Jennica Garcia feels letdown by non-renewal of GMA contract

by Rose Garcia
Apr 15, 2014
The idea of going to ABS-CBN makes Jennica Garcia nervous. She says, "Hindi pupuwedeng pumasok ka dun na parehong kaliwa ang paa mo... na tunog-ibon ang boses mo.”

Inamin ni Jennica Garcia na iniyakan niya na hindi na siya inalok pang muli ng GMA Network ng panibagong kontrata.

“Kung sasabihin ko naman po na hindi ako nasaktan, sobrang sinungalingan ko naman,” sabi ni Jennica nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa taping ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw sa Bulacan, noong Huwebes, April 10.

Kung sakali, ang Carmela ang huling proyekto niya bilang isang Kapuso pagkatapos ng pitong taon.

Napapaisip ba siya kung ano ang dahilan at hindi siya mabigyan ng renewal of contract?

“Hindi ko po alam, e,” maingat na sagot ni Jennica.

“Para sa akin na lang po ito, ang strength ko lang talaga is pag-arte lang.

"Hindi po ako kumakanta, hindi po ako sumasayaw.

"Siguro po meron silang mga hinahanap sa akin na hindi ako nagde-deliver.

“Kaya nga po ngayon, after Carmela, sana makapag-dance workshop ako, voice lesson.”

Continue reading below ↓

ACCEPTANCE. Ayon pa sa 24-year-old actress, pag-arte lang talaga ang gusto niyang pasukin, pero willing din siyang tahakin ang pagkanta at pagsasayaw.

“Willing naman po ako, hindi lang talaga nabibigyan ng chance.

"Kasi, what I do when I don’t have a show, I study, ang dami kong pinag-aaralang gawin, ultimo pagtatahi.

“Ngayon, tapos na po ako sa Baking and Pastry Arts.

“Yung passion ko lang po kasi, wala po sa area na yun.

"At sa nakikita ko rin naman po, dire-diretso rin naman ang trabaho ko.

"Hindi ko naman po natanong si Direk Manny [Valera, Jennica's manager] kung bakit hindi na sila magre-renew.

"Hindi naman po kasi ako nagtanong ng ganun.

“Ang sinagot ko lang po sa kanya, 'A, ganun po ba?'”

May mga suhestiyon naman kay Jennica na, kung sakali, hindi ba niya puwedeng habulin pa at baka i-reconsider ng GMA na papirmahin siyang muli?

Sabi niya, “E, siyempre po, manager ko po ang magde-decide nun.

Continue reading below ↓

"At saka, parang nahihiya rin naman po ako na i-offer ang sarili ko.

“Kumbaga, sa kanila na rin po nanggaling na hindi na po magre-renew.”

Dugtong pa niya, “Nalungkot lang po ako.

"Bakit po kaya, wala naman akong role na tinatanggihan.

"Maliit o malaki, nanay man o hindi, yung ganun."

Pagdating sa acting ay ibinibigay naman daw lahat ni Jennica.

"Best effort talaga, kasi ayoko naman na mapanood ako ni Mama.

"Ayoko rin siyang mapahiya dahil, siyempre, nakadikit sa akin ang pangalan nila ni Papa.

“Yun din ang iniiwasan kong mangyari.

"At ayoko rin masabihan na namimili ako kaya walang trabaho.

"Kaya kung ano ang ibigay sa akin, as long as marangal ang role, gagawin ko po talaga."

Si Jennica ay anak ng aktres na si Jean Garcia at ng dating That's Entertainment mainstay na si Jigo Garcia.



GOD WILLING. May balitang interesado naman daw ang TV5 na kuhanin siya.

Continue reading below ↓

Kung sakali, isa sa magandang mangyayari ay ang magkasama o magkapareha sila ng boyfriend niyang si Alwyn Uytingco.

Kaka-renew lang ng three-year contract ni Alwyn sa Kapatid network.

Sabi ni Jennica, “Well, tinitingnan ko na lang po.

"Kasi, hindi rin naman po maganda kung magdu-dwell ako dun.

“Kumbaga, since may time sa life ko na nag-doubt ako kay God, kahit papaano, natutunan ko na rin ang leksiyon na maling mag-alinlangan ako sa mga plano Niya sa akin."

Pero kung sakali, excited ba siya sa posibilidad na magkatambal sila ni Alwyn?

“E, kung pagbibigyan po nila, siyempre po.

"So, ngayon po na ganito, gusto kong isipin na may magandang plano sa akin si Lord."

Kung bibigyan siya ng pagkakataon, GMA pa rin ba ang pipiliin niya?

Sagot ni Jennica, “Mahal na mahal ko ang GMA.

"Seventeen [years old] pa lang ako, nandito na ako.

"Dito po ako ipinagkatiwala ng pamilya ko.

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa naman po alam kung saan ako pupunta.

"Kung hindi man GMA, dalawang network lang naman po ang pupuntahan," pagtukoy niya sa TV5 at ABS-CBN.

Dagdag pa niya, "Pero ipinagdarasal ko pa po.

“It’s not for me to decide, siyempre the offer will come from them, not naman po from me.”

Ano ang pakiramdam niya kung sakaling ang Carmela na nga ang huling teleserye niya sa GMA?

Sabi ng aktres, “Alam niyo kung ano ang ikinakatakot ko pong talaga?

"Sobra na po akong at home rito, dahil nakarami na akong show rito.

"Every time na magpupunta ako sa bagong show, kampante ako sa bagong team kasi nakatrabaho ko na sila dati."

Pahayag pa ni Jennica, “Nakakakaba, pero sa ABS, iba ang kaba ko.

"Alam niyo yung pakiramdam ko na, 'Naku, Jennica, hindi pupuwedeng pumasok ka dun na parehong kaliwa ang paa mo. Na tunog-ibon ang boses mo.'”

ALWYN UYTINGCO. Sa kanila naman ni Alwyn, ang palaging tanong ay kung may plano na ba silang magpakasal.

Continue reading below ↓

Sabi ni Jennica tungkol dito, “Ay, nakikita ko talaga siya, siyempre.

"Hindi naman tayo nagbo-boyfriend na panandalian lang ‘to, na next year, iba ulit.

“’Yang si Alwyn, mahal na mahal ko po talaga ‘yan.

"At saka, iba yung kampante ka sa tao.

"Si Alwyn, mahal niya ako, pero kasi alam ko na mahal niya ang Panginoon.

“Kaya alam ko na masaktan man niya ko, alam ko na hindi niya sinasadya.”

May balita namang may plano na rin daw magpakasal ang ina ni Jennica na si Jean Garcia.

Kung si Jennica ang tatanungin, sino ang gusto niyang maunang ikasal—siya o ang mama niya?

“Gusto ko nang makasal ang mama ko, siyempre siya na!” natatawang sagot niya.

May pahiwatig na ba sa kanya ang mama niyang gusto na nitong magpakasal?

“Wala po,” nakangiting sabi ni Jennica.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The idea of going to ABS-CBN makes Jennica Garcia nervous. She says, "Hindi pupuwedeng pumasok ka dun na parehong kaliwa ang paa mo... na tunog-ibon ang boses mo.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results