PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman on falling in love again: "Parang may love phobia na ako!"

Yassi Pressman wants to prioritize her showbiz career over lovelife for now.
by Rachelle Siazon
Published Apr 24, 2014
Yassi Pressman claims she's not yet ready to fall in love again. “Suitors, parang wala naman. Cute lang si Andre [Paras]. Lagi siyang nagdyo-joke. Pero gano’n lang talaga siya," says the Kapuso teen star.

Naniniwala si Yassi Pressman,18, na mayroong ugnayan sa pagitan ng ex-boyfriend niyang si Sef Cadayona, 25, at Andrea Torres, 23, higit sa pagiging magkaibigan.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Andrea na malapit na magkaibigan lang sila ni Sef.

Read: Andrea Torres insists Sef Cadayona is not courting her

“Hindi na po kami nag-uusap,” pag-amin ni Yassi nang tanungin kung mayroon pang komunikasyon sa pagitan nila ni Sef.

Maging si Andrea ay hindi pa rin nakakausap ni Yassi kahit na magkakatