Ang Kapamilya star na si Meg Imperial ay sa Bicol daw magbabakasyon ngayong Holy Week.
Tawa nga nang ng tawa ang aktres nang biruing baka may boyfriend siya roon kaya palagi siyang nasa Bicol.
Sabi naman ni Meg, “Wala po, kung meron sana, kaso wala pa, e."
Nagpa-Pabasa raw sila talaga ng mommy niya roon taun-taon.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Meg sa taping ng Banana Split noong Huwebes ng gabi, April 10, sa Music Museum.
Naroon siya bilang special guest sa "Buzz spoof" segment ng gag show ng ABS-CBN.
INSPIRATION. Hindi naman itinanggi ni Meg na gusto na niyang magkaroon ng boyfriend.
“Why not? Kung mai-inspire naman akong mag-work lalo, why not?”
Iba rin ang ngiti ni Meg nang kamustahin sa kanya si JC de Vera, na leading man niya sa panghapong serye nila sa Kapamilya network na Moon of Desire.
Nagpaparamdam ba ito sa kanya?
Tugon niya, “Si JC? Ewan ko, hindi ko alam.
"Close kami, close naman kaming lahat.”
Pero attracted siya kay JC?
“Hindi naman... well, loveteam ko siya.
"At least, may kailangan na attraction ka sa mga loveteams mo."
Sa tatlong leading men niya sa Moon of Desire na sina JC, Miko Raval, at Dominic Roque, kanino siya pinaka-attracted?
Sagot ni Meg, “Siyempre, mas kakilala ko at palagi kong kaeksena si JC.
"Yung iba, hindi ko masyadong kaeksena pa ngayon."
TRENDING. Masaya naman daw si Meg sa nangyayari sa serye nila.
Aniya, “Happy naman ako kasi simula nang mag-start siya, nagti-trending siya.
"Plus, mataas naman ang rating niya for an afternoon soap.
“Hindi naman siya sobrang mababa, hindi rin naman siya sobrang mataas.
"Parang tama lang siya for an afternoon soap.
“And happy naman yung buong production.”
Tawa naman nang tawa si Meg dahil nag-trending daw sa social network ang karakter niyang si Aila, na maraming buhok sa buong katawan.
Partikular na nag-trending ang hashtag kung saan iniugnay siya sa pubic hair dahil nga nababalot ng buhok ang buo niyang katawan sa teleserye.
“Nag-trending yun for one day.
"Sabi naman nila Direk Ruel [Bayani], hayaan ko na lang kasi wala naman akong magagawa kung pag-usapan nila.
“Nakakatawa talaga, tinanggap ko na lang.
“Kahit sila JC, tinatawag akong BB!” natatawang kuwento niya.
Dagdag niya, “Natatawa ko na naiinis kasi talagang pinu-push pa nila.
"Na dapat na nilang i-cut pero, itinutuloy pa nila.
“Una kasi, babaeng Wolverine, 'tapos the next day, parang napag-usapan nila na para siyang… yun nga.
“Pero okay lang, at least napag-uusapan at nakakatulong siya sa show para maging maingay.”
Katuwiran din ni Meg, hindi naman siya yun kundi ang karakter niyang si Aila.
“Okay na yun, si Aila naman yun at hindi ako.
"Basta at least, nakatulong siya para mapag-usapan ang show, maging visible sa mga tao.
“At least, may mga followers naman siya.
MEG VS. ELLEN? May lumalabas ding balita na kesyo baka masapawan daw siya ni Ellen Adarna sa serye nila.
Sabi naman ni Meg tungkol dito, “Oo nga.
"Meron ding write-up na baka ako naman daw, masapawan ko si Ellen.
“Wala naman kasi.
"Parehas naman [ang treatment] ni Direk FM [Reyes] sa character namin.
"At may kanya-kanya kaming strength sa pag-arte.
“So, siya, bini-build siya ni Direk, ako rin bini-build ni Direk.”
