Kung may pagkakapareho man ang engaged couple na sina Bianca Gonzalez at JC Intal, ito ay ang hilig nila sa pagta-travel.
Sabay na humarap ang dalawa sa Buzz Ng Bayan kahapon, Linggo, April 20, at nagkuwento sa host na si Boy Abunda.
Ayon sa kanila, “Doon mo mate-test ang patience ng bawat isa.
“And, of course, yung special moment na kaming dalawa lang.”
Sa Boracay raw sinagot ni Bianca si JC.
ACCEPTANCE. Ano pa ba ang mga nadiskubre nila sa isa’t isa sa loob ng tatlong taong relasyon nila?
Pambubuko ni Bianca, mas OC (obssessive-compulsive) at mas banidoso raw si JC kesa sa kanya.
Ayon naman kay JC, “Knowing Bianca kasi, konting ano lang, sobrang pikon siya sa akin.”
Major issue daw ang hilig ni JC na mang-asar.
Mas selosa naman daw si Bianca.
Sabi ni JC, “Alam ko na kapag medyo nag-iiba ang tone niya. 'Bakit ganito, bakit ganyan?'
"Of course, I have to explain lang na palambing."
Dugtong naman ni Bianca, “At saka hindi siya yung type na… halimbawa, you wear someting fitted, parang napi-feel ko na mas proud siya na tao kesa possessive.”
Natatawang sagot naman ni JC, “But not all the time!”
Ano ang pinaka-weird discovery nila sa isa’t isa?
Ayon kay JC, “Tawa ako nang tawa when she farted.
"Nagising ako kasi sobrang lakas talaga.
"As in, nag-vibrate, parang it’s twice or thrice same night!”
Natatawang sabi naman ni Bianca, “'Kaloka, sabi ko, siya, mahilig siyang umutot.
"'Tapos sabi niya, 'Ikaw rin naman, malakas mag-fart.'"
LOVE YOUR WAY. Paano ba nasabi ni JC sa sarili niya na si Bianca na ang gusto niyang pakasalan?
Sagot ng PBA player, “Dumating na lang talaga ang time na parang sure na ako na I want to marry Bianca.
"Wala akong nakikitang reason na hindi ako mag-decide na pakasalan siya."
Isang malaking away raw ang nag-udyok kay JC na mag-propose na kay Bianca.
Kuwento ng Kapamilya TV host, “It was my fault, you know naman girls can be super OA [overacting].
"I was tired from work, binisita ko siya sa house niya.
"'Tapos parang feeling ko, hindi ako pinansin, umuwi ako.
“'Tapos, pag-uwi ko, nag-away pa kami over the phone.”
Ayon naman kay JC, “Nakita ko na kasi ang bad side niya, the worse and the best.
"Sabi ko, I think it’s time na to settle down.”
Bakit sa airport?
“Timing lang din, timing lang na aalis siya,” saad ni JC.
THE PROPOSAL. Kuwento ni Bianca, “Weird lang kasi, first sa security check, doon pa lang may nagbigay na ng rose.
“Dalawang security guard, one rose each, parang weird.
"And then, pagkapasok ng first first X-ray, meron na naman, dalawang rose yata.
“Sabi ko sa kasama ko, 'Ano ba ‘to, nasa gag show ba 'ko?'
"They said lang, 'Ma’am, you have to go back and check the package which is part of your luggage.'
“Paglabas ko, yun na, may nagbigay sa akin ng tarpaulin at biglang may performer doon sa may check-in na kumakanta ng 'Baby, I Love Your Way.'
“A few weeks, he asked me, 'What’s your favorite love song?' Sabi ko, 'Baby, I Love Your Way.'
“So, parang may gumanun na sa puso ko na may nangyayari.
"'Tapos yun, when I get into the counter, a girl handed me the tarpaulin at may nakalagay na, 'Bianca, please say yes.'
“Pagtalikod ko, all our friends were there with one flower each, 'tapos yun na, umiyak na ko.”
Lumuhod si JC at nag-speech, “Very, very short, may connected sa last time na nagkita kami.
“Kasi, noong night na yun, tinanong niya, 'How much do you love me?'
"I said lang, 'A lot.' Doon na natapos.
"Parang ang reaction niya, 'Ay, bitin...' Parang normal na reaction na cold.”
Nakangiting sabi naman ni Bianca, "Sobrang quiet niyang tao, so for him to come up with that and arrange all that, it’s so overwhelming.
“After I said yes and he stood up, the first thing I asked, 'Oh, my god, does my mom know?'
"Kasi, sobrang important for me na magpaalam."
Nauna na nga raw nagpaalam si JC sa mommy ni Bianca.
DECEMBER WEDDING. Ngayong 2014 planong magpakasal nina Bianca at JC.
"This December," banggit pa ni JC.
Sabi naman ni Bianca, “They want pa late November or early December. Sabi ko, 'Why not, we’re not getting any younger.'”
Handang-handa na raw mag-asawa si JC dahil nakapagpatayo na ito ng bahay at may lilipatan na sila agad ni Bianca.
Excited na ba si Bianca sa first baby?
“Oh, my god, nate-tense ako!" bulalas niya.
"Yung brother ko, sinasabi, 'Ayoko ng malaki ang age gap ng mga anak ko sa mga pinsan niya.'
“Sabi ko, 'Wait lang, hindi pa ako ready. Hindi pa ako nakakahinga, iisipin ko muna.'”
Aminado naman si Bianca na ito raw ang taon na masasabi niyang pinakamasaya sa buhay niya.
Aniya, “Sobra, never in my wildest dream na inakala ko na magiging deserving ako.”
Ano ang mensahe nila sa isa’t isa?
Sabi ni Bianca, “I’m just thankful na na-prove niya hindi mo magagawan ng formula na itong klase ng tao ang gusto mo at makukuha mo.
“I’m just thankful he treats me so well, super-suwerte ko talaga.”
Ayon naman kay JC, “I love her very much.
"No promises, I’m sure napapa-feel ko naman sa kanya yung love na gusto niya.
“Of course, may times na nandiyan ang away-bati, bati-away.
"But kakayanin namin.”
