PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas on Kris Aquino: "She will be a friend to me hanggang sa wakas ng buhay ko."

Ai-Ai delas Alas says Kris Aquino "has still a special place in my heart."
by Arniel C. Serato
Published Oct 24, 2017 | Updated Apr 2, 2014
Nakatakdang lumipad si Ai-Ai delas Alas at anak na si Sancho papuntang Amerika para sa debut ng kanyang anak na si Sophia. Isang linggo lang daw ang ilalagi nilang mag-ina sa States dahil sa dami ng trabahong ginagawa ng komedyana dito sa Pilipinas.

Bukas, April 3, ang eksaktong ika-isang taong anibersaryo ng kasal ni Ai-Ai delas Alas sa ex-husband nitong si Jed Salang.

Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Las Vegas, Nevada.

Read: PEP SCOOP: Ai-Ai delas Alas is now Mrs. Jed Salang, according to sources

Pero matapos ang halos isang buwan ay naghiwalay rin kaagad ang dalawa dahil sa isang matinding away.

Read: Ai-Ai delas Alas confirms split from husband Jed Salang; cites physical abuse and third party as reasons

January 2014, kinumpirma mismo ni Ai-Ai sa PEP na na-grant na ang divorce papers nila ni Jed.

Read: PEP EXCLUSIVE. Ai-Ai delas Alas confirms divorce from Jed Salang finalized

Ngayon bang malaya na siya, muli na kaya siyang nakikipag-date?

Natatawang sagot ni Ai-Ai, “As usual... Matagal na, magwa-one year na.

“Oo, ini-enjoy ko silang lahat, andami nila, yes.

"Kung sinu-sino lang, mga date-date lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ayoko ng commit-commit. Kasi, di ako makahinga.

"Parang may trauma akong di ko maintindihan, parang di ako makahinga kapag nagkakaroon na ng problema."

Ngunit matigas pa rin ang loob ng komedyana pagdating sa usaping pakikipag-ayos sa dating asawa.

Sabi niya, “Huwag muna, huwag muna.

"Dadating din yung time.

"Lahat naman ng sugat, naghihilom sa tamang panahon."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai bago pa magsimula ang PEPsters' Choice Awards ng The PEP List 2013 noong Huwebes, March 27, sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Si Ai-Ai ang tumayong host ng nasabing event.

ON “RIFT” WITH KRIS AQUINO. Matagal nang usap-usapang may sigalot na namamagitan kina Ai-Ai at Kris Aquino.

Nagsimula ito nang namatay ang biological mother ni Ai-Ai, kung saan hindi nakadalo sa burol si Kris dahil nasa London ito, kasama ang dalawang anak, para magbakasyon.

Mula noon, umiwas na si Ai-Ai na pag-usapan pa ang kaibigan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag niya sa PEP, “Pagdating kay Kris, ayoko na siyang pag-usapan.

“Hindi sa ayoko, ayoko lang kasi siyempre kapag ‘di naman kailangan pag-usapan.

"Kasi may sarili siyang buhay, may sarili akong buhay.

"Parang hindi ba kami mabubuhay na kailangan hindi kami pag-uusapang dalawa, ‘di ba?

"Hindi naman ako yung parang... hindi naman ako yung nagtataray na parang ayoko siyang pag-usapan, ayoko na lang.

"Ayoko ng marami pang salita. Ayoko ng ganun."

Ngunit may puwang pa naman daw sa puso nito ang tinaguriang Queen of All Media.

Sabi ni Ai-Ai, “Sinabi ko na Kris will still be Kris.

“Kris has still a special place in my heart.

"She will be a friend to me hanggang sa wakas ng buhay ko."

BLESSINGS. Bukod sa teleseryeng Dyesebel, may dalawang pelikulang gagawin ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ngayong taon.

Sabi niya, “Pero di pa puwedeng i-announce. Pero it will be shown by October, meron akong indie film, first time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Role daw niya sa pelikulang ipalalabas sa Oktubre ay isang pulis.

Masaya namang nagkuwento si Ai-Ai ng mga pinagkakaabalahan niya, pati na ang bonding nilang pamilya.

Mas nagiging malapit daw lalo siya sa kanyang mga anak ngayon.

Sabi niya, “Wala akong iniintinding problema.

"Pagod lang sa work, pero wala naman akong problema.

“Yes, it’s a blessing.”

Ngayong summer, bibiyahe papuntang Amerika si Ai-Ai kasama ang panganay niyang si Sancho para sa debut ni Sophia.

“GOOD VIBES NA LANG…” Kahit masaya naman daw siya ngayon, aminado si Ai-Ai na may mga problema pa rin siya.

Aniya, “Marami din, marami din akong problema.

"Kaya lang, hindi na lang ina-adrdess. Kumbaga, good vibes na lang.

“Good vibes, ‘di ba?

“Sabi nga nila, kung ano yung naiisip mo, yun yung nangyayari.

"Yun yung sa book, e, yung The Secret, ‘di ba?

“Kung ano yung nai-imbibe mo, na iniisip mo, yun yung mangyayari sa buhay mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ako, parang nakalagay dun sa book na yun, pag negative, parang radio, palitan mo yung frequency mo.

"Punta ka dun sa frequency na maganda o positive."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang lumipad si Ai-Ai delas Alas at anak na si Sancho papuntang Amerika para sa debut ng kanyang anak na si Sophia. Isang linggo lang daw ang ilalagi nilang mag-ina sa States dahil sa dami ng trabahong ginagawa ng komedyana dito sa Pilipinas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results