Naging matagumpay ang party at charity auction ng Manny Pacquiao Foundation para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.
Ito ay ginanap sa tahanan ni Victorino Noval sa Beverly Hills noong April 15 at nagbayad ng US$1,000 each ang lahat ng mga dumalo.
Binili sa halagang US$40,000 ang duguan na boxing trunks na ginamit ni Congressman Manny Pacquiao sa laban nila ni Timothy Bradley, Jr. sa MGM Grand Arena, Las Vegas, noong April 12.
Nabenta naman sa halagang US$10,000 ang kanyang boxing gloves.
Kapwa tumanggi ang mga highest bidder na i-release sa media ang kanilang mga pangalan.
Meanwhile, ang kampo ni Justin Bieber ang naglabas ng litrato nila ni Pacquiao sa kanilang hindi sinasadya na pagkikita sa The Grove, isang kilalang shopping complex sa Los Angeles, California, noong April 16.
Nagkita sina Bieber at Pacquiao habang namimili si Manny sa The Grove, kasama ang Team Pacquiao.
Sa report ng TMZ Sports, gumastos si Pacquiao ng US$20,000 para sa mga pantalon at T-shirt na binili ng kanyang 50-person entourage sa Nordstroms.
Ferragamo shoes ang binili ni Pacquiao para sa sarili at matapos mag-shopping sa Nordstroms, tumuloy sila ng Team Pacquiao sa Apple store at dito nila nakita si Bieber na kilala bilang supporter ni Floyd Mayweather Jr.
Matatandaang gumawa ng ingay ang mga pinost na photos ni Justin sa kanyang Instagram account nung 2012 nang matalo si Manny sa laban nito sa Mexican counterpuncher na si Juan Manuel Marquez.
View: Justin Bieber mocks Manny Pacquiao
Tila kinalimutan naman ng dalawang superstars ang kung anumang namagitan sa kanila at game na game na nagpakuha ng litrato si Justin, kasama ang Filipino Boxing Champ.