Heart Evangelista ignores talks that she will be a liability to Senator Chiz Escudero in 2016 elections: "To be honest, I really don’t care."

Ipinagmamalaki ni Heart Evangelista sa harap ng media na si Senator Chiz Escudero na ang sigurado niyang makakasama niya habang buhay. Itinanggi naman nitong nag-propose na ang mambabatas sa kanya.


Bukas na si Heart Evangelista sa posibilidad na magkaayos sila ni Marian Rivera “in a matter of time.”

Ito ang kanyang inihayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media sa CreamSilk @ 30 event sa Intramuros, Manila, noong March 26.

Read: Heart Evangelista on reconciliation with Marian Rivera: "Sana dumating din ‘yan, pero huwag na lang sigurong ipilit."

Dahil bukas naman sa loob ni Heart ang magkuwento, inusisa na rin siya ng media tungkol sa posible namang pagsasaayos ng relasyon niya sa kanyang mga magulang.

Tugon niya, “Well, kasi, that relationship with my family is, you know, very complicated.

“But I will always love them.

"I will always be understanding with whatever they want for me.

“But, I guess, this is really the time of your life that you have to be on your own.

"By being on your own, you live your life.

"And it’s the kind of life that you live that will determine what kind of relationship I have with my parents in the future.

“So, it’s just a matter of time.”

Matatandaang nagkaroon ng malaking sigalot sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang na sina Rod at Cecile Ongpauco dahil sa relasyon ng aktres kay Senator Francis "Chiz" Escudero.

Read: Heart Evangelista on her parents’ disapproval of Chiz Escudero: “Kung gusto n’yong magkahiwalay kami, hayaan n’yo na lang akong makapagdesisyon nun, please!”



INDEPENDENT HEART. Dahil sa kanilang alitan, minabuti ni Heart na bumukod na ng tirahan.

Nakapagpundar naman siya kalaunan ng isang apartment kung saan siya nakatira ngayon.

Kumusta na ang kanyang pagiging independent?

Bulalas ni Heart, “I love it!

"In the beginning, ayoko talaga. But, I love being independent.

“I love being in control. I love learning from mistakes.

"It’s such a liberating feeling.”

Ang kanyang bahay ay ilang hakbang lang ang layo mula sa bahay ni Chiz, kaya may nagsasabing nagli-live in na sila dahil palagi raw nakikita ang nobyo sa kanyang tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ito ni Heart.

Ngunit inamin niyang bukas naman sila sa sleepovers sa kani-kanilang mga bahay dahil nga magkalapit lamang ang mga ito.



CHIZ RUNNING FOR A HIGHER POSITION? Bilang matatag na ang kanilang relasyon ni Senator Chiz, nagkuwento na ba ito sa kanya tungkol sa mga plano nito sa pulitika?

Mainit kasi ang usap-usapang tatakbo si Chiz sa mas mataas na posisyon sa 2016 national elections.

Saad ng Startalk host, “He has no plans, he’s really…

"You know, when you think about a politician... yun lang yung ginagawa nila, nagku-connive or nag iisip ng next step nila.

"He’s just a happy-go-lucky guy these days. He’s not planning for everything.

“Hindi naman din siya ganun klaseng tao sa pagkakakilala ko, e, ‘no. Nothing.”

May mga nagsilabasan ding isyu na maaaring maapektuhan ang kandidatura ni Chiz sa 2016 dahil sa sigalot na idinulot nito sa pamilya ni Heart.

Negatibo rin daw si Heart sa imahe ng senador kaya baka maging tagilid ito sa posisyong tatakbuhan sa susunod na halalan.

Ano ang masasabi niya rito?

Tugon ni Heart, “People say that I will do bad for him.

“To be honest, I really don’t care.

"What I really care about is what we have, and what we have is good.

"So, whatever the outcome of something good, I think it’s also great.

“So, wala akong problema sa ganun. They can say whatever [they want to say].

“We’re very good. We’re very happy.”



FIRST LADY? WIFE OF THE VP? OR SIMPLY MRS. ESCUDERO? Kung sakaling matuloy nga si Senator Chiz na tumakbo sa mas mataas na katungkulan, handa na ba si Heart na maging misis ng Presidente o Vice President?

Natatawang sagot ng aktres, “Actually, you know, to be honest, I’m okay with the Mrs. Escudero because artista pa ang buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What more, that’s a different level.

"But, you know, it’s all about destiny, at the end of the day…

"So wherever God takes us na lang.”

May plano na ba silang magpakasal?

Sabi ni Heart, “Wala pa. But definitely, I will let you know.”

Hindi pa rin daw nag-propose si Chiz sa kanya.

Ipinakita pa nga niya sa harap ng mga camera ang kanyang dalawang kamay na walang suot na enagement ring.

Sa kaliwang kamay raw kasi isinusuot ang singsing kapag engaged na ang dalawang nagmamahalan. Tanging sa kanang kamay lang may singsing na suot si Heart.

(Photo by Mark Atienza)



“SIYA NA TALAGA.” Masasabi ba niyang si Chiz na talaga ang gusto niyang makasama habang buhay?

Pagmamalaki nito, “Siya na talaga. As in, that’s it!

“I’ve made up my mind.

"That’s why we’re going to Paris, yun kasi yung sukatan ko.

"’Pag nag-Paris na kami, ibig sabihin, ito na yun.

“Because I didn’t want to go to Paris with anybody else, I was sure to create those memories.

"I think we’ll be going in June or July, it depends.

“Siya, actually, matagal na naming pinag-usapan because it’s supposed to be a birthday vacation. But, ‘di siya makaalis because of work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN