Nagkaayos na ang matalik na magkaibigang sina Kim Chiu at Maja Salvador.
Nag-umpisa ang usap-usapang ito nang sagutin ni Maja ang tanong ng entertainment media tungkol sa posibilidad na magkaayos sila ni Kim.
Sabi ng The Legal Wife actress, “In time. Magugulat na lang kayo Gugulatin na lang namin kayo, 'Ay, okay na pala sila!'”
Read: Maja Salvador on ending rift with Kim Chiu: "Gugulatin na lang namin kayo."
Naging mas matunog pa ang balita tungkol dito nang i-post ng entertainment columnist at radio show host na si Ogie Diaz noong Linggo, March 30, ang diumano’y pagkikita at pag-uusap ng dalawang Kapamilya actress noong nakaraang dalawang linggo:
Yehey! Bati na pala sina @dprincessmaja at @prinsesachinita last week. Nagkita sila at nagkatsikahan na. #SarapNgFeeling.
— ogie diaz (@ogiediaz) March 30, 2014
Nabanggit din ni Ogie ang pag-uusap nina Kim at Gerald Anderson, na siyang itinuturong simula ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang aktres:
Usap na din sina gerald at @prinsesachinita kanina. Nagbibiruan pa nga sila. All's well that ends well. "Sarap ng walang kaaway!" -kim
— ogie diaz (@ogiediaz) March 30, 2014
Nakitang magkausap sina Kim at Gerald sa event ng Dreamscape unit ng ABS-CBN noong Linggo, March 30.
Samantala, isang source ng PEP ang nagkumpirma na nagkaayos na sina Kim at Maja.
Ayon sa source, si Maja umano ang lumapit kay Kim para kausapin.
Nanatili lamang tahimik si Kim tungkol dito dahil ayaw na ng Ikaw Lamang actress na lumaki pa ang isyu.
Matatandaang ikalawang pagkakataon na ito ng pakikipag-ayos ni Maja sa mga taong nakasamaan niya ng loob.
Noong una ay ang paglapit niya sa kasamahan niya sa ASAP na si Sarah Geronimo.
Nagkaroon din ng isyu sa pagitan nina Maja at Sarah dahil din kay Gerald, na naging manliligaw ng una bago naging boyfriend ng huli.
Read: Sarah Geronimo and Maja Salvador hug behind Kim Chiu