PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso tween actress Bianca Umali wants to follow Marian Rivera's footsteps as actress

Bianca Umali not yet ready for kissing scenes
by Rommel R. Llanes
Published Apr 6, 2014
Kapuso tween actress on her admiration for Marian Rivera: “Gusto ko po si Ate Marian kasi po napaka-inspirational po nung kung paano po siya mag-work, kung paano po siya, kumbaga, sa acting. Nakikita ko po siya on the set na very concentrated siya kung paano siya mag-sensitize, kung paano siya mag-concentrate on the scene, ganun.”

Ulilang lubos ang tween star na si Bianca Umali.

Noong 2005 pumanaw ang kanyang ina dahil sa cancer at ang kanyang ama naman ay sumakabilang-buhay noong 2010 dahil sa heart attack.

Ang kanyang lola ang gumagabay ngayon kay Bianca.

“Lola po sa dad’s side,” banggit ng 14-year-old na si Bianca.

Paano siya lumaki sa pag-aaruga ng lola?

“Well, iba po yung lumalaki ka sa... iba po yung turing nung lola sa parents, e.

“Medyo po mas naka-spoil kapag sa lola ka lumaki.

"Pero yung lola ko po kasi kinu-control naman po niya yung... kumbaga, hindi lahat ng gusto ko ibinibigay niya sa akin.

“Tinuturuan din niya ako, like kung paano mag-handle ng money as early as now, ganun.

“Para paglaki ko, kaya ko na,” sabi ni Bianca.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa pocket presscon para sa kanila ni Miguel Tanfelix sa 17th floor ng GMA Network Center noong Martes, April 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Bianca at Miguel ang magbibida sa upcoming teleserye ng GMA na Niño.

Nag-iisang anak si Bianca ng kanyang ama at ina, pero may mga kapatid daw siya.

Saad niya, “Pero meron po akong siblings on both sides.

"May half-brothers and half-sisters po ako on both sides, sa first husband and wife po nila.

“Ang mom ko po may first husband, ang dad ko po may first wife.”

Si Bianca ang pinakabata, at ka-close daw niya ang mga half-brothers and sisters niya.

Dagdag pa niya, “Meron akong isang sister and three brothers sa side ng dad. Sa side ng mom, dalawang sisters.”

Nag-aaral si Bianca ngayon.

Ayon sa Kapuso tween star, “Home study program po ako ngayon, turning grade eight.

"Sa Learning Garden Montessori School po sa Parañaque, sa BF Homes.

“Kapag wala po akong taping, ganun, pumupunta po ako sa school.

"Kasi pinapayagan naman po nila akong mag-regular class kapag may time ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Ni­ño, hindi na child star si Bianca kundi isa na siyang tween star. “Upgraded” na siya kumbaga.

“Of course hindi mawawala yung feeling na nau-overwhelm ka sa sobrang saya na unti-unti ka nang nag-a-upgrade into a different stage, 'di ba?

“Siyempre hindi naman mawawala yun.

"And, of course, it’s a blessing na ibinibigay sa akin ni Lord yung mga show na ganito and, of course, kung ano pa yung meron in the future,” pagpapasalamat ng dalagita.

NO KISSING SCENES. Pero kahit sila ni Miguel ang loveteam sa show, hindi pa raw handa si Bianca sa kissing scenes.

Kahit raw sa pagpapaligaw ay hindi pa siya puwede.

“Focus po ako sa studies and work,” giit niya.

Hindi raw totoo ang balitang binasted niya ang young male star na si Julian Trono.

Hindi raw nanligaw sa kanya si Julian.

“We’re friends po since magkasama po kami sa Tropang Potchi before,” paglilinaw niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TWEEN IDOL. Sa mas established na tween actresses, sino ang gusto niyang sundan ang yapak?

Sagot ni Bianca, “Siguro, for me po, kahit saan naman po, it depends naman po kung saan ako dadalhin ng career ko or kung ano yung plano sa akin ng GMA also.

“Siguro hindi naman po ako pipili. Kung saan lang po ako malagay then I’ll give my best na lang and do it.”

Si Barbie Forteza raw ang pinaka-close niya ngayon dahil madalas silang nagkakasama sa trabaho noon tulad ng Paroa (Ang Kuwento Ni Mariposa).

Nagkasama rin sila ni Miguel sa Paroa , Mga Basang Sisiw, at ngayon ay sa Niño nga.

Hindi kaya sila magka-develop-an ni Miguel?

Ani Bianca, “Siguro more on... nag-uusap naman po kami niyan.

"And siguro, by far, wala pa naman po sa aming dalawa yung magka-debelopan kasi concentrated kami, of course.

“Siya nagre-regular schooling siya, and ako I have other things to do since home study ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And then, kapag work-wise siguro, mas more on concentrated kami on being professional.

“Sa scenes, pinapag-usapan namin kung paano namin ie-elaborate nang maayos, ganun.”

Wala pa raw sa isip nila pareho ni Miguel ang tungkol sa pakikipagrelasyon.

ADMIRES RICHARD. Never pa raw nagkaroon ng manliligaw si Bianca, at ni wala raw siyang crush.

Pero hinahangaan niya bilang artista si Richard Gutierrez.

Lahad niya, “Friend po siya ng kuya ko so nag-meet na po kami before.”

Kapag nagkaroon na siya ng launching project, sino ang gusto niyang leading man?

“Hindi ko po alam kung sino ang pipiliin ko kasi marami naman po.

"Sa ayaw po at sa gusto ko, kung sino po ang makakatrabaho ko, sila po yung makakatrabaho ko.

"So, hindi po ako pipili," saad niya.

FOLLOWING MARIAN'S FOOTSTEPS. Kapag ganap na siyang dalaga, nais ni Bianca na sundan ang mga yapak ni Marian Rivera.

Kuwento niya, “Naka-work ko na siya before sa Darna, isa po ako sa mga batang nasa ampunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko po si Ate Marian kasi po napaka-inspirational po nung kung paano po siya mag-work, kung paano po siya, kumbaga, sa acting

“Nakikita ko po siya on the set na very concentrated siya kung paano siya mag-sensitize, kung paano siya mag-concentrate on the scene, ganun.

“So siyempre ngayon, yung GMA naman po, binibigyan kami ng workshops, so siguro now I’m in the process of learning.”

JOINING BEAUTY PAGEANTS? May mga humihikayat raw kay Bianca na sumali sa beauty pageants.

Ngunit aniya, “Well, I’m not that sure pa po.

"Marami po ang nagsasabi sa akin na dapat daw pong sumali ako or sasali daw po talaga ko in the future, sabi nila.

“But depende po siguro when the time comes, siguro dun po ako makakapag-decide.”

True-blue Kapuso si Bianca; simula noong mag-artista siya ay nasa GMA siya.

Plano niyang kumuha ng kursong Communication Arts sa college.

Ngayong summer ay sa Coron, Palawan siya magbabakasyon kasama ang kanyang mga pinsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso tween actress on her admiration for Marian Rivera: “Gusto ko po si Ate Marian kasi po napaka-inspirational po nung kung paano po siya mag-work, kung paano po siya, kumbaga, sa acting. Nakikita ko po siya on the set na very concentrated siya kung paano siya mag-sensitize, kung paano siya mag-concentrate on the scene, ganun.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results