PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wowie de Guzman no longer in touch with former screen partner Judy Ann Santos

Wowie de Guzman open to acting projects on television and in movies.
by Bernie V. Franco
Published Apr 1, 2014
Ayon sa dating teen heartthrob na si Wowie de Guzman, nami-miss pa rin niya ang showbiz. "Of course, yung trabaho na every day, kasama yung nakukuha mong atensiyon sa mga tao, lalo na pag pinapanood yung mga projects na ginagawa niyo."

“If meron namang offers, walang problema.”

Ito ang sagot ng dancer turned actor na si Wowie de Guzman nang matanong kung bukas pa siya sa acting offers.

Ang huling proyektong ginawa ni Wowie sa telebisyon ay ang 2013 afternoon teleserye na Little Champ.

Ano ang pinagkakaabalahan niya?

“Ngayon, mga events, mga stageplays,” sagot ni Wowie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Neuropathy Awareness Movement ng Neurobion, na ginanap sa Trinoma Activity Center, noong March 31, Lunes.

Bukod kay Wowie ng UMD, nag-perform din sa nasabing event ang iba pang dance groups, kagaya ng SexBomb Dancers at Maneouvres.

JUDY ANN SANTOS. Si Wowie ay miyembro ng sumikat na dance group noong ‘90s, ang Universal Motion Dancers (UMD), at kalaunan ay pumasok sa larangan ng pag-arte at naging ka-loveteam ni Judy Ann Santos.

Ani Wowie, natutuwa siya na ipinapalabas pa ang mga dati niyang pelikula, kasama si Juday, sa cable channels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mga nami-miss niya noong aktibo pa siya sa showbiz?

“Of course, yung trabaho na every day, kasama yung nakukuha mong atensiyon sa mga tao.

"Lalo na pag pinapanood yung mga projects na ginagawa niyo.

“Nakikita mo ang impact sa tao.”

May komunikasyon pa ba sila ni Judy Ann?

Sagot ni Wowie, “A long time ago, hindi ko na matandaan.

“I think more than ten years or nine years ago.”

Kahit daw sa social media ay wala silang komunikasyon ng Teleserye Queen.

Tila masaya naman ngayon si Wowie sa kanyang buhay pamilya.

Masaya niyang ibinalita na kapapanganak pa lamang ng kanyang non-showbiz wife na si Sheryl Ann Reyes.

Nagpakasal ang dalawa noong 2012.

A NEW GENERATION OF DANCERS. Ngayon ay hindi na aktibo ang UMD at marami na ring nagsulputang dance groups.

Kumpara sa panahon nila, tanggap ni Wowie na mas magagaling ang mga dancer ngayon kesa sa panahon nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mas maraming magagaling ngayon, kasi andaming nabubuong teams, madaming napapanood sa YouTube, sa Internet…

“Marami silang nakukuhang inspiration.

"So, kung papanoorin natin, para sa akin, mas magagaling ang mga bata, ang bagong generation."

Sa mga baguhan naman at nais pasukin ang pagsasayaw, mayroong mensahe si Wowie kung paano magtagumpay sa ganitong karera.

“Basta siguraduhin lang nila na mahal nila ang ginagawa nila at lagyan nila ng puso palagi ang pagsasayaw nila.

"At, of course, lagi silang makikinig sa mga choreographers at mga handlers nila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa dating teen heartthrob na si Wowie de Guzman, nami-miss pa rin niya ang showbiz. "Of course, yung trabaho na every day, kasama yung nakukuha mong atensiyon sa mga tao, lalo na pag pinapanood yung mga projects na ginagawa niyo."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results