PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jamich's Jam Sebastian continues fight against cancer; thankful to outpouring of support from family and friends

Jam Sebastian attributes cancer to his gambling habit.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 6, 2014
Real-life couple and YouTube sensations Jam Sebastian and Pauline Michelle Liggayu, more popularly known as Jamich, display their courage and fortitude as their love grows stronger in sickness and in health.

Tatlong linggo na mula nang matuklasang may lung cancer si Jam Sebastian ng popular YouTube tandem and real-life sweethearts na binansagang “Jamich.”

Sa social media, patuloy ang pag-ulan ng suporta sa binata at maging sa kasintahan nitong si Pauline Michelle Liggayu.

Katulad ng hit videos nila sa YouTube, sinusubaybayan din ng libu-libo nilang followers ang araw-araw na development sa sakit ni Jam.

Bagamat may pinagdaraanan, hindi pa rin siya nakakaligtas sa mga intriga.

Ayon sa interbyu kay Jam sa Startalk noong nakaraang Linggo, March 30, hindi niya inakala na magkakaroon siya ng cancer gayong hindi siya umiinom o naninigarilyo.

Pero earlier this week, may kumalat na mga larawan ng binata na tila kumukontra sa mga naging pahayag nito hinggil sa kanyang healthy lifestyle.

May mga bumabatikos sa anila’y hindi nila pagsasabi ng totoo.

Kaya ngayong araw, April 6, ay live na nag-guest sa Startalk si Jam kasama si Michelle (the other half of Jamich) at ang ina ni Jam na si Maricar Sebastian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT A SMOKER OR ALCOHOLIC? Ipinakita ang mga larawang kumalat online kung saan nasa isang party o bar si Jam at may hawak na sigarilyo at bote ng beer.

Panimulang paliwanag ni Jam, “Kuha po 'yan nung Christmas 2009, kasama ko po yung mga barkada ko.

"Hindi po talaga ako nagyoyosi, hindi po ako umiinom.

“Kung makikita niyo po, pinag-tripan lang ako diyan.

"Yung kumalat po kasi na picture yung naka-ganun ako, parang mayabang ang dating, parang bad boy ang dating.

“So, parang napagtripan ako diyan.

"Pag nakita niyo dun sa ibang pictures na hindi kumalat, ako po yung nag-post nun talaga.

“Ako po yung nag-post nung picture na parang nandidiri ako sa yosi 'tsaka sa beer.

“Ayun po yung dalawa sa gilid.

“Pero po yung isa, isa lang po kasi yung kumalat, so ako po yung naglabas nung picture na yung parang inosente ako na hindi po kasi talaga ako nagyoyosi at nagbi-beer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, yung mga barkada ko, parang napagkatuwaan lang ako na, ‘O, parang bad boy ang dating!’ Yung ganun."

Base sa salaysay niya, lumalabas na “props” lang ang sigarilyo at beer na hawak niya.

Pagsang-ayon naman nito, “Opo.”

GAMBLING HABIT? Ang isa pang intriga na kumalat ay ang tungkol sa pagka-addict diumano sa casino ni Jam.

May mga larawan ding kumalat na nagpapakitang nasa isang gaming table si Jam.

Inamin naman niya ito.

Salaysay niya, “Ako din po yung naglabas nung picture na yun.

"Eto po… before po, iyan lang po yung bisyo ko.

“Talaga pong na-addict po ako sa casino, sa poker po.

“Feeling ko po, dun ko po nakuha yung mga smoke, yung stress.

"Kasi po nakuha ko po yung lung cancer ko sa stress and sa lifestyle.

“Ilang taon po akong pabalik-balik sa casino na minsan, sa sobrang addict ko, three days po akong nandun.

“Na minsan idlip lang, ang kain ko lang sa isang araw, isang beses, 'tapos puro stress kasi nag-iisip ka palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun po, ang tagal ko pong naging lifestyle nun.

"So, feeling ko po, dun po ako nagkaroon ng stress, dun po nag-start yung sakit ko.”

Pinagsisisihan niya raw ito.

“Opo, opo, pinagsisihan and natuto na rin po ako dun.

"Matagal na rin po akong tumigil and simula po noong nagkaroon ng Jamich, nagbago po yung buhay namin.

“So, nawala po yung addiction ko dun sa gambling,” saad ni Jam.

Sinang-ayunan naman ito ng girlfriend niyang si Michelle o Mich.

Aniya, “Yes po, ngayon sobrang okay na siya, healthy living na kami.

“Pati actually na nasa bahay din na kasama niya palagi, nagiging healthy living na rin.”

Ano ang nararamdaman ni Jam sa mga oras na iyon?

“Blessed po kasi ayan, kaharap ko po kayo,” pagtukoy niya sa Startalk host na si Butch Farncisco na nag-iinterbyu sa kanila.

“Nationwide po pinapanood po ako ng mga tao.”

Kumusta naman ang kalusugan ni Jam ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon po medyo mas okay po ako kumpara before.

"Yung treatment ko po every day po so medyo mas malakas ako kumpara dati.

“Dati po nakahiga lang ako palagi, nasa kama lang.

"Ngayon po nandito na ako sa studio, ayan, nakakapag-ayos na ako," masaya niyang balita.

TREATMENTS. Tinanong naman ni Butch ang ina ni Jam kung paano ang pag-aasikaso nito sa kanyang anak.

Kuwento ni Mommy Maricar, “Actually, nung nalaman kong may sakit siya, nag-resign ako sa work ko.

“'Tapos ako na yung nag-aasikaso ng food niya kasi maraming bawal.

"So, umaga pa lang, nagigising ako, ako na rin yung namamalengke para sa kanya.

“'Tapos ako rin yung nagpapainom ng gamot.

"Kinukulit ko talaga siya kasi minsan matigas ang ulo niya, ayaw niyang uminom ng gamot."

Integrative medicine daw ang pamamaraan ng paggagamot kay Jam.

Sabi ni Jam, “Pinagsama po yung alternative 'tsaka yung conventional, pinagsama po 'yan tapos IV [intravenous] po siya, every day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos bawal po ako sa mga unhealthy foods, ang puwede lang po mga veggies tsaka fruits.

"'Tapos tulog po nang maaga."

Ayon naman kay Mich, “May machine din po sa kanyang ginagawa, na iyon po yung nagtutunaw ng tumor, for two hours po yun. Microwave na machine.”

MESSAGE TO SUPPORTERS. May mensahe si Jam sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Saad niya, “Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat, sa bawat isa na nagdarasal, na nagbibigay ng suporta, yung mga gusto po akong makita, yung mga dumadalaw sa bahay, sa lahat-lahat po.

“Minsan po may mga galing pang Tarlac, nagugulat po kami, nasa condo na lang po, so maraming-maraming salamat po.

“I’m so blessed na nangyari po sa amin itong lahat kasi mas naging attached po ako sa family ko, sa girlfriend ko, sa mga friends ko, sa mga supporters and sana po tuluy-tuloy ang paggaling ko.”

Tinanong naman si Mrs. Sebastian kung ano ang pakiramdam niya bilang isang ina na may anak na nagsa-suffer sa sakit na cancer pero maraming sumusuporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon nito, “Siyempre bilang ina, ako yung una talagang nasasaktan.

“Sobrang nasasaktan talaga ako. Lalo na pag nakikita ko siyang in pain, tumatakbo ako kasi ayokong makita niyang umiiyak ako kasi ayaw niyang umiiyak ako.

“At nagpapasalamat naman ako dahil sa mga suporta ng mga kaibigan namin, family.

"Kumbaga, yung kahinaan ng loob ko, sa kanila rin kami kumukuha kasi hindi namin kakayaning mag-iina ito.

“Kasi tatlo lang kami sa pamilya kaya maraming sumusuporta sa amin and thank you sa lahat.”

Hiwalay ang mga magulang ni Jam.

Si Jam ay nakababatang kapatid ni Yexel Sebastian na dati ay isang showbiz personality at dancer. Naging ex-boyfriend din nina Rochelle Pangilinan at Iwa Moto si Yexel.

Pagpapatuloy pa ni Mommy Maricar, “Hindi siya [Mich] talaga umaalis sa tabi ni Jam ever since na nagkasakit.

“Lagi talaga siyang... minsan nga sinasabi ko, pagpasensiyahan niya na kasi may time kasing inaatake siya ng anxiety na nagagalit siya kay Mich, 'tapos nagagalit siya sa amin, pinapaalis niya kami, lalo na sa akin lagi siyang nagagalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pinagpapasensiyahan namin siya kasi alam namin epekto ng cancer yun.

“Kaya sabi ko kay Mich, ‘Ikaw na ang bahalang magpasensiya sa anak ko kasi kung tayo yung may sakit, mararamdaman din natin kung ano yung nararamdaman niya.'

“Kaya thank you talaga sa kanya.”

BROTHERLY LOVE. Sunod namang tinawag ni Butch ang kapatid ni Jam na si Yexel.

Sa panayam kay Yexel noong nakaraang Linggo (sa Startalk din), nabanggit ni Yexel na hindi sila ganoong ka-close dati ni Jam.

Paano niya ipinapakita ang suporta niya sa kanyang kapatid?

Sabi ni Yexel, “Nung una ko pong nalaman yung sakit niya, siyempre ako yung nasaktan para sa kanya.

"Kasi hindi ko alam kung papaano tatanggapin yung sakit na ganun, so parang nagulat din ako.

“'Tapos yung text niya sa akin, ang text niya sa akin, ‘Kuya, sorry, lalaban ako, magpapagaling ako.’

“Nasa mall ako nun, so naupo ako sa mall.

"'Tapos siyempre hindi ko rin maintindihan yung pakiramdam dahil natakot din ako para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos sabi nga niya, ‘Tulungan mo ako, Kuya!’

“Sabi ko, ‘Andito ako lagi para sa 'yo, gagawin ko lahat ng kaya kong gawin!’”

Paano binago ng sakit ni Jam ang kanilang relasyon? Paano niya ipinapakita kay Jam ang suporta niya bilang kuya?

Sagot ni Yexel, “Kasi magkahiwalay po kami ng bahay, so ang nangyari po, doon muna ako tumira sa kanila.

"Kasi ang gusto ko talaga, kada gigising siya, katabi niya ako.

“So, parang ipinangako ko sa sarili ko sa kanya na hangga’t hindi ka magaling, dito ako palagi.”

TOGETHER THROUGH SICKNESS. Tinanong naman si Mich kung maipapangako ba niya na hindi siya magsasawa sa pag-aalaga kay Jam.

Sagot niya, “Opo, hindi po.

"Kasi yung family ko rin po, andiyan lagi para sumuporta sa akin, sila rin mismo sinasabi, ‘Sige, diyan ka muna kay Jam, kailangan ka niya ngayon.’

“Ayun po.”

Hanggang saan ang puwedeng isakripisyo ni Mich para kay Jam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Deklara niya, “Hanggang dulo po! Hanggang kahit kailan.”

May plano na ba sina Jam at Mich na magpakasal?

“Wala pa pong plans pero iyon po talaga yung dream naming pareho,” sabi ni Mich.

Nakikita raw nila ang sarili nila bilang mag-asawa balang-araw, kahit ano ang mangyari.

“Yes po, definitely,” sambit ni Mich.

Ayon naman kay Jam, “Nabi-visualize ko po na may mga anak kami, naglalaro kami sa park, na magkakaroon kami ng apo, nagsu-swimming pa kami, na malakas pa kami, yung ganun.

“Nabi-visualize ko po yun e, so alam ko po na mangyayari yun.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life couple and YouTube sensations Jam Sebastian and Pauline Michelle Liggayu, more popularly known as Jamich, display their courage and fortitude as their love grows stronger in sickness and in health.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results