Isang pahayag ni Sam Rodriguez ang ikinagulat ng marami sa entertainment media na nakakakilala sa yumaong screen idol na si Miguel Rodriguez.
Si Sam ay anak ni Miguel.
Natawa si Sam sa reaksiyon ng media pero sanay na raw siya sa ganoon.
Ayon sa kanya, “It’s so funny when people find out that I’m my dad’s daughter, para silang nakakakita ng multo.
“I’m just happy to be able to represent my dad, you know.
"He was so talented and I hope I will get the same support that [he got]."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa launch nito bilang isa sa tatlong pinakabagong endorsers ng Bench Body noong Biyernes ng gabi, April 4, sa Playground, Bench Tower, Global City.
Bukod kay Sam ay inilunsad din si Dominique Cojuangco, anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco; at si Addie Manzano, anak ni Edu Manzano kay Rina Samson.
Koneksiyon umano ang naging pasaporte ni Sam sa pagpasok niya bilang endorsersng Bench Body Intensive Whitening Lotion.
Kaibigan siyang matalik ni Addie, at isang uncle naman niya ang kakilala ni Keren Pascual, talent manager ni Enchong Dee.
Ipinakilala raw siya ng kanyang tiyuhin kay Keren na siya namang nag-introduce sa kanya kay Ben Chan, ang chairman at owner ng Bench.
FAMILY BACKGROUND. Dalawa ang naiwang anak ni Miguel Rodriguez sa businesswoman na si Tess Que—si Sam at ang bunsong kapatid nitong lalaki.
Si Miguel ay nadiskubre ng legendary film director na si Lino Brocka at isinama ito sa Close-Up commercial noong 1981.
Hindi naman nagtagal ay gumawa na rin siya ng pelikula at nakasama nito sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Snooky Serna, at iba pang mga aktres.
Nagtuluy-tuloy ang showbiz career ni Miguel nong 1990s sa action films bilang character actor.
Itinuring si Miguel na local counterpart ni Christopher Reeve dahil sa pagkakahawig ng Pinoy actor sa yumao na ring Hollywood actor na nagpasikat sa superhero character na Superman.
Binawian si Miguel ng buhay noong 1997, sa edad na 35, dahil sa pancreatitis.
Tandang-tanda pa raw ni Sam ang kaganapan nang mamatay ang kanyang ama.
Salaysay niya, “My father died on Valentine's day [February 14, 1997].
"Yung mga mali-mali [balita] diyan, Valentine's day talaga.
"I was six years old when my dad died.
“My mom and my dad were supposed to meet that day, pero he didn’t show.
"We did not know yet why he didn’t come."
Sa mga news archive ay "February 7, 1997" ang nakatalang petsa ng pagkamatay ni Miguel.
Nilinaw naman ni Sam na isang taon nang hiwalay ang kanyang parents bago namatay ang ama niya.
Isang taon raw matapos ikinasal ang parents nito sa States noong 1989 ay ipinanganak na siya.
Sumunod naman isinilang ang kapatid niyang lalaki pagkatapos ng isang taon.
PICKY. Tinanong ng PEP si Sam kung bakit ngayon lang siya lumabas at nagpakilala.
Tugon ng 23-year-old image model, “Number one, my mom is a very low-key individual.
"She comes from a very conservative Chinese family, so I’m half-Chinese.
"At the same time, studies first, yun ang sabi ng mom ko.
“At least now, I can start doing this and may degree pa rin ako from Ateneo, right?”
Isang concert producer si Sam at ngayong nakikilala na siya bilang product endorser, may plano ba siyang pasukin ang showbiz?
Sagot niya, “We’ll see na lang kasi [I’m] picky, although I’m very open to a lot of opportunities.
"The school is over and I have a lot of time naman.”
Papayag ba ang mommy niya na pasukin nito ang showbiz?
“I think it’s okay naman at this point, kasi we’ve already developed that level of trust.
"I’m older now and I’m not like teenager na pabaya.
"I think I’m mature enough to choose my way of living.”
May nag-alok na ba sa kanyang mag-artista dati?
Saad ni Sam, “I was offered nung nasa college ako sa ABS-CBN.
"But I had to finish my schooling first, that was my priority.”
Wala pa raw naiisip si Sam na actor na gusto niyang makasama sa unang acting project niya o maging ka-loveteam.
Saka na lang daw pag may offer na sa kanyang pasukin ang industriya.
