PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lapus happily reports that Vhong Navarro is getting back to his old self: "Mr. Suave na ulit."

John Lapus was one of the first to tweet words of support for his beleaguered friend Vhong Navarro: "Sa araw na magkaeksena kami ay niyakap at nagpa-thank
by Glenn Regondola
Published Apr 3, 2014
Same difference is how John Lapus describes the roles he is currently playing in three simultaneous projects—different characters, different personalities, different looks. But all the same, they're all gay.

Kahit raw palabiro si John 'Sweet" Lapus sa totoong buhay, at maging si Vhong Navarro ay ganoon din, sa panahong may pinagdaanan ang kanyang kaibigan ay hindi niya ito nagawang biruin.

Pero sa presscon ng Da Possessed noong Linggo, March 30, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, nagawang biruin ni Sweet si Vhong na ikinangiti ng huli.

Pahayag ni Sweet, "Kailangang titimplahin mo pa si Vhong.

"Kanina lang happy ang mood nating lahat, napa-punchline ko siya tungkol sa 'foods.'

"Napa-punchline ko siya na nakatulong ba yung takot niya sa tunay na buhay sa role niya rito.

"Napa-punchline ko siya na perfect yung timing, perfect yung moment.

"Sa shooting kasi, medyo seryoso ka pagdating sa trabaho.

"Ang maganda, kahit hindi namin pinag-uusapan o pina-punchline yung nangyari, kitang-kita naman na ginawa niya yung trabaho niya.

"Ibinigay niya kung ano ang dapat na gawin niya sa pelikulang ito."



MR. SUAVE. Habang ginagawa nila ang pelikula, may napansin ba siyang pagbabago sa mga kilos ni Vhong? Naapektuhan ba ang pagiging masayahin nito ng mga pangyayari?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Sweet, "Well, sa first few days namin, parang ganun.

"Noong bumalik siya after nang maospital, nakita ko naman at inamin naman niya na nawalan siya ng kumpiyansa.

"Tahimik lang siya, nagkukulong siya sa dressing room.

"'Tapos nung nagkaroon na siya ng leading lady [Solenn] at siguro very funny na ang mga eksena, aba, ayun, bumabalik na ang dating Vhong Navarro.

"Mr. Suave na ulit at tsumitsika na ulit sa amin at sa lahat.

"Nakakapag-suggest na siya kay Direk Joyce [Bernal] tungkol sa punchlines na gusto niya.

"So, lahat kami ay natuwa para sa kanya."

THANKFUL. Isa si Sweet sa unang nagpahayag tungkol sa hindi niya pagbitaw bilang kaibigan ni Vhong sa gitna ng mga akusasyong rape laban dito.

Lahad ng comedian, "Sa Twitter niya nabasa, nagpu-post talaga ako ng words of support habang nangyayari ang mga yun.

"Nagpa-thank you siya sa Twitter.

"At sa araw na magkaeksena kami ay niyakap at nagpa-thank you siya sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun na yun, wala na siyang iba pang dapat sabihin kundi 'maraming salamat, Sweet.'

"Actually, hindi naman niya kailangang magpasalamat, pero naa-appreciate ko na naa-appreciate niya na sinusuportahan ko siya sa laban niyang ito."

Dugtong pa ni Sweet, "Magkaibigan naman kami ni Vhong.

"Inaanak ko si Yce, na alam niyo naman na ang dating asawa ni Vhong ay si Biance Lapus na pinsang buo ko.

"So, meron kaming konek ni Vhong."

Si Yce Navarro ay ang anak na lalaki ni Vhong kay Bianca Lapus bago sila nagkahiwalay at na-annul ang kanilang kasal noong 2008.

HIS YEAR. Samantala, sa parte naman niya, naniniwala si Sweet na taon niya ang 2014 kung career ang pag-uusapan.

Sunud-sunod ang kanyang proyekto sa pelikula man o TV

Dahil daw sa Year of the Ox ipinanganak si Sweet, buong-ningning niyang pagmamalaki, "Well, sinasabi sa akin ng mga feng shui at mga manghuhula, care of Kris Aquino, na this is daw my year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako basta naniniwala sa mga ganyan, pero kung babasehan ang mga pangyayari, parang totoo nga yata.

"Sabi ko nga, 'Aba, sabay-sabay pala ang mga ginagawa ko!'

"Pero sana sa susunod, sana ay sunud-sunod naman para 'di naman ako mangarag, 'di ba?

"Ang maganda nito, dahil nangangarag ako ay pumapayat ako.

"Maganda rin na I always come prepared sa set at iba-iba ang mga karakter ko sa mga ginagawa ko."

Pagkatapos ay iniisa-isa niya ang mga papel na kanyang ginagampanan sa magkakasunod niyang proyekto.

Sabi niya, "Ako si Paeng sa Mirabella, tatay ni Julia Barretto.

"Yung sa Wansapanataym naman na napapanood tuwing Saturday ay 'tiyahin' naman siya na hindi naniniwala sa duwende.

"At dito sa Da Possessed, isa naman akong multong bakla na mapaghiganti.

"So, pare-parehong bakla ang role, pero iba-ibang karakter, iba-iba ang personality at iba-iba ang look nila.

"Minsan nalilito ako, pero 'pag na-makeup-an na ako, alam ko na kung sino ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Same difference is how John Lapus describes the roles he is currently playing in three simultaneous projects—different characters, different personalities, different looks. But all the same, they're all gay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results