Marami pa rin ang nalalabuan sa totoong estado ng relasyon ngayon nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito.
Kamakailan lamang, sinabi ni Andi sa isang interview na okay lang sa kanya na iba ang naging pahayag ni Jake tungkol sa real score nilang dalawa.
Read: Andi Eigenmann explains contradicting statement of Jake Ejercito about their real score
Nag-ugat ang komentong ito ni Andi sa binitawang pahayag ni Jake na "what you see is what you get" tungkol sa relasyon nila.
Read: Jake Ejercito on status of relationship with Andi Eigenmann: “What you see is what you get.”
#HUGOTHUWEBES. Noong March 27, isang makahulugang quotation tungkol sa pag-ibig ang ipinost ni Andi sa kanyang Instagram.
May hashtag itong #hugot #hugothuwebes.
Kinabukasan, March 28, nag-post muli si Andi sa kanyang Instagram kung saan nakasaad dito na tila umaasa siyang makahanap na ng bagong pag-ibig.
Tanong ng followers ni Andi: Tuluyan na nga ba nilang tinuldukan kung anumang relasyon meron sila ni Jake?
Saad pa ng iba, mag-move on na lang siya at marami pa naman daw lalaki sa mundo.
“I AM NOT LAUGHING.” Noong Linggo, April 6, nag-post si Jake ng isang larawan nila ng aktres na si Cherie Gil—tiyahin ni Andi—kung saan makikitang kunyari ay sinasampal si Jake ni Cherie.
Naka-caption dito: “Don’t mind if I do #legend.”

Ngayong araw, April 8, nakakuha na ito ng halos 3,100 likes at 28 comments.
Isa sa mga comment dito ay mula sa may handle name na @jaclynjose.
Aniya, “Ano yun?!! Huh? Are you both making a show out of my daughters missery? D nakaka tawa ‘aunty ka pa naman ! And you jake? You find this funny? I am not laughing!!!!”

Hindi malinaw kung ano ang konteksto ng komento na ito ni Jaclyn.
Pero burado na ang Instagram post ni Jake bandang alas-dos ng hapon ngayong araw.
