PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actor Dennis Roldan will return to showbiz to spread the word of God

Dennis Roldan wants to be an adviser to stars and politicians.
by Jojo Gabinete
Published Apr 6, 2014
Dennis Roldan on being tagged as the "Richard Gere of the Philippines": “Sa totoo lang, kung nakita niyo ako seven years ago, when I was in jail, iba na ang hitsura ko. Sharp, nakakainis, may galit. Pero when I got born again, ‘tapos tinanggal ang lahat sa ‘yo, maggo-glow ka. Kasi yung glow ng Diyos ang lumalabas."

Nakatulong sa aktor na Dennis Roldan ang mahigit isang taong pagkakabilanggo sa Pasig City Jail dahil dito raw niya nakilala ang Diyos.

Ito raw ang naging daan para maging pastor siya ng Jesus Christ the Life Giver Ministry International.

Kidnapping ang kaso ni Dennis dahil sa bintang na pag-kidnap niya sa isang three-year-old son ng isang mayamang negosyante.

February 2005 nang makulong si Dennis at July 2006 nang lumaya siya.

Nagsimula ang spiritual transformation ni Dennis dahil sa isang pastor na nakilala niya habang nasa loob siya ng kulungan, at nagbigay ng fellowship seminars at Bible studies.

Mula noon, malaki na ang ipinagbago ni Dennis at ng buhay nito.

Pastor na si Dennis ng Jesus Christ the Life Giver Ministry International at siya na ngayon ang nagpapalaganap sa mga salita ng Diyos.

Nang tanungin tungkol sa mga nagpakulong sa kanya noon, sinabi ni Dennis na maayos na ang lahat.

“Kinalimutan ko silang lahat. Minahal ko silang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipinagdasal ko silang lahat kaya naman natalo sila sa akin, kasi love surpasses everything.

“Lalampasan niya lahat ‘yan basta may love.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng media si Dennis sa isang maliit na salu-salo noong nakaraang linggo.



MANNY PACQUIAO. Patuloy si Dennis sa pagpapalaganap sa mga salita ng Diyos.

Kabilang daw si Sarangani Representative Manny Pacquiao sa mga tinutulungan niya noon, pero huminto na siya dahil sa dami ng mga nakapaligid sa Filipino boxing champ.

Lahad ni Dennis, “Marami na kasi ang nagka-counsel kay Manny. Marami na ang nakapaligid.

“Ako talaga ang una, kaya lang ang dami nang nakapaikot.

“Umalis na ako. Hindi puwede ang ganoon.

“Hindi puwede na marami kami. Kailangan isa lang.”

Paliwanag niya, “If you will read the Bible, ‘the successful king has a man of God,’ hindi men of God.

“Kapag marami ka nang adviser, ang problema natin, ganito... In Christianity, maraming ibang-ibang doctrines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kung iba-ibang pastors ang nagbibigay sa ‘yo ng advice, mami-mix ka niya.

“Hindi magiging consistent. Hindi mo malalaman kung saan ka.

“Lalabas na parang chopsuey. Pinaghalu-halo sa loob.

“Dapat iisa ang belief mo at ng pastor mo.

“Puwedeng iisa ang pastor mo, pero kapag sinabing adviser mo na pastor, isa lang.

“‘Yan ang man of God mo. Hindi puwedeng marami sila.


“Sino ang pakikinggan mo?

"Kapag marami na ‘yan, papasok na ang pulitika.

“Bakit? Marami na sila.”

Patuloy niya, “Especially si Manny, so rich, galante… mawawala ang ministry, pera ang maiisip.

“Kaya nang ganoon na, medyo lumayo na ako.

“Actually, hindi naman napunta si Manny sa church namin.

“Pinupuntahan ko siya sa General Santos City at bina-Bible study ko sila na mag-asawa.

“Mga four months, five months, at ako ang nag-start sa kanila.”



ADVANTAGE. Para kay Dennis, advantage ang pagiging pastor at artista niya dahil marami ang kanyang nahihikayat na magbalik-loob sa Panginoon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa tingin ko, para maging pastor ka, that’s already an advantage.

“Walang disadvantage dahil malawak ang magagalawan mo. Malawak ang industry niya.

“To tell you honestly, if ever I will comeback, it’s not because I want to come back.

“I want to come back because I want na mag-share sa mga artista natin.

“Gusto kong magamit yung angle na malakas makalasing ang wealth at fame. Ang lakas makalasing sa spiritual.

“Ang lahat nakalimutan na. Naging trabaho na.

“Wala nang relationship sa God. Materyal na lang ang priority.

“Gusto kong makausap ang lahat ng interesado na makilala nang husto ang Diyos.

“Kahit sino, kung sino ang ibigay sa akin ni Lord.

“Sana ma-share natin sa industry ang values. Yun ang passion ko.

“Kahit sa mga politician, gusto ko mag-share.”

Dagdag niya, “Ayoko nang pumasok sa politics.

“Gusto ko, maging adviser ng mga politician.

“Pero to run as a politician, ayoko na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating naging kongresista ng Quezon City si Dennis.



RICHARD GERE OF THE PHILIPPINES. Huling napanood si Dennis sa Sana Ay Ikaw Na Nga ng GMA Network noong 2003.

Sa edad na 56, marami ang nagsasabing siya ang “Richard Gere of the Philippines” dahil sa resemblance nila ng sikat na Hollywood actor.

Reaksiyon niya rito, “Sa totoo lang, kung nakita niyo ako seven years ago, when I was in jail, iba na ang hitsura ko.

“Sharp, nakakainis, may galit.

“Pero when I got born again, ‘tapos tinanggal ang lahat sa ‘yo, maggo-glow ka.

“Kasi yung glow ng Diyos ang lumalabas.

“Marami kang makikita na tao na biglang nag-glow nang mapunta kay Lord.

“Bakit? Ang pinakamalaking problema natin sa mundo ay yung problem, yung worry. People worry a lot.

“May problema ka sa pera, pamilya, lahat poproblemahin.

“Nakalagay sa Bible na, ‘Bakit kailangan mo siya na problemahin? May maitutulong ba? Did it really help you o it worsen the problem?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag may problema ka, lalo kang pumunta kay Lord dahil Siya ang magaling mag-solve ng problema. Lalo kang dumikit sa Kanya.

“Ang problema sa iba, kapag may problema, nagsasarili na.

“Mali. Dapat pumunta ka sa problem-solver.”

Read Next
Read More Stories About
Dennis Roldan, Manny Pacquiao
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Roldan on being tagged as the "Richard Gere of the Philippines": “Sa totoo lang, kung nakita niyo ako seven years ago, when I was in jail, iba na ang hitsura ko. Sharp, nakakainis, may galit. Pero when I got born again, ‘tapos tinanggal ang lahat sa ‘yo, maggo-glow ka. Kasi yung glow ng Diyos ang lumalabas."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results