PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang says he sees his mom in Alex Gonzaga, "Pareho sila ng ugali."

Ryan Bang says Korean observe Holy Week differently.
by Rose Garcia
Published Apr 19, 2014
According to Ryan Bang, Alex Gonzaga knows he has a crush on her, "Siya ang nagkalat, e. Siya ang may sabi na, 'Crush ako ni Ryan.'”

Pinili ni Ryan Bang na dito na lang sa Manila magdaos ng Holy Week.

“Sa bahay lang, kasi ipon muna 'ko," nasabi nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong Huwebes, April 10, sa taping ng Banana Split sa Music Museum.

Biniro namin ito na marami naman na yata siyang naiipon.

“Hindi pa kasi tapos ang BIR ko,” natatawang sagot niya.

“Actually, hindi ko alam pero, ipon muna ko.”



PAYING BIR. Naayos na raw ni Ryan ang naging isyu niya sa BIR o Bureau of Internal Revenue at nabayaran na rin daw niya ang obligasyon dito.

“Oo naman, two years akong bawas-suweldo.

"One year na noong magsimula ang isyu hanggang ngayon.

“Bale ang ABS-CBN po ang nagbayad kaya bawas na lang sa suweldo ko.”

Read: Ryan Bang on tax evasion case: "Kung gusto nila akong ibalik sa Korea e wala akong choice, babalik na lang ako."

Dahil daw dito ay nalilimitahan nga raw ang gusto niyang gawin o puntahan, tulad ng pagbisita sa pamilya niya sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko sanang pumunta ng Korea kaso next year na lang.

"Pamilya ko na lang ang pumunta rito. Siguro sa June kapag may It's Showtime para makikita rin nila.

"Kasi kung ngayon, wala, Holy Week, ‘di ba?”



HOW KOREANS OBSERVE HOLY WEEK. Bilang isang Koreano, paano naman niya ipinagdiriwang ang Mahal Na Araw?

“May Holy Week din naman kami, kasi may Christian, may Catholic.”

Si Ryan ay Christian naman daw.

Ayon pa kay Ryan, “Sa Korea lang kapag Holy Week, walang pahinga-pahinga.

"Dito kasi isang linggong pahinga.

"Doon, wala talaga, dire-diretso ang trabaho.”



SAD BY WHAT HAPPENED TO VHONG. Nung isang taon daw na Holy Week din, kasama niya si Vhong Navarro at nasa Hong Kong daw sila.

Isa sa malalapit na kaibigan ni Ryan sa showbiz si Vhong at naapektuhan din daw siya sa nangyari rito.

“Kilalang-kilala ko si Kuya Vhong, sobrang mabait na tao, malungkot ako sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon, nakikita ko si Kuya Vhong na unti-unti, okey na, e.

"Pero, matagal pa yun, ‘di ba? May trauma pa yun.

"Nagpapasalamat din ako kay Lord dahil at least, buhay pa si Kuya Vhong, ‘di ba?”

Nagkataon naman na si Vhong ang naging special guest sa Banana Split nang makausap namin si Ryan sa taping nila.

May mga nakita rin ba siyang pagbabago rito?

“Minsan, naramdaman ko minsan na natakot din siya.

"Hindi lang katulad noong dati na sobrang masaya dati, makulit.

“Makulit din siya ngayon, he’s trying his best na hindi niya ipinapakita sa amin [ang takot].”



MISSING MELAI. Isa rin sa malalapit kay Ryan sa programa nila ay si Melai Cantiveros.

Nakausap na nga raw niya si Melai nang manganak ito, “Noong dumating kami galing sa Dubai, tumawag ako sa kanya.

"Sabi ko, congratulations sa kanila ni Jason Francisco.

“Madaldal pa rin, hindi pa rin siya tumitigil ng salita sa phone.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa si Ryan sa magiging ninong ng anak nila?

“Siyempre, sobrang close ako kay Melai at kay Jason.”

Sa palagay niya, makakabalik pa si Melai at makakasama nila sa Banana Split?

Sabi ni Ryan, “Ewan ko. Si Lord ang bahala.

"Gusto ko talaga kasama sila Melai.

"Gusto ko siyang bumalik, nami-miss ko siyang talaga.

“Pinaka-close ko sa lahat ng babae, si Melai.”



ADMIRING ALEX. Hindi naman itinanggi ni Ryan na may paghanga siya sa isa pa nilang kasamahan sa Banana Split na si Alex Gonzaga.

Nililigawan niya ba ang kapatid ni Toni Gonzaga?

“Hindi naman, pero gusto ko siya.

"Crush ko siyang talaga. Ang bait niya, e.

"Parehas pa kami ng handler.

"Inaalagaan pa niya ako.”

Paano siya inaalagaan ni Alex?

“Kapag may problema ako, ina-advise-an niya 'ko.

"Natutuwa lang ako kay Alex, sobra.”

Pangungulit ng iba pang umi-interview kay Ryan, nanliligaw nga ba ito sa dalaga?

“Paano bang nililigawan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Close ko lang siya, friend na lang muna siguro.

"Unti-unti, step by step.”

Alam ba ni Alex na crush niya ito?

“Oo, siya ang nagkalat, e.

"Siya ang may sabi na, 'Crush ako ni Ryan.'”

Ano ang nagustuhan niya kay Alex?

“Mabait, sobra.

"Kapag kasama ko si Alex, parang kasama ko rin ang nanay ko sa Korea, pareho sila ng ugali.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to Ryan Bang, Alex Gonzaga knows he has a crush on her, "Siya ang nagkalat, e. Siya ang may sabi na, 'Crush ako ni Ryan.'”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results