Ang Pinoy adaptation ng Pretty Little Liars ang kasunod na drama series sa TV5 ng Artista Academy winner na si Sophie Albert.
Ito raw ang dahilan ng pagiging abala ni Sophie, lalo’t mahaba-haba pa ang tatakbuhin ng kanilang taping para rito.
Inamin ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na natuwa siya sa panibagong project niyang ito.
Ang huling regular series na ginawa ay ang Never Say Goodbye (2013), kung saan nakasama niya ang kanyang co-winner sa Artista Academy na si Vin Abrenica at ang Superstar na si Nora Aunor.
Nagkaroon din siya ng short guest appearance sa Undercover ni Derek Ramsay.
Saad ni Sophie, “It’s been slow.
“Last year was medyo slow after Never Say Goodbye.
“Medyo bumagal siya, medyo na-depress nga ako.
“Pero in God’s time, naniniwala naman akong I’ll get my break soon or one day.”
Bakit siya na-depress?
Sagot niya, “Wala, kasi wala akong ginagawa.
“Nalulungkot lang ako na… nasanay na ako na after Artista Academy dire-diretso yung schedules, ‘tapos biglang nag-lie low ng konti.
“So, medyo nakakalungkot ng kaunti.
“Pero ayun, I’m happy naman now na may Pretty Little Liars.”
Bagamat regular ding napapanood si Sophie sa gag show na Tropang Unli, pero nami-miss daw niya ang umarte sa mga drama series.
Nakapanayam ng PEP si Sophie sa nakaraang Golden Screen TV Awards noong March 21.
VIN ABRENICA. Kapansin-pansin namang mas maraming proyekto ang katuwang niyang winner sa Artista Academy na si Vin Abrenica.
Nang matapos ang Never Say Goodbye, nakasama ang young actor sa Misibis Bay na pinagbidahan ni Ritz Azul.
At ngayon naman ay tampok ito, kasama si Alwyn Uytingco, sa Beki Boxer.
Hindi ba naiinggit o nadi-disappoint si Sophie na mas maraming proyekto sa kanya si Vin?
Sagot ng Kapatid star, “Hindi naman, kasi, like now, meron siyang dalawang shows na ginagawa.
“Ngayon naman, meron sila [TV5] ibinigay sa akin na alam ko namang magde-define or magbibigay sa akin ng opportunity na mag-shine.
“’Tapos, I’ll be part rin ng Cinemalaya movie.
“So, I’m happy naman. It’s going to be much better now.”
INTENSE SCENES. Tinawag ba niya ang pansin ng TV5 para ipaalam ang nararamdamang pagbagal ng kanyang career?
Sagot ni Sophie, “Hindi naman. I’m patiently waiting.
“I’m sure naman mabibigyan rin ako ng sapat na role.
“Actually, hindi naman ako nawalan.
“Once a week naman nagti-taping ako ng Tropang Unli.
“Pero aside from that, gusto ko may ginagawa ako, wala akong tulog.
“Yun ang nae-enjoy ko yung ginagawa ko.
“So, nung wala akong masyadong ginagawa, tina-try kong magpaganda, magpapayat.
“Ginugutom ko ang sarili ko!” biro pa niya.
Sumang-ayon naman si Sophie sa obserbasyon ng ilan na tila mas binibigyan ng projects ngayon ng TV5 ang talents nilang willing magpa-sexy.
Abi niya, “Oo nga… well, it’s out of my comfort zone.
“Parang yung sa Pretty Little Liars, marami kaming makeout scenes, bed scenes.
“So, medyo I got out of my comfort zone.
“Hindi na ako bata. So, hindi naman ako puwedeng magpa-teenybopper.
“Pero hindi pa ako handang magtanggal ng damit.”
Ibig sabihin nito, suggestive scenes lang yung mga makeout at love scenes niya sa serye?
“Oo, may mga gano’n.
“Pero gumawa na kami ng mga kissing scenes na, for me, medyo intense na siya.
“’Tapos yung movie nga, very intense.
“May mga love scenes talaga, bed scenes.
“Nakita ko na yung script… may bed scenes ako with Elmo.”
Ang tinutukoy ni Sophie na pelikula ay ang pagsasamahan nila nina Elmo Magalona, Diego Loyzaga, at Coleen Garcia.
First time daw ni Sophie na gagawa ng pelikula kaya kinakabahan siya.
REPRIMANDED. Anong preparasyon ang ginawa niya sa series at sa movie?
Saad ni Sophie, “Yung sa Pretty Little Liars adaptation, nakuhanan na yung kissing scenes namin.
“Ka-partner ko doon si John James Uy. So, kaming dalawa yung magka-kissing scene.
“Medyo kinabahan ako, medyo napagalitan din ako ni Direk [Mac Alejandre].
“Pero okey naman. Maganda naman yung series namin, worth it naman,” pahayag ni Sophie na ang tinutukoy niya ay ang kissing scenes niya sa project.
Bakit siya napagalitan ni Direk Mac?
“Medyo parang umiilag ako nung kini-kiss ako ni John James. Medyo nakailang takes din.
“Sinabi naman ni Direk Mac na… medyo bini-base namin sa the one from the States.
“So, sabi niya, ‘Naalala mo yung eksenang ito? Eto ang gusto kong mangyari.’
“’Oo nga, naalala ko na, eto nga yun.’
“So, ginawa ko na lang, ipinikit ko na lang yung mga mata ko.”
Handa na ba siyang magpa-sexy at tumanggap ng mature roles?
Sagot ni Sophie, “Hindi naman sexy, siguro mature.
“I’m 23 years old naman na din. Hindi naman na ako teenager.
“Paunti-unti na rin siguro.”
Paano siya nagpaaalam sa mommy niya?
“Hindi pa niya alam… siguro pag napanood na lang niya,” sagot ni Sophie.
Hindi kaya magalit ang kanyang ina?
“Hindi ko alam, pero ie-explain ko naman sa kanya.
“Trabaho ko ito, e. Hindi naman puwedeng hindi gawin.”
Handa na rin ba siyang mag-pose sa men’s magazines, gaya ng FHM?
Tugon ng Kapatid actress, “Parang hindi pa… hindi ko alam kung kailan… ewan ko. Siguro pag mas ready na ako.”
VIN ABRENICA. Tungkol naman sa rumored relationship nila ni Vin, ibinalita ni Sophie na close pa rin sila nito.
Madalas pa rin daw silang magkita kahit busy sila sa kani-kanilang mga trabaho.
Ibig sabihin ba ng madalas, mayroon na silang romantic attachment sa isa’t isa?
Sagot ni Sophie, “We’re very close.
“Siguro walang romantic attachment or romantic commitment, pero we’re just having time together, spending time together.
“Siguro ayaw naming lagyan ng label.
“Kasi, ever since AA [Artista Academy], we’ve been together all the time.
“Parang ang hirap bitawan na siya yung kinakapitan ko sa industriyang ito.”
Hindi pa ba sila in love sa isa’t isa?
“Siguro siya in love na siya sa akin!” sabay tawa ni Sophie, at saka idinagdag na, “Joke lang.”
May nararamdaman na ba siya para kay Vin?
Tugon ni Sophie, “Oo naman. How can you not love someone na kasama mo for two years or one year?”
