Nagsilang na si Melai Cantiveros ng panganay nilang anak ng mister niyang si Jason Francisco.
Malusog na baby girl ang isinilang ni Melai.
Sa kanyang Instagram account (checkjason), isang photo collage ang ibinahagi ni Jason sa kanyang followers ngayong araw, April 3.
Dalawa rito ay close-up shot ng baby, ang isa ay selfie kung saan makikita si Melai na nakahiga habang hawak ang baby, at ang isa pa ay karga ni Jason ang baby.
Walang anumang detalye na ibinigay si Jason kung kailan at anong oras nagsilang si Melai.
Sa halip, sa caption ng post, inilagay ni Jason:
"Hi Philippines & Universe heres our first family picture (: #melasonBABY #atlast #ThankGOD #Godbless all babies #SooooooHAPPYnow Thank you to all the doctors (: Specially Dra. Pinky Layog & Dra. Dazo Dr.Micabalo & nurses & St.Elizabeth Hospital . To God All the Glory"

Sa ngayon ay wala pang pangalang ibinabahagi ang celebrity couple para sa kanilang anak.