Muling nakitang magkasama sina KC Concepcion at Paulo Avelino matapos ang surprise birthday celebration ni KC noong April 7.
Sa Instagram account ni KC (xtina_ontherocks) noong Sabado, April 19, ibinahagi niya ang larawan niya kasama si Paulo, na sa pagkakaalam ng media ay masugid na manliligaw ng actress-TV host.
Ang larawan ay kuha mula sa kitchen ng tinitirhan ngayon ni KC sa New York City.
Sa caption, inilagay pa ni KC ang tila mensahe niya para kay Paulo:
“Safe flight home. It made my heart happy to cook for you that day & to see you enjoying the little things, even just for a while. Thank you. For everything.ðŸÂ„”
Samantala, naging kapansin-pansin naman sa followers ni KC ang sumunod niyang post noon ding Sabado.
Iba’t ibang opinyon ang ibinigay ng kanyang Instagram followers sa post niya ng shadow picture nila ni Paulo.
Ito ay may caption ng lyrics ng kantang “Somewhere Down the Road” ni Barry Manilow: “Our roads are gonna cross again. It doesn't really matter when.”
Isang follower na may username na midguess ang nagsabing: “We have to knw the real score btween them. They wdnt gve up ths early if the circumstance is just a piece of crap! They wdnt unfollow each ig n twitter if thr is no bg deal banging on them. It cd be a very BIG PROB.”
Isang IG user din ang nag-isip na nahinto na ang anumang ugnayan sa pagitan nina KC at Paulo.
Sabi ng Instagram user na si marjdma: “Maybe they r nt meant for each other.a bit sad ako kc jkkc ako.”
Sa kabilang banda, sa post ni Paulo sa kanyang Instagram account (pauavelino) noong Sabado rin, maraming followers ang nagtatanong tungkol sa kanila ni KC dahil sa shadow picture na inilagay ng aktres.
Tanong ng Instagram user na si dulzmarie21, “@pauavelino please answer us...ok lng bah kayo ni @xtina_ontherocks? maraming nadidismaya para sa inyo if may nangyayaring di maganda.”
Sabi naman ni ljayleee, “After being so close to Kc you will have a hard time meeting someone like her . You are so lucky that she has a crush on you. I know u talked abt it. I have a feeling that Kc is eyeing a career in Ny and to maintain the friendship it's better not to enter in a relationship for the meantime since she will be in NY for a while.i hope and pray you two end up together.”
Hindi sinagot ni Paulo ang pang-uusisang ito ng kanyang Instagram followers.
Marami rin sa fans nina KC at Paulo ang nakapansin na in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.