PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

IC Mendoza prefers gay over straight man as partner

IC Mendoza reveals that he also wants to get married; prefers Filipino-Chinese as partner.
by Rose Garcia
Published Apr 11, 2014
IC Mendoza on being gay: "Masuwerte rin ako kasi ang aga kong nakapag-out dahil meron akong support group. Not only with my family, but with my friends at sa showbiz community rin. Ang daming mga beki na walang luxury na ganun. At sa showbiz, ang dami rin."

Nang nagsimula si IC Mendoza sa showbiz bilang child star ay sa pag-arte siya unang nakilala.

Ngunit nang “magdalaga” na siya ay nalihis sa paghu-host ang kanyang karera, gaya ng kanyang yumaong lola na si Lourdes Carvajal o mas kilala sa screen name nitong Inday Badiday.

Pero hindi pa rin naman siya nawawalan ng acting assignments, gaya ng kasalukuyang umeereng TV5 comedy series na Confessions of A Torpe.

Sa taping ng naturang show sa Sta. Ana, Manila, noong April 3, ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si IC kung saan siya mas nag-e-enjoy—sa paghu-host o sa pag-arte.

Sagot niya, “Kasi, alam niyo naman na mas strength ko ang hosting. Pinakaano ko talaga, talk show.

“Pero parehas ko naman silang gusto, bilang first love ko naman ang acting noong bagets ako.

“Pero ano kasi, yung skills ko sa hosting, na-discover ko lang ngayon.

“Pero mas comfort zone ko ang hosting.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Confessions of A Torpe, si Alice Dixson ang madalas niyang kaeksena.

Saad pa ng 26-year-old TV host-actor, “But I am friend kasi with Wendell Ramos naman and si Albie Casiño.

“But with Alice, palagi kaming palitan ng perfume. Mahilig kasi siya sa perfume, e, iba-ibang perfume ang ginagamit ko.

“Si Gelli [de Belen] naman, palaging si tawa.

“Yun ang palagi kong katsismisan kasi nagtatanong din ng mga latest, mga chismis sa celebrity.”

CAREER PLAN. Masaya raw si IC bilang isang Kapatid.

Sabi niya, “Grateful naman ako sa kanila.

“Ang tagal ko na rito, pero ngayon kasi, wala na akong kontrata with them.

“Kakalipat ko lang kasi, dahil dati, managed ako ng Viva.

“Three months ago, Arnold Vegafria na ako.

“May mga plans siya, yung iba, dito. Yung iba, sa kabila.”

Ano raw ang plano ng ALV sa career niya?

“Gagawin daw niya akong matinee idol!” natatawang biro ni IC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero seryoso niyang dugtong, “Well, ano kasi, si ALV, kapag kumuha siya ng talent, total packaging—the way you look, the way you move.

“Mas gusto niya akong maging visible, like in corporate events and sa mga fashion events din.

“Kasi, ‘di ba, alam niyo naman na ang hilig kong magpa-girl or drag-drag before.

“Yung sa drag din, iwas na rin doon. Imaging din...

“Noong bata ako, it was cute.

“Pero ngayon, twenty-six na rin ako, at saka ang tagal ko na rin na ganito. Mas pina-polish lang.

“I have PR din, so dapat mas… well, nothing against sa mga ganoon, pero kumbaga, na-enjoy ko na siya. Tapos na ako.”

GAY COMEDIANS. Maraming gay comedians ang nabibigyan ng launching movies ngayon.

Ang huli nga ay si Shalala sa Echoserang Frog, kung saan nagkaroon ng cameo role si IC.

Pinapangarap din ba niyang mabigyan ng launching movie?

Ayon kay IC, “Launching movie? Kung meron, okay, sige.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero hindi siya yung talagang pinaka pangarap ko.

“Sobrang gandang blessing nun, pero hindi ko alam kung kakayanin ko.”

Bakit niya nasabi yun?

Paliwanag niya, “Like ngayon, sabi ko nga, ang focus ko, hosting and PR.

“So, hindi yun ang path na tinatahak ko.

“Pero if ever the opportunity presents itself, at kakayanin naman, why not?”

Ano naman ang masasabi niya sa mga sumisikat na gay comedians, gaya ni Vice Ganda?

Saad ni IC, “Magkaiba naman kasi kami. Wala rin naman sa dugo ko ang pagkakaroon ng inggit.

“And Vice is Vice. Yung galing niya sa comedy, with hosting, sobrang brilliant lang talaga.

“Hindi ako yung, ‘Oh my god, oh my god, gusto ko ng ganun!’

“I have my own thing.

“And as a gay personality, we influence people through our medium.

"At yung medium niya [Vice] kasi, through his comedy and hosting, as well as with Shalala.

“Ako naman, with my hosting and PR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, kanya-kanyang impluwensiya lang ‘yan.”

Naitanong din ng PEP kay IC, tuwing naaalala niya ang kanyang pagiging child star noon, ano ang nararamdaman niya?

