PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Taus and Andi Eigenmann deny rumored romance

Tom Taus says Andi Eigenmann is his childhood friend.
by Rose Garcia
Published Apr 21, 2014
Parehong itinanggi nina Tom Taus at Andi Eigenmann ang balitang nag-uugnay sa kanilang dalawa, sa gitna ng usap-usapang break na ang Kapamilya actress at si Jake Ejercito.

Itinanggi ng dating child star na si Tom Taus ang balitang nag-uugnay sa kanya sa young actress na si Andi Eigenmann.

Kasabay ito ng balitang break na raw si Andi at si Jake Ejercito.

May dalawang pagkakataon na raw na nakitang magkasama sina Andi at Tom.

Ngunit sabi ni Tom sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan, “Childhood friend kami ni Andi. Kasi si Tita Jaclyn, nakasama ko siya sa Cedie.”

Ang Cedie: Ang Munting Prinsipe ay ang pinagbidahang pelikula ni Tom noong 1996 sa Star Cinema. Si Jaclyn Jose, na ina ni Andi, ang gumanap na ina ni Tom sa pelikula.

Nothing special sa kanila ni Andi?

“Wala, wala,” nakangiting sagot ni Tom.

Nagpadala rin ng mensahe niya si Andi. At katulad ni Tom, itinanggi rin niyang may namamagitan sa kanilang dalawa.

Sabi ni Andi, “Tom and I have known each other because of Cedie. Now that he’s back, we’ve hang out a couple of times because we’re good friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na nanirahan si Tom at ang kapatid niyang si Antoinette Taus sa Amerika, ngunit ngayon ay sinusubukan nilang makabalik sa showbiz.

Sa isang banda, nauugnay naman ngayon si Jake Ejercito sa entertainment reporter ng TV Patrol na si Gretchen Fullido.

Pero ayaw pa raw munang magbigay ng anumang pahayag ng kampo ni Gretchen tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong itinanggi nina Tom Taus at Andi Eigenmann ang balitang nag-uugnay sa kanilang dalawa, sa gitna ng usap-usapang break na ang Kapamilya actress at si Jake Ejercito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results