PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin Escudero admits to dating non-showbiz girl

Martin Escudero on lovelife: “Ayoko muna magkuwento kasi baka maudlot, pero may nagpapasaya sa akin.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 18, 2014
Wala raw tradisyon o mga panata sa Semana Santa ang pamilya ni Martin Escudero. Ang nakasanayan lang daw nila ay ang manood ng mga pelikulang hango sa Bibliya kasama ang buong mag-anak.

May nagpapasaya na raw sa Kapatid actor na si Martin Escudero.

Pero nakiusap itong huwag munang tanungin sa detalye dahil baka raw maunsiyami ito.

Nakangiting kuwento ni Martin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ayun nga, e, di muna ako nagla-lovelife, pero may mga mangilan-ngilan na nagpapahiwatig.

“Ayoko muna magkuwento kasi baka maudlot, pero may nagpapasaya sa akin.”

Nakausap ng PEP si Martin sa launch ng Sun Chaser Spring/Summer 2014 collection ng Wrangler sa Mall of Asia Main Atrium, Pasay City.

May namataan din ang PEP na isang non-showbiz girl na kasama nitong pumasok sa venue, pero humiwalay na ang babae nang simula na namin ang panayam kay Martin.



NEW MOVIE. Pagdating naman sa kanyang acting career, masaya rin si Martin sa naging takbo ng kanilang teleseryeng Obsession sa TV5.

Kahit nagtapos na ang teleseryeng pinagbibidahan niya, kasama nina Marvin Agustin at Bianca King, marami raw silang magagandang feedback na narinig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magiging abala naman daw si Martin sa paggawa ng pelikula ngayong tapos na ang Obsession.

Aniya, “Magmu-movie muna ako.

"'Di ko pa alam kung kailan kami mag-start, ayoko pang sabihin, e, kung ano yung movie.

“Sikreto pa muna kasi, sa tingin ko, ‘di pa nila pinapasabi.

"Pero mainstream film siya."



HOLY WEEK. Dahil Holy Week na, inusisa na rin namin ang 24-year-old actor kung ano ba ang mga tradisyon ng kanilang pamilya pagdating ng ganitong panahon.

Saad niya, “Wala naman talaga kaming panata 'pag Holy Week.

“Kasi ang nakasanayan lang namin, sa bahay lang talaga.

“Nakasanayan na naming manonood kami ng pelikula tungkol sa Bible.”

Pero dahil daw sa init ng panahon, baka raw magbabakasyon silang mag-anak sa Baguio o kaya sa Sagada.

“Baka mag-Baguio o mag-Sagada, pero inaalam ko pa kung siksikan yung tao, baka 'di rin ako mag-e-enjoy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Martin Escudero
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala raw tradisyon o mga panata sa Semana Santa ang pamilya ni Martin Escudero. Ang nakasanayan lang daw nila ay ang manood ng mga pelikulang hango sa Bibliya kasama ang buong mag-anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results