Sabi niya, “Nakakatuwa, kasi ngayon, sa Instagram, may mga taong nagtu-throwback na tina-tag nila ako sa picture.

“Nakakatuwa kasi naaalala pa rin nila na ako ang dating child star, nakakatuwa.”



SINGLE LADY. Pagdating sa lovelife, wala raw boyfriend ngayon si IC.

Paliwanag niya, “Ngayon kasi, ang 2014 ko, career mode ako this year.

“Kasi, 2010, 2011, 2012, lovelife mode ako.”

Lahat naman daw ng nagiging boyfriend niya ay puro “beki” rin. Hindi raw siya nakikipagrelasyon sa straight guy.

Katuwiran ni IC, “Ayoko, sasakit lang ang ulo ko.

“I never tried, pero may mga friends ako na common stereotype na nakikipagrelasyon sa bakla—it’s either connection or curiosity or money.

“Ako naman, ayokong i-subject ang sarili ko dun.

“Okay, fine, straight guy, guwapo, matipuno, pero parang gusto ko yung ramdam mo rin kung ano ang ibinibigay mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Goal din daw ni IC na makahanap ng relasyon na katulad ng kina Perci Intalan at Jun Lana, na nagpakasal sa Amerika.

Si Perci ay dating TV5 executive na ngayon ay nagdidirek na rin; habang si Jun naman ay scriptwriter at director.

“Yun ang ano ko, e, more than a launching movie, ‘yan ang ultimate dream ko.

“Siyempre, lahat naman tayo, we want to find special someone.

“Ako, ang dami ko na rin nakilala.

“Na-in love na rin ako ng ilang beses. Not just once, but twice.

“Pero nandoon pa rin ang hope na mami-meet ko ang someone na till death do us part.”

Magpapakasal din siya?

“Yes, yes, definitely,” nakangiting sagot niya.

Kahit ang ina raw ni IC na si Dolly Anne Carvajal ay pabor din kung sakaling makahanap siya ng karelasyon na puwedeng mauwi sa kasalan.

Kailan naman niya nakikita ang sarili na nasa ganitong estado?

Tugon niya, “Siguro, kailangan ko munang makahanap ng partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kailangang magtagal kami and then magpu-propose, may fireworks.

“At saka medyo ano ako, kailangan ang requirement, mayaman!” natatawa niyang sabi.

Dagdag pa niya, “Well, ang gusto ko talaga sa isang guy, Fil-Chi. Mahilig ako sa Chinese.

“Sa ugali, siyempre kailangan responsible at saka dapat enterprising siya.

“Yun ang wala ako, e.

"Creative akong tao, maboka ako, pero with the logistic, kailangan ko ng someone na magko-contribute sa akin, at the same time, magko-contribute ako sa kanya.”



CLOSET GAYS. Masasabing mapalad si IC dahil simula pa lang ay tanggap na ng pamilya niya ang kanyang pagiging bakla.

Pero may mga kilala ba siya na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin?

“Marami, marami,” mabilis niyang pagsang-ayon.

“Yung mga teammates sa volleyball na hindi alam ng parents.

“I mean, masuwerte rin ako kasi ang aga kong nakapag-out dahil meron akong support group.

“Not only with my family, but with my friends at sa showbiz community rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang daming mga beki na walang luxury na ganun.

“At sa showbiz, ang dami rin.”

Sinu-sino ang mga alam niyang nagtatago pa rin hanggang ngayon?

“Ay, ayoko nga!” bulalas ni IC.

“Alam niyo na rin naman kung sino mga ‘yan. Press tayong lahat.

“Well, actually, meron akong mga friends na nakakasama kong madalas na mga artista na beki sila.

“Pero ako naman kasi, hindi bilang media practitioner kung hindi bilang isang kaibigan, itinatago ko ang sikreto nila.”

May nang-away na ba sa kanyang artista dahil iniintriga niya?

“Ang dami,” pag-amin niya.

“Si Candy Pangilinan, ‘yan, pero bati na kami.

“Noong Christmas, nag-message siya. ‘Tapos nagkita kami sa party ng PEP, siya ang nag-host.

“Lately naman, wala na, at saka, ‘di ba, ALV na ako?

“Si Billy Crawford, hindi ko siya nakaaway, pero noong party ni ALV, sabi niya, ‘So, ALV ka na, bati na tayo?’

“Sabi ko, 'Uy, hindi, trabaho lang naman, wala nang personalan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“’Tapos sabi niya, ‘O, basta, huwag mo na akong titirahin, ha?’

“Hindi ko na matandaan kung tungkol saan yun, pero pinanghawakan niya pala yun.

“Pero hindi naman niya ako in-approach na galit, okay naman.”

Read Next
Read More Stories About
IC Mendoza
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
IC Mendoza on being gay: "Masuwerte rin ako kasi ang aga kong nakapag-out dahil meron akong support group. Not only with my family, but with my friends at sa showbiz community rin. Ang daming mga beki na walang luxury na ganun. At sa showbiz, ang dami rin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results