Halatang may lungkot sa boses ni Camille Prats nang tanungin at kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan babalik sa Amerika ang kanyang non-showbiz boyfriend na si VJ Yambao.
“Soon,” sagot ng Kapuso actress.
Yun pala, hindi na aabutin ng Holy Week ang boyfriend niya rito sa Pilipinas kaya matagal ulit bago sila magkita.
Nakabase kasi sa Amerika ang kasintahan ni Camille.
“Siyempre, we have to set our priority.
“Kasi siyempre, hindi naman puwedeng puro ganito lang.
“Matagal na rin siyang nandito, he’s been here for a year.
“Yun talaga ang plano namin, for him to come here for a year to also build foundation in our relationship.
“To get to know each other.”
Nagbakasyon at may mga negosyo rin daw ang boyfriend habang nasa Pilipinas.
Sabi ni Camille, “Pero siyempre, nothing definite on his side.
“E, sa States, mas maganda kasi ang opportunity niya doon.”
Susunod siya sa boyfriend?
“Hindi, kasi, dito naman talaga ako, ‘di ba?”
Wala siyang planong bisitahin din ito sa Amerika?
“Siguro during vacation. Kaming dalawa naman, we plan to do vacation.
“Kung kakayanin ng schedule. Kung kakayanin ng panahon. Pero indefinite pa.
“Siyempre, at this point, mas priority namin to work hard for our future.
“Hindi naman namin magagawa yun nang wala kaming gagawin.
“So, step one is to start doing things on our own.”
Nag-propose na ba ang boyfriend sa kanya bago ito umalis?
Sagot ni Canille, “No, wala pa.
“Pero siguro, alam naman namin pareho na it comes from right timing.
“Siguro ngayon, alam naman namin na hindi pa naman kami ganoon ka-fully prepared.
“But once we are, wala namang dahilan para itago namin.”
SLIMMER CAMILLE. Kapansin-pansin ang laki na ng ipinayat ni Camille nang makita namin siya sa taping ng GMA afternoon soap na The Borrowed Wife noong Biyernes, March 28, sa may Selecta Drive, Balintawak, Quezon City.
Mas payat na nga siya sa co-star niya sa soap na si Pauleen Luna.
Ayon kay Camille, may special diet siya ngayon.
“1.2 lang lagi, every day. 1,200 calories lang palagi.
"Kasi may special diet ako na, yun nga, dinadala sa akin.
“Pero matagal na rin naman akong nagpapapayat, siguro more than one year na.
“At saka, parang hindi na rin kasi ako sobrang kain.
“Kapag kumain ako ng kahit konti, busog na agad.
“Ano rin kasi siya, tiyagaan. Hindi siya yung overdiet na tatlong araw lang, payat na agad.
“Nadaan naman siya sa tiyagaan at saka siyempre, workout kapag may panahon.”
HOT MOMMA. Ngayong payat na siya, posible kaya niyang ikunsidera ang ginagawa ng ibang young mommies ngayon sa showbiz na nagpapaseksi sa men’s magazines?
Natatawang sagot ni Camille, “Okay na ako!
“Siguro, sa panahon ngayon, ang kaya ko na lang ibigay ay yung acting skills ko.
“Yun lang naman ang pinagtatrabahuhan ko nang sobra at yun lang din naman ang kahit paano ay maipagmamalaki ko.
“Pero sa katawan, keri namang magdamit ng tight fit, magpakita ng konting skin.
“Pero yung magpaseksi pa, hindi na. Ibigay na lang natin sa mas nakababata sa atin.”
Dagdag niya, “At saka, unang-una, I have school and, siyempre, I have to protect my image for the school.
"Hindi lang dahil sa anak ko o sa ibang bagay o sa sarili ko.
“It’s more on siyempre may ibang mundo rin akong ginagalawan kumpara rito sa industriyang ito [showbiz].
“Siyempre, kailangan ko rin pangalagaan yun.”
