PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jackie Rice on nixing lead roles: “Ayoko ng pressure. Ayoko ng limelight, gusto ko trabaho.”

Jackie Rice says she just wants work, not fame.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 12, 2014
Jackie Rice's ultimate dream: “Alam mo, hindi ko talaga pinangarap na magbida, pero pinangarap kong magka-award. Yun siguro talaga ang goal ko."

Sa April 27 pa ang mismong birthday ni Jackie Rice pero nakipag-celebrate na ito sa mga batang pasyente ng Philippine Orthopedic Center (POC) sa Banawe, Quezon City, kahapon, April 11.

Naging malapit daw sa puso niya ang nabanggit na ospital, dahil minsan nang naging pasyente rin siya rito.

“Nung Sisid days po, nung napilayan ako,” banggit ni Jackie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media.

First time daw niyang mag-celebrate ng birthday party sa POC, pero kahit daw walang okasyon at basta may oras, pumapasyal siya rito.

Isa pang dahilan...

“Meron po akong fan...” simula ni Jackie.

“Sixteen years siyang paralized. Nakalimutan ko na kung napa’no siya, parang nadaganan siya.

“Nung Sisid days din, nire-request ako ng EP [executive producer] namin na puntahan ang ospital na ‘to.

“And for 16 years, hindi gumagalaw ang katawan niya [ng fan]. ‘Tapos nung makita ako, nanginig. Ayun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

First time daw na nangyari yun sa fan na paralisado, na tila natuwa at nagawang gumalaw—kahit katiting—nang makita raw siya nang personal.

Para kay Jackie, nagkaroon siya ng ideya at dahilan para palagiang pumasyal sa ospital na yun.

“Naisip ko na yung katulad ko, puwede akong mag-inspire ng tao...

“’Tapos nung na-inspire ko siya, yung ibang nasa paligid na hindi makatayo, may mga bakal sa katawan, yung iba may cancer...”

Nilapitan din daw niya ang iba pang pasyente sa pag-aasam na magkaroon din siya ng epekto sa mga ito, kagaya ng epektong nagawa niya sa kanyang paralisadong fan.

“Yung ma-inspire mo rin sila... Ayun, masaya sa pakiramdam na nakakapagpangiti ka ng ibang tao.

“Kasi ako, palagi akong nakangiti, ‘tapos lahat ng gusto ko [nagagawa ko], nakakalakad ako, masaya yung pamilya ko, sobrang blessed ako. Bakit hindi ko i-share yung blessing na meron ako?

“I mean hindi lang financially, o sa pagpapakain, kundi pati na rin yung pagpapangiti sa ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONTENT WITH CAREER. Sa ngayon ay kuntento raw si Jackie sa itinatakbo ng kanyang career.

"Meron akong Inamorata, meron din akong indie film na Sitio Camcam, 'tapos Bubble Gang... Wala na nga akong mahihiling pa, e," sabi pa ng StarStruck 3 Ultimate Female Survivor.

At kahit na hindi raw siya ang bida sa Inamorata, wala naman daw itong kaso sa kanya.

“Ayoko ng pressure. Ayoko ng limelight, gusto ko trabaho,” dahilan ng Kapuso actress.

“Kailangan ko trabaho, kesa yung fame.”

Hindi rin daw siya bothered sa mga pumupuna kung bakit tinanggap pa niyang maging kontrabida sa isang proyekto, gayong nakapagbida na siya noon.

“Hindi naman talaga kaso sa akin kung ako yung bida dati... Nung tinanggap ko yung Sisid, gusto ko lang talaga i-try, ayoko talagang magbida.

“Pero nung ginawa ko yung Sisid, maraming magagandang nangyari sa akin—nakilala ko nga itong ospital, marami akong na-inspire na tao, maraming humahanga sa akin...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero ayoko ng tuluy-tuloy na gano’n.”

Hindi raw siya katulad ng ibang mga artista na ang hangad ay sumikat nang husto.

“Yun nga ang tinatanong nina Aljur [Abrenica] sa akin, e. ‘Bakit ayaw mong magbida? E, ‘pag bida ka, marami kang trabaho, marami kang endorsements?'

“E, ayoko, e. Ewan ko? Gano’n ako, e,” nangingiting sabi ni Jackie.

Mas importante rin daw na iba-iba ang nagagawa niya.

“Gusto ko yung mas character yung role, kesa yung laging umiiyak,” na madalas nga raw ginagawa ng mga api-apihang bida sa mga drama series.

“Feeling ko ‘pag gano’n ako, hindi ako nagiging versatile. Gusto ko yung iba’t ibang atake. Gusto ko yung naggo-grow ako as an artist.”

Isa nga raw ito sa mga dahilan kung bakit tinanggap niya ang alok na gawin ang indie movie na Sitio Camcam, kasama sina Elizabeth Oropesa, Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Allen Dizon, sa direksyon ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakiramdam ni Jackie, marami siyang matututunan mula sa mga beteranong artistang ito, lalo na sa premyadong direktor na si Direk Joel.

Mas nalalapit na tuloy ito sa tunay niyang pangarap sa kanyang karera.

“Alam mo, hindi ko talaga pinangarap na magbida, pero pinangarap kong magka-award. Yun siguro talaga ang goal ko. Hindi ko pinangarap maging bida, pinangarap kong magkaroon ng award.”

May pinanggagalingan rin daw ang pangarap niyang ito.

“Kasi dati pagkatapos kong mag-StarStruck, sabi nila, wala akong talent. So ngayon, pinapatunayan ko meron naman.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jackie Rice's ultimate dream: “Alam mo, hindi ko talaga pinangarap na magbida, pero pinangarap kong magka-award. Yun siguro talaga ang goal ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results