PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Accused in Vhong Navarro case attempts to leave the Philippines

Ferdinand Guerrero stopped by Immigration official at NAIA.
by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2014
Sinita ng Immigration official sa Ninoy Aquino International Airport si Ferdinand Guerrero, ang isa sa mga akusado sa kaso ng aktor na si Vhong Navarro, nang magtangka itong umalis ng Pilipinas kaninang madaling-araw.

Naririto pa sa Pilipinas ang businessman na si Ferdinand Guerrero, isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 22, 2014, sa Forbeswood Heights Condominium, sa The Fort, Taguig City.

Sa text message niya kahapon, April 13, sa Startalk ng GMA, sinabi ni Guerrero na, “I’m out of here. Time to explore new places in Asia.”

Dahil sa kanyang mensahe, inakala na nakaalis na ng bansa si Guerrero.

Pero nakumpirma ang balita na naririto pa siya sa Pilipinas at hindi natuloy ang biyahe niya ngayong umaga, April 14, sa Hong Kong dahil sinita siya sa Ninoy Aquino International Airport ng Immigration official habang nakapila sa Immigration counter, bandang 4:40 ng madaling-araw.

Hindi na itinuloy ni Guerrero ang tangkang pag-alis dahil sa lookout bulletin na inilabas ng Bureau of Immigration para sa kanya at sa ibang mga akusado sa pananakit kay Navarro.

Noong nakaraang linggo, isinampa ng Department of Justice ang mga kaso ng serious illegal detention at grave coercion laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero, at sa apat nilang kasama na sangkot din sa non-bailable offense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinita ng Immigration official sa Ninoy Aquino International Airport si Ferdinand Guerrero, ang isa sa mga akusado sa kaso ng aktor na si Vhong Navarro, nang magtangka itong umalis ng Pilipinas kaninang madaling-araw.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results