PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alma Concepcion on "kayumanggi" beauties winning in international pageants: "Mas morena, mas maganda. Kumbaga sa kape, may timpla."

According to Alma Concepcion, "Kailangan na nating tanggapin na mabenta ang kayumanggi."
by Glenn Regondola
Published Apr 19, 2014
Alma Concepcion offers free training sessions for aspiring beauty queens because from her experience as a titleholder, she learned that "over preparation is better than under preparation."

Magsisimula na naman ang international beauty contests at gaya ng nakaraang mga taon, marami na naman ang nag-aabang sa muling pagkahanay ng Pinay beauties sa mga magwawagi ng most-coveted titles.

Tuwang-tuwa si Alma Concepcion sa winning streak ng ating panlaban sa international beauty competitions.

"Galing, 'no?" pagmamalaki ni Alma nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Gateway, Cubao, Quezon City, kamakailan.

Si Alma ay ang Binibining Pilipinas-International 1994 at semi-finalist sa Miss International noong taon ding iyon.

Nung nakaraang taon, ang Philippine representative naman na si Bea Rose Santiago ang itinanghal na Miss International 2013.

Sabi pa ni Alma, "Nakuha na natin kung ano yung international taste."

Ang isa sa pinakakaabangan na international beauty pageant ay ang Miss Universe na sa nakaraang sunud-sunod na apat na taon ay humanay sa Top 5 nito ang Filipina beauties.

Saad ni Alma, "Nagsimula nga kay Miriam Quiambao, then Venus Raj, Janine Tugonon, at sina Shamcey [Supsup] at Ariella [Arida] nga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Miriam ay itinanghal na 1st runner-up sa Miss Universe 1999, si Venus ay naging 4th runner-up sa Miss Universe 2010, si Shamcey ay 3rd runner-up noong 2011, 1st runner-up naman si Janine noong 2012, at nakuha naman ni Ariella ang posisyon na 3rd runner-up para sa taong 2013.

Para sa taong ito, ang pambato ng Pilipinas ay si Mary Jean Lastimosa.



MORENA BEAUTIES. Sa pananaw ni Alma, "Kailangan na nating tanggapin na mabenta ang kayumanggi."

Paliwanag niya, "Napansin n'yo, sila-sila ay may iisang hitsura—payat, matangkad, morena.

"Hindi yung taste natin na mestisa.

"So yun, kaya tayo nananalo lately kasi yung look, e.

"Mas morena, mas maganda.

"Before, nung sumali ako, nagpaitim ako.

"Kasi iba sa stage, kumbaga sa kape, may timpla.

"So very good yun, nakakatuwa.

"Nahuli na natin kung ano ang gusto ng international judges."



QUEENLY ADVICE. Para sa mga nangangarap maging isang beauty queen ay merong pangaral ang beauty queen turned actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"First of all, kailangan talaga ay matangkad sila.

"Madali na yung ibang bagay, madali nang gawin yung body, madali nang i-develop yung speaking.

"Number two, bago sila sumali, kailangang gawin muna nila ang lahat para mawala ang stage fright.

"Before I joined, I was into theater, I started in PETA when I was fourteen.

"'Tapos, I was doing Ibong Adarna of Bulwagang Gantimpala.

"I was doing commercials. So lahat ginawa ko talaga.

"Kasi meron talaga akong kaba and I knew na kailangan kong tanggalin."

Ang PETA (Philippine Educational Theater Association) ay ang theater company na itinatag noong 1967 ni Cecile Guidote-Alvarez.



BEAUTY TITLES. Sa pagbabalik-tanaw ni Alma, may ilang beauty contests pa itong sinalihan bago pa man ang Binibining Pilipinas 1994.

"May Miss Hawaiian Tropic-Philippines pa akong title when I was fifteen.

"I was sent to Miami Beach, Florida, to compete sa Miss Hawaiian Tropic International. I didn't win.

"When I was fourteen, I joined SuperModel pero 'di ako nanalo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I was seventeen when I joined the Binibining Pilipinas, then sa Miss International, naging semi-finalist ako at Miss Friendship.

"So okey na siguro yun."

STRICT TRAINING. Pagdating sa beauty contest, mahigpit ang naging bilin ni Alma.

"Over preparation is better than under preparation," diin niya.

Isa raw itong malaking leksiyon na natutunan ni Alma sa pagsali niya sa mga international beauty contests.

Aniya, "It's a life-changing lesson and experience.

"Nung manalo ako sa Miss Hawaiian Tropic-Philippines, akala ko okey na.

"Pero nung dumating ako sa Florida, nagulat ako, ang mga katawan nila pang-magazine.

"Ang firm-firm nila, and during that time wala pang photoshop, 'di ba?

"Yung mga pictures noon, kung ano yung katawan nila, yun na yung totoo.

"'Tapos sila, may abs, may shoulder.

"Sabi ko, 'Oh my gosh.' I knew I didn't do my best.

"Kaya sa Miss International, alam ko na gagawin ko, I trained like an athlete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang military-style of training."



FREE LESSON. Ayon pa kay Alma, mas masuwerte ang potential beauty queens ngayon dahil "meron nang Aces and Queens na talagang nagti-train sa mga nangangarap."

Ang Aces and Queens ay isang grupo ng beauty pageant enthusiasts na nagsasanay ng mga potensyal na beauty queens. Ilan nga sa mga kilalang produkto nito ay sina Shamcey, Venus, Janine, Ariella, Gwendoline Ruais, at ang kasalukuyang Miss World na si Megan Young.

Si Alma naman daw ay may mga gay friends na tinuruan siya kung paano maglakad.

Hangad din daw niyang tumulong para sa ikabubuti ng mga aspiring Pinay beauty queens. Lahad niya, "Sa ngayon, I'm offering free training.

"Kasi sayang naman ang natutunan ko.

"And I don't want to keep it in a box."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alma Concepcion offers free training sessions for aspiring beauty queens because from her experience as a titleholder, she learned that "over preparation is better than under preparation."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results