Deglamorized si Kean Cipriano sa indie film na Tumbang Preso.
Gaganap siya dito bilang si Vito na isang security guard sa isang pabrika ng sardinas.
Biro nga namin kay Kean, “pinadumi” siya sa pelikula.
“Dinumihan? Wala ngang ginawang dumi 'yang mga 'yan sa akin, e!” natawang sabi ni Kean.
“Well, don’t underestimate the character of Vito. He’s the go-to guard, he’s not just a guard.
“Meaning, kasi si Vito, pamangkin siya nung nagpapatakbo ng human trafficking system dun sa factory ng sardines.
“Ako yung pamangkin na dahil wala naman akong ibang gagawin, dun na lang ako magtatrabaho sa tita ko, parang ganun.
“So, parang somehow, caretaker ako nung lugar niya, kasi we’re blood, you know, kaya yun ako.
“And I have some other guards with me... si Jesus, si Sir Ronnie Lazaro.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean sa shooting ng Tumbang Preso sa isang factory sa Novaliches, noong Huwebes, April 3.
Ang naturang pelikula ay mula sa direksiyon ng first-time film director na si Kip Oebanda.
INDIE OR MAINSTREAM? Bilang artista, nagawa na ni Kean ang mga pelikulang Ang Babae Sa Septic Tank, Praybeyt Benjamin, Madaling Araw Mahabang Gabi, The Reunion, Ang Huling Henya, at ang Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?
Paano siya nakumbinsi na gumawa ng indie movies? May iba kasi na ayaw tumanggap ng indie projects.
Sagot ni Kean, “Bakit hindi? Bahala sila kung ayaw nila.
"I mean, what I’m saying is, ang pinakamagandang part naman kasi ng lahat ng ito is the filmmaking itself.
“Whether it’s indie or it’s mainstream, I don’t really care. Alam mo yun?
“As long as I believe in the material, as long as good vibes kami nung buong team ng filmmakers na nakakasama ko.
“Kung kaya kong panindigan yung role na gagawin ko, I’ll do it.
"Pero whether it’s indie or mainstream, wala naman akong pakialam dun.
"Sa materyal ako mas naniniwala, more than anything.”
CROSSOVER ARTIST. Saan siya mas nag-e-enjoy ngayon, bilang musikero o bilang artista?
“Sleeping!” natatawang sagot ng bokalista ng bandang Callalily.
“Hindi, pero masaya lahat e, alam mo yun?
"I’m one of those people na sinuwerte, I must admit.”
Sinuwerte raw siya na naka-crossover siya sa paggawa ng pelikula.
Pagsang-ayon niya, “Yeah, na parang hindi ko rin naman alam na ganito yung mangyayari, e. Hindi ko rin naman ini-expect.
"So nung nangyari siya, nung una medyo, ‘Sh*t! Ano ito?’
“Kasi nagsimula naman lahat dahil kay Direk Joyce din, e.”
Kinuha siya ni Joyce Bernal para sa TV5 teen drama series na BFGF, na first acting stint ni Kean noong 2010.
BALANCING MUSIC AND ACTING. Freelancer sa telebisyon si Kean; puwede siyang makalabas sa ABS-CBN, sa TV5 o sa GMA.
Saad niya, “Because I am a musician, iyon yung... Callalily is something very sacred to my soul, alam mo yun?
“Kaya iyon yung... first thing in the world for me is Callalily.
"It's the music that I do more than anything else.
“Pero yun nga, sa tanong mo kanina, saan ako mas nag-e-enjoy, sa acting o sa music, pareho, e, alam mo yun?
“Hindi siya pipiliin na, ‘Hindi, mas gusto ko itong filmmaking kasi ganito siya, blah-blah-blah.'
“Gusto ko siya pareho and I’m really blessed to have been doing it for quite some time.”
KEAN AS DIRECTOR. Nadiskubre rin namin na direktor na rin pala si Kean.
Kuwento niya, “Actually, I’m starting. I’m aspiring, I’m learning.
"I did two music videos.
“One with Callalily, yung 'Pansamantala,' and one with BBS [Big Band Syndicate] featuring si Ney, si Dello 'tsaka si Kleggy, yung 'Darating' yung kanta.
“Nag-aral ako ng film course, ng short course na Film sa Mowelfund one summer.
"'Tapos 'yon, hanggang ngayon tuluy-tuloy pa rin naman.
"I’m starting on my scripts."
Ayaw munang i-reveal ni Kean ang mga detalye tungkol sa susunod niyang proyekto bilang isang direktor.
“I’ll let you guys know as soon as maluto ko na siya nang maayos, kasi alam mo yun?
"Kumbaga, nasa proseso pa siya lahat ng pagluluto, e. As in pinapasok yung ingredients.
“Pero yung sa tanong mo, nagulat ako ikaw yung nagtanong sa akin ng ganun.
"And, yeah, natutuwa ako kasi yung mga nakakasama ko dito, they’re really helping me a lot...
“Alam mo yun, when it comes to kung paano gumawa ng pelikula, paano gumawa ng short film, paanong gumawa ng... yung ano niya.
“Na itong mga ito, they’re really passionate about it. And I'm being surrounded by them.
"Kaya ayun, ang saya nito, para akong... pag pumupunta ako sa set ng Tumbang Preso, para akong nag-aaral din ng Film.
“Na pinag-usapan naman namin ni Direk na, ‘Uy, sige, okay lang kung walang take o ano, kung hindi busy yung set, sige mag-anu-ano ka diyan.’
“And I’m really thankful.”
May plano rin daw si Kean na gumawa pa ng isa pang music video.
Ano ang pakiramdam noong napanood niya ang dalawang music videos na idinirihe niya?
Sabi ni Kean, “Weirdo, weirdo, alam mo yun? Kinakabahan ako, e!”
Bakit weird? Surreal?
Pag-amin niya, “Weird kasi... oo, ganun, na may halong parang, 'Maganda ba? Okay ba siya?’
“Hindi mo alam e, 'di ba? May ganun, e.
"Pero a little after that, magsi-sink in na, ‘Uy, mukhang okay naman yata yung nagawa na yun.’
“Kung may mga hindi ka natupad na gusto mong gawin dun, bawi ka next project.”
Na-nominate ang music videos niya sa MYX Music Awards.
“Hindi siya nanalo, though, pero...” at tumawa si Kean.
TOP PICKS FOR DREAM DIRECTORIAL STINT. Kung mabibigyan siya ng pagkakataong makagawa ng pelikula, sino ang gusto niyang idirek na artista?
Mabilis niyang sagot, “Oh, that’s a very good question! Isang artistang gusto kong idirek…
“Si… ang hirap niyan, a! Si ano, si... isa lang, e, ano?”
Sige, top two.
“O sige, top two, kasi iniisip ko si Robin Padilla at si Aga Muhlach.
"Pero kontrabida si Aga Muhlach."
Pagsasamahin daw niya ang dalawang aktor sa isang pelikula.
Ani Kean, “They’re my heroes in black in white.
"Alam mo yung parang surreal sa akin na nakikita ko sila sa paligid kapag we bumped into each other or something, parang, ‘Uy!’
“Alam mo yun?”
Doon lang daw niya naisip ang ideyang ito tungkol sa dalawang aktor nang tanungin namin siya.
Drama o action movie ba ang gagawin niya para kina Robin at Aga?
“I’m giving out too much information, so tanungin niyo muna yung mga magpu-produce kung game sila na gawin. 'Tapos pag-usapan natin, 'di ba?” natatawang sabi ni Kean.
Pabiro pang nanawagan si Kean sa mga interesado na i-produce ang proyektong naisip niya: “So calling out, calling out to…”
