Anton del Rosario keeps mum about rumored marriage plans “for security reasons”

Nakiusap ang Philippine Azkals member na si Anton del Rosario na huwag nang tanungin tungkol sa kanyang fiancée na si Samantha Richelle dahil daw sa usapin ng seguridad.


Bukod sa pagiging isa sa pinakasikat na manlalaro ng Philippine Azkals, ang national football team, nakikilala na rin ngayon si Anton del Rasario sa kanyang endorsements.

Ano sa palagay niya ang dahilan at naging in demand siya sa pag-eendorso ng mga produkto?

Tugon ni Anton sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I don’t know how many I got right know.

"I mean, there are few I do, there’s Ponds, there’s this one...

“It’s nice that people are interested in having me, you know.

"I’d like to help out and push their product as much as possible.

"I guess you could say I’m kinda fashionable, you know, having a fiancée that’s in fashion and stuff like that.

"So, I mean, it’s understandable that these clothing brands and, you know, I guess people see me as a fashionable person.”

Nakausap ng PEP si Anton sa presscon ng McJim leathergoods and accessories sa Lola’s Café, Quezon City, noong March 26.

OUTSIDE THE FOOTBALL FIELD. Kapag wala naman daw training ang Azkals, taong-bahay lang si Anton.

Saad niya, “I’m a big family guy, you know, I have a fiancée and a little three-and-a-half year-old at home.

"So, most of the time, when I’m not playing football or in the gym or whatever, I’m with them, you know.

“And like I said, I go out, do regular things.

"My fiancée, she’s into fashion, so she likes to go shopping all the time.

"So, I’m stuck in the mall very often, watch movies, you know.

“I like to travel a lot, too.

"Every time I get an opportunity to get out of town, you know, if I have enough time, I’ll try and take that opportunity to get out.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano na ba sila ng kanyang fiancée ngayong summer?

Sabi ni Anton, “This summer, we’ll be heading to the States.

"Last summer, we went to Europe.

"The summer before that, we were able to go on a cruise… stuffs like that.

"So, I mean, I love to travel. I love to travel a lot so... yeah.

"Besides that, it’s all family."

SAMANTHA RICHELLE. Inusisa rin ng PEP si Anton kung matutuloy na ang balitang pagpapakasal nila ng kanyang fiancée na si Samantha Richelle.

Ngunit tikom ang bibig ni Anton tungkol dito.

Ayaw rin niyang mag-elaborate pa tungkol sa kanyang fiancée “for security reasons.”

Si Samantha ay mula diumano sa angkan ng mga Bolkiah ng Brunei.

Pinay ang ina nito na umano’y pangatlong asawa ni Prince Jefri Bolkiah, kapatid ng kasalukuyang Sultan ng Brunei na si Prince Hassanal Bolkiah.

Nakabase na rin ito ngayon sa Pilipinas bilang isang fashion designer at sylist.

(Photo by Mark Atienza)

Kinabukasan, March 27, naispatan ng PEP si Anton at Samantha na magkasama naman sa event ng CreamSilk sa Intramuros, Manila.

(Photo by Mark Atienza)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN