PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albie Casiño no plans of meeting alleged love child with Andi Eigenmann

Albie Casiño says there is no chance that he and Andi Eigenmann will ever get together again, not even at work.
by Rose Garcia
Published Apr 11, 2014
Study, work, and gym are the three things that preoccupy Albie Casiño these days. He says he is loveless now. "Ako lang muna ang aasikasuhin ko, yung sarili ko.”

Hindi pa raw nakikita ni Albie Casiño, kahit sa larawan, ang anak ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann.

Ito ay sa kabila na siya ang itinuturong ama ng anak ni Andi na si Ellie, na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Kahit sa Instagram, hindi pa niya nakikita ang bata?

“Wala, hindi ko naman siya [Andi] pina-follow sa Instagram,” sabi ni Albie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng TV5 comedy series na Confessions of A Torpe, noong April 5, sa Sta. Ana, Manila.

Wala ba siyang planong makita o makilala ang bata?

Sagot ng 20-year-old actor, “Well, as of now, yun nga, ang inaasikaso ko, yung sarili ko.

"So, as of ngayon, wala.”



INTRIGUE. Kapag nababalitaan niya yung mga isyu ni Andi sa relasyon nito kay Jake Ejercito, ano ang nagiging reaksiyon niya?

Tugon ni Albie, “Wala po, kaya niya na po yun, e.

“First of all, none of my business siya. Bakit pa 'ko papasok o magbibigay ng comment?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala namang bigat ang comment ko dahil wala naman ako dun.

"And with anyone, bakit naman ako mangingialam? Sila yun.

"Second of all, hindi naman ako masyadong nakikinig sa mga showbiz balita or intriga."

Hindi rin nakikita ni Albie ang posibilidad na magkasama sila ni Andi sa isang proyekto.

“Malabo yun...”

Malabo dahil tatanggihan niya o tatanggihan siya ni Andi na makasama?

Sabi niya, “Hindi ko alam kung aayaw siya.

"Pero feeling ko naman, hindi kami ilalagay sa isang show ng mga producers.

"Yun lang naman ang isip ko... parang feeling ko."



MOVING ON. Sa aming obserbasyon, mukhang masaya at mas maganda ang aura ni Albie ngayon kumpara noong kasagsagan ng isyu sa kanila ni Andi.

Nakapag-move on na ba siya talaga?

Sagot niya, “Nakikita ko naman na parang hindi na siya pinag-uusapang masyado.

"Naka-move on na rin ang mga tao.

“Move on na rin tayong lahat dahil tapos na yun.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi na sila nagkita ni Andi pagkatapos ng insidenteng nangyari sa isang bar sa Makati, na nauwi pa sa pambubugbog sa kanya, noong May 2012?

Read: Andi Eigenmann admits confronting ex-boyfriend Albie Casiño; denies involvement in the brawl afterwards

Ayon kay Albie, “Actually, naalala ko na kung saan ko siya huling nakita.

"Sa Katipunan [Quezon City] yata, papasok ako ng car sa Petron.

"Siguro a year ago or a year and a half ago. Tanguan... yun."

Puwede pa silang magkaayos ni Andi?

“Okay na yun, civil na yun,” matipid niyang sagot.

Kumusta ang kasong plano nilang isampa noon sa mga nambugbog sa kanya? Tuloy pa rin ba?

“Hindi na yata,” sagot niya.

“Ang tagal na nun, parang walang nangyayari.

"Hindi kasi ako ang umasikaso noon kaya hindi ko masasagot.

“Pero nakalimutan ko na rin yun, parang wala na rin point.

"Ako rin ang maha-hassle, kailangan kong pumunta sa court.”

Hindi niya nararamdamang dapat mabigyan ng katarungan ang nangyari sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Albie, “Binibitawan ko na kasi yung mga ganoong emotion.

"Negative emotion lang, walang maitutulong yung ganun."



ME FIRST. Kapansin-pansin naman ang paglaki ng katawan ngayon ni Albie.

Sabi niya tungkol dito, “Kapag walang show, gym lang po.

“Parang nagsasawa kasi ako na nakikita ko ang sarili ko na sobrang payat.

"At saka mahirap kasing maghanap ng damit dati para sa akin.

“Kapag hindi maiksi, maluwag.

"At least ngayon, okay lang.”

Wala na raw sila ng huling girlfriend niya at loveless daw siya ngayon, kaya ang pagpunta sa gym ang pinagkakaabalahan niya ngayon bukod sa pagtatrabaho at pag-aaral.

Magti-third year college na si Albie sa College of St. Benilde sa kursong Export Management.

Sabi niya, “Matagal na, magwa-one year na siguro [na walang lovelife].

“At saka wala akong time.

"Na-realize ko na kung magkaka-girlfriend ako, kailangan kong bawasan ang time ko sa gym."

Paano kung may nagugustuhan siyang babae?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala rin naman, kahit sa gym, bakal ang kausap ko,” biro niya.

Dagdag ni Albie, “Ayoko munang magka-girlfriend.

"Ako lang muna ang aasikasuhin ko, yung sarili ko."



NOT EXCLUSIVE. Kahit nagkasunud-sunod ang shows ni Albie sa TV5, hindi raw siya exclusive sa Kapatid network.

Per show pa rin daw ang kontrata niya kaya habang may umeere siyang show sa TV5 ay hindi siya puwedeng magtrabaho sa ibang network.

Wala ba siyang planong pumirma ng exclusive contract?

Sagot ni Albie, “Parang mas gusto ko po yata yung ganito na mas maraming option, kahit saan puwede.

“At saka ayoko munang pumirma ng kontrata, gusto kong mag-graduate muna.

"[Pag] binigyan ako ng show na hindi pasok sa [class] schedule ko, nakakahiyang tanggihan kasi nag-sign ako ng contract.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Study, work, and gym are the three things that preoccupy Albie Casiño these days. He says he is loveless now. "Ako lang muna ang aasikasuhin ko, yung sarili ko.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results