Apat na taon pa lang si Jasmine Curtis Smith sa showbiz, pero mabilis raw siyang naka-adjust sa mga bagay na dulot ng mundong ito.
Inamin ng nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na bahagi na ng buhay niya ang mga intriga at kontrobersiya simula noong pasukin niya ang showbiz noong 2011.
Dahil sa nakakagulat na mga balita tungkol kay Anne, naungkat ang intriga sa showbiz sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jasmine sa live telecast ng TV5 music program na SPINNation, kung saan siya ang host, sa Manila Ocean Park, noong April 5.
Pahayag ni Jasmine, “Even na sabihin ko po na sanay na ako, I am still nagugulat sa mga intriga.
“Hindi lang naman sa mga intriga about me or my Ate Anne, but the intriga sa mga nakakasama ko sa work.
“Kaya I always say to myself, ‘Okay lang ‘yan.’'"
Tanggap na rin daw ni Jasmine na hindi mawawala ang intriga sa showbiz
Aniya, “I’ve learned to accept everything.
"It’s now a part of who I am in this business.
“Gano’n naman po yata, next week may panibago na namang issue.
“Basta people are there to comfort you and you know really what happened.
“I'm part of showbiz, it's the life I chose.
"I'm not gonna tell people, ‘Huwag kayong magsulat tungkol sa akin!’
"It's just gonna be part of my life kaya let’s just enjoy it, ‘di ba?”
HURT. Mas nasasaktan nga raw ang TV5 Princess kapag may mga bashers ang kanyang Ate Anne.
Dito ay naglabas na ng sama ng loob si Jasmine.
Aniya, “People who say those things will not know how it feels until it happens to a family member or someone that they love.
"I just wish them the best.
“If you're really happy as a person, you don't need to tell people, ‘Karma mo ‘yan kaya nagkaganyan ka, kaya ka nagkasakit.’
“You know, it's a health issue.
"Sumusobra na yung mga tao for wishing my sister ill.
"I would never wish anyone ill.”
DEDMA. Kaya isa raw sa itinuro kay Jasmine ng kanyang Ate Anne ay ang tinatawag na “art of deadma.”
“I learned to practice that and it works naman.
“Less talk, less mistakes.
"If you refrain from talking, people will eventually stop asking questions.
"And you all move on with your life.
“Yun na nga iyong tinatawag nila na deadma.”
