PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz protects sister Mika from being bullied; lauds Tulfo brothers for being fair

Barangay Captain Angelika dela Cruz is learning it's not easy for a showbiz personality like herself to become a public servant.
by John Fontanilla
Published Apr 3, 2014
Angelika dela Cruz's on 15-year-old sister Mika: “Nakatutok siya sa school, lalo na ngayong second year na siya. Lagi niya sinasabi sa akin na, 'Ate, sama ako sa 'yo mag-Muay Thai, sama ako sa 'yo mag-bike, sama ako sa 'yo tumakbo.' Hindi siya yung 'eeeeh, ang cute' kapag nakakakita ng guwapong lalaki."

Ikinatutuwa raw ni Angelika dela Cruz na iniidolo siya ng nakakabatang kapatid na si Mika.

Sabi ng Kapuso actress, "Pero hindi lang naman ako, pati si Angelica Panganiban, kasi kamukha niya yun, e.

“Nakakatuwa ng, pag naglilibot kami minsan, may mga nagsasabi na, 'Ay, si Angelika cela Cruz at si Mika Panganiban!'

"Sinasabi ko sa mga tao na, 'Dela Cruz! Ako nga ang kasama, ate, 'di ba, 'di ba?'

"'Tapos nagtatawan naman sila."

Nag-artista rin si Mika dela Cruz tulad ng ate niya. Kasalukuyan siyang napapanood sa Mira Bella ng ABS-CBN.

Susunod rin kaya ito sa yapak ng kapatid sa pulitiko? Si Angelika kasi ay kasalukuyang nanunungkulan nilang barangay captain sa Longos, Malabon City.

"Hindi ko alam 'yan!" bulalas ni Angelika.

"Kasi nung una, ang alam ko, gusto niya mag-SK [Sangguniang Kabataan].

“Bata pa yun, 'tsaka totoo naman kasi na mahirap talaga ang maging public servant.

“Lalo na pag artista ka, feeling mo minsan pinagtitripan ka nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa pocket presscon para sa PPL Entertainment Inc. talents, sa Cucina ni Bunso restaurant, sa Quezon City, noong March 27.



BOYISH. Hindi pa raw kinakabahan ang Dela Cruz Family, lalo na si Angelika, sa pagdadalaga ng kanyang kapatid na si Mika.

Sa edad na 15 ay wala pa raw itong crush, mapa-artista man o sa labas ng showbiz.

Natatawang pambubuko ni Angelika, “Boyish kasi si Mika at sana 'wag siyang magmana sa akin.

"Actually, hindi niya interes... Wala pa siya yung mga sinasabi nilang crushes, talagang bata pa kahit 15 na siya.

“Nakatutok siya sa school, lalo na ngayong second year na siya.

"Lagi niya sinasabi sa akin na, 'Ate, sama ako sa 'yo mag-Muay Thai, sama ako sa 'yo mag-bike, sama ako sa 'yo tumakbo.'

“Hindi siya yung 'eeeeh, ang cute!' kapag nakakakita ng guwapong lalaki."



PROTECTIVE. Inaruga raw ni Angelika ang kapatid nang malaman niya ang pangbu-bully kay Mika noong nasa grade school ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi mestiza kaya na-bully, gusto ko nga ring bully-hin, e," pagbibirong pahayag ni Angelika.

Kuwento [a nito, “After kong malaman yung pangbu-bully kay Mika, kinuha ko siya.

“Kasi pag alam mong binu-bully yung anak mo, dapat tutukan mo.

“Kung sa school nangyari, you have to talk to the teacher.

"You also have to talk to the parents, sa magulang nung batang nambu-bully, kailangan yun.

“Sa mga bata naman, pag nakaka-experience ng ganun, better na magsumbong, kasi hindi maganda yun."

Dagdag pa ni Angelika, "Nakakatawa nga na pag lumalabas kami, may mga nagtatanong kung anak ko siya.

“Sinasabi ko, 'Oo, nabuntis ako nung 17 lang ako. Charing!'"



COMPLAINT. Sa kabilang dako, naikuwento ni Angelika ang isang insidente sa kanyang barangay na isinumbong sa programa sa TV5 ng magkakapatid na Tulfo—sina Erwin, Raffy, at Ben.

Pahayag ni Angelika, “Kasi may babaeng nagpunta dun [barangay hall], sabi niya, yung mga tanod ko daw ginulpi yung anak niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, 'Asan na po yung anak niyo?'

“'Tapos nung nakita ko yung anak niya, walang kagalus-galos.

“Kaya tinanong ko kung papa'no ginulpi, sumagot naman na binubog daw, sinuntok siya, ginanun siya.

“Siyempre, kailangan mo pa ring kausapin.

“Tinanong ko yung mga tanod, sinabi nila sa akin na hindi naman nila ginulpi at wala ngang makitang galos.

“Sinabi ko na lang sa mga tanod na walang mawawala sa kanila kung mag-a-apologize sila maski wala silang ginawa.

"Wala namang masama kung magpapakumbaba sila kasi nakapuwesto kami, e.

“Kinausap ko din yung nanay at yung bata, 'Gusto niyo bang mag-file ng kaso laban sa mga tao ko?'

"Sumagot naman ng, 'Oo, magpa-file kami.'

"Sinagot ko, 'Pag nag-file kayo, magpa-file din po sila, kasi siyempre ipagtatanggol nila ang sarili nila, 'di ba?

“'Pero kung yun po ang gusto niyo, wala naman kaming magagawa.'

“'Tapos nung paalis na sila, sinabihan ako na papa'no yung medical nila, 'Bayaran niyo ito,' ganyan-ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko, 'Magpa-file po kayo ng kaso, 'di ba, kaya hindi po namin babayaran.'

"Kaya ayun, pina-Tulfo ako.

“Ang sabi nila dun sa T3, hindi ko daw sila hinarap at ang humarap daw sa kanila yung asawa ko.

"Parang yung asawa ko daw yung kapitan na hindi naman totoo, dahil ako mismo ang humarap at nakausap nila.

“At may video ako.

“Sabi ko, 'Ate, nakakalimutan mo ba na nagpaalam ako sa 'yo na ibi-video ko kayo. Na sinagot naman nito ng, 'Ay, oo nga!'

“'Tapos meron pa siyang, 'Tinulungan ko pa naman siya, ganyan-ganyan, sinasayaw ko pa yung [campaign] jingle niya.'

“Sabi ko, 'Ate, mali yung sayaw mo.'

"At sinagot naman niya ng, 'Ay, oo, kasi hindi naman kita sinuportahan.'

“In fairness naman sa kanilang tatlo [Tulfo brothers]… thankful nga ako sa kanila.

"Kasi, 'di ba, yung iba galit kaagad sa public servant.

"Sila, inalam muna nila kung totoo ba o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, kasi hindi namin siya [complainant] tao. Yung ikinampanya niya, yung nakalaban ko na natalo.

“Kaya ayun, wala din siya nagawa kasi wala naman talagang katotohanan."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz's on 15-year-old sister Mika: “Nakatutok siya sa school, lalo na ngayong second year na siya. Lagi niya sinasabi sa akin na, 'Ate, sama ako sa 'yo mag-Muay Thai, sama ako sa 'yo mag-bike, sama ako sa 'yo tumakbo.' Hindi siya yung 'eeeeh, ang cute' kapag nakakakita ng guwapong lalaki."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results