Jackie Forster shows support for leukemia-afflicted daughter by cutting her hair short

by Jojo Gabinete
Apr 14, 2014
Muling pinaiklian ni Jackie Forster ang kanyang buhok upang ipakita ang suporta niya sa anak na si Caleigh, na na-diagnose ng leukemia. Sa pagkakataong ito ay hinayaan ni Jackie na si Caleigh ang gumupit sa kanyang buhok.

Masasabing dakila ang pagmamahal ni Jackie Forster sa kanyang three-year-old daughter na si Caleigh, na nakikipaglaban ngayon sa sakit na leukemia.

Na-diagnose ang karamdaman ni Caleigh noong January 2014.

Mula noon, literal na hindi na umaalis sa tabi niya ang kanyang ina.

Ipinangako ni Jackie sa sarili na hindi siya papayag na mawalay sa kanya ang bunsong anak.

Ang half-sister ni Jackie na si Mickey Ferriols ang nagsabi na hindi kumportable si Jackie sa buhok na maiksi, pero nagawa niyang magsakripisyo alang-alang sa anak na may sakit.

Sumasailalim si Caleigh sa chemotherapy procedure na naging dahilan ng pagkalagas ng kanyang buhok.

Dahil dito ay pinaiksian din ni Jackie ang kanyang buhok.

Kaninang hapon, April 14, muling pinaputulan ni Jackie ang kanyang buhok bilang suporta at pagmamahal sa anak na may sakit.

Certified hairstylist at make-up artist si Jackie kaya siya ang gumupit sa buhok ni Caleigh.

At kanina, hinayaan niya ang bunsong anak na gumupit sa kanyang buhok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang malaman ni Jackie ang karamdaman ni Caleigh, lalong nadagdagan ang pananalig niya sa Diyos.

Ni minsan daw ay hindi niya sinisi ang Panginoon sa nangyari sa kanyang nag-iisang anak na babae.

Kasalukuyang nasa Singapore ang pamilya ni Jackie para sa pagpapagamot ni Caleigh.

Bukod kay Caleigh, may dalawang anak na lalaki si Jackie sa dati niyang asawang si Benjie Paras—sina Andre at Kobe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jackie Forster
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling pinaiklian ni Jackie Forster ang kanyang buhok upang ipakita ang suporta niya sa anak na si Caleigh, na na-diagnose ng leukemia. Sa pagkakataong ito ay hinayaan ni Jackie na si Caleigh ang gumupit sa kanyang buhok.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results