ano man yung next."


Nagtapos na ang early primetime series ng GMA Network na Paraiso Ko’y Ikaw, na pinagbidahan nina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin.

Tumagal lamang ito sa ere ng dalawang buwan.

Nagsimula ito noong January 27, 2014 at nagtapos noong March 28, 2014.

Ikinalungkot ito ng lahat ng gumanap sa teleserye, kabilang na si Gabby Eigenmann na gumanap na ama ni Kim dito.

Saad niya, “Yes, hindi naman ako ipokrito na natutuwa.

"Nalulungkot ako, kasi siyempre, ngayon pa lang kami pumi-pick up sa pagiging close namin sa isa’t isa.

“It’s sad but happy, in a way, kasi naano ako sa mga... not just the crew, the staff, siyempre yung mga kapwa-artista dun, e."

Sa kanyang opinyon, naging parang eksperimento ang teleserye nang ilagay ito sa timeslot na mababakante noon sa pagtatapos ng Prinsesa ng Buhay Ko.

“E, nagkataon, yung show namin ang nailagay dun sa slot na yun.

“Sabi ko nga, it happens. Kahit primetime, naka-cut short, kahit minsan panghapon, naka-cut short... it happens.

“Because at the end of the day, business din talaga.

"Ratings-wise, sige, we’ll give that to the other network, malakas naman talaga yung kalaban."

Ang pinakamahigpit na katapat ng Paraiso Ko’y Ikaw ay ang long-running soap ng ABS-CBN na Annaliza.

Patuloy niya tungkol sa maagang pagkawala sa ere ng Paraiso Ko’y Ikaw, “Kumbaga, ’pag hindi maganda ratings, as much as possible, you don’t really prolong that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa pocket presscon ng talents ng PPL Entertainment, Inc. sa Cucina Ni Bunso restaurant, noong Huwebes, March 27.

MOVING ON. Sabi naman ni Gabby tungkol kina Kim at Kristoffer, "Don’t lose hope because they did a good job naman.

"Siyempre, nabigyan sila ng pagkakataon to lead a soap, but as they say, you’re as good as your last show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m sure meron naman ’yang susunod.

“Let’s just learn how to move on and make the best kung ano man yung next, ’di ba?”

Sa parte naman ni Gabby, mayroon na raw panibagong project na inihahanda ang GMA na kasama siya.

Panghapon daw ito ngunit ayaw munang magbigay pa ng ibang detalye ang aktor, "Kasi nauudlot!"

Tulad daw nung Prinsesa Ng Buhay Ko, "Medyo nakapagsalita ako, but at the last minute, biglang napalitan ako."

Dagdag niya, “Lahat naman ng proyektong nabibigay sa akin, ibinibigay ko naman nang buung-buo.

“Puso, lahat, all that passion.

"Sabi ko, kung hindi matipuhan ng manonood, let’s just do another one and move on from there.

"Yung ganun lang naman."

PPL SIBLINGS. Dalawang kapatid niya sa PPL ang may magandang pangyayaring pinagdaanan kamakailan.

Una ay si Jolina Magdangal na nagkaroon ng anak, at sumunod si Dingdong Dantes na nagtapos ng kolehiyo.

Saad ni Gabby, “Happy ako kasi for the longest time, first baby [ni Jolina].

"It was delicate for her to have one, ’tapos, yun nga, ipinagpe-pray namin siya.

“The first few months, nag-i-spotting siya, talagang kailangang mag-bed rest.

“’Tapos napapraning siya dahil first time.

"Tthe first few months, isa kami sa tinatawagan nito na, ’Paano ba ito, ganito-ganyan.’

“So, happy kami, kasi healthy baby boy.

"Tuwang-tuwa kami para sa kanila ni Mark [Escueta, Jolina’s husband].

“We can’t wait... pag bininyagan na, ’tapos first birthday, I’m sure it would be a big one, a big celebration.”

Ganoon din kasaya si Gabby para kay Dingdong.

"Happy ako!" bulalas niya.

"He deserves it, kasi matalino si Dingdong, Atenista ’yan, e.

"Alam ko na nag-aaral siya.

"Natutuwa nga ako kasi he went all the way to Bacolod para lang makapagtapos.

“With his busy schedules, nagawan pa niya ng paraan to fly in and out of Bacolod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinext ko siya, ’Congratulations.’

“Kung anuman ang naging opportunity sa showbiz for him, na itinigil niya yung pag-aaral, for him, madaling bumalik kasi he’s a smart guy.

"Matalino at may puso yun, e.

“Whatever he does, especially in this industry at in politics, ’di ba, he knows what he’s doing.

“Malayo pa ang pupuntahan niya, at a young age, yes!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN