Jason Francisco and Melai Cantiveros name their baby girl Amelia Lucille

Hindi pa matukoy ng mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros kung sino ang kamukha ng kanilang anak na si Amelia Lucille. Sabi ni Jason, “May nagsasabi si Melai. May nagsasabi naman kamukha ko. Pero tingin ko, kamukha siya ni Melai. Sabi naman ni Melai, kamukha ko. Pero at least, alam niyo yun, mix talaga features namin ni Melai.”


Amelia Lucille ang pangalan ng panganay na anak nina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Nagsilang si Melai noong April 3, Huwebes, bandang alas-otso ng gabi, sa St. Elizabeth Hospital, General Santos City.

Si Amelia Lucille ay may timbang na 10 pounds and 8 inches at may habang 48 centimeters nang isilang.

Sa phone-patch interview ng Buzz Ng Bayan kay Jason kahapon, April 6, hindi maikubli ng Kapamilya talent ang kaligayahan nito ngayong isa na siyang ganap na ama.

Kuwento ni Jason, “Hindi ko pinanood yung panganganak niya [Melai], e.

“Nandoon lang ako sa loob, nakikinig lang ako.

“’Tapos, pumasok lang ako noong lumabas na si Baby.

“Nakakatuwa, kasi parang nakatingin na siya agad. Nakamulat siya.

“Iba yung feeling, parang hindi ko alam, speechless po, parang ‘di mo ma-explain.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Melai?

Saad ni Jason, “Ano naman siya, okay lang, nakakapagsalita naman siya

“Kaya lang, parang nahihirapan, kasi nga, first baby pa niya.

“So, mahina siya noong nangangak, pero ngayon, okay na siya.”

Humanga raw si Jason sa lakas ng loob ni Melai at ngayon nga ay nagbi-breastfeed na ito sa kanilang baby girl.

Ayon pa kay Jason, “8 p.m. nanganak siya. Dinala siya rito sa kuwarto around 11 p.m. So, gising siya.

“Binantayan ko siya hanggang mga 5 a.m. Gising, tulog, gising, tulog.

“Ako nagbabantay. Nagpapadede.

“Si Melai kasi, natutulog. So, tina-try ko siya na magpahinga muna.

“Kaso, siguro dalawang beses ko siyang ginising, kasi gusto rin niyang magpadede… ano ba yun, breastfeeding.”

Marami ang gustong malaman kung sino sa kanila ni Melai ang namanahan ng physical features ng anak.

Si Jason ay may pagka-mestizo habang si Melai naman ay may pagka-morena.

Sabi naman ni Jason, “May nagsasabi si Melai. May nagsasabi naman kamukha ko.

“Pero tingin ko, kamukha siya ni Melai.

“Sabi naman ni Melai, kamukha ko.

“Pero at least, alam niyo yun, mix talaga features namin ni Melai.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN