PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erik Santos admits to being confused about status of relationship with Angeline Quinto

Erik Santos on unrealized love with Angeline Quinto: "Basta, espesyal siya, ‘tapos biglang nawalan ng time…"
by Rey Pumaloy
Published Apr 3, 2014
Hindi maipaliwanag nang husto ni Erik Santos kung ano ang nangyari sa umuusbong sanang relasyon nila ng kapwa singer na si Angeline Quinto. Sabi niya, “Hindi ko maintindihan, e.”

Hindi man hayagang sinasabi ni Erik Santos, ngunit tila nauwi rin sa wala ang posibilidad na magkatuluyan sila ni Angeline Quinto bilang romantic couple.

Sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Erik sa backstage ng ASAP, sa ABS-CBN Studio, noong Linggo, March 30, sinabi nitong medyo magulo ang naging sitwasyon nila.

Paanong naging magulo?

“Hindi ko maintindihan, e,” tugon ni Erik.

Sa panayam naming ito, nakatambay lang si Erik sa may staff desk malapit sa entrance door ng studio ng ASAP, habang naghihintay ng cue para sa segment na lalabasan niya sa show.

Ang lugar na ito ang paboritong tambayan ng ilang mainstays ng musical-variety show ng ABS-CBN kapag hindi nila gustong bumalik sa kanilang dressing room, o ‘di kaya ay naghihintay ng kanilang cue para sa susunod na segment o hosting part.

Sa naturang table ay may mga nakalatag na kung anu-anong makakain na siyang ginagawang libangan ng ilang staff at mga artistang kasama sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa namin nasimulan ang interview, kumuha na si Erik ng isang pirasong tinapay at kinagat niya yun.

Naroon din sa lugar na iyon ang ilang LED TV screens na siyang monitoring ng in-charge sa pag-oobserba sa nangyayari sa studio.



CLUELESS. Noong una, ayaw pang magsalita ni Erik nang matunugan niyang tungkol kay Angeline ang aming itatanong sa kanya.

Napapayag lang namin ang mang-aawit nang ibahagi namin sa kanya ang naging statement ni Angeline sa casual conversation namin dito sa Golden Screen TV Awards noong March 21 sa Teatrino Greenhills.

Noong sandaling iyon, nasa likod ng entablado si Angeline at naghihintay para sa kanyang pagpi-present ng isang award.

Ibinahagi namin kay Erik ang sinabi ni Angeline na siya man daw ay “clueless” sa mga biro nito, kung seryoso ba siya o pinasasakay lang ang dalaga.

Balik-tanong naman ni Erik habang ngumunguya pa, “Hindi ko alam kung nagbibiro siya o hindi?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba’t kay Erik nasimula ang ganung “biro”?

“Una pa lang, ano na, e, espesyal na yung samahan namin.

“Hanggang sa one time…” pigil ni Erik sa susunod na sabihin.

Patuloy niya, “Basta, espesyal siya, ‘tapos biglang nawalan ng time… pareho. Busy kaming pareho e.”

Naputol na ang panayam namin kay Erik dahil tinawag na siya sa entablado.

Read Next
Read More Stories About
Erik Santos, Angeline Quinto
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi maipaliwanag nang husto ni Erik Santos kung ano ang nangyari sa umuusbong sanang relasyon nila ng kapwa singer na si Angeline Quinto. Sabi niya, “Hindi ko maintindihan, e.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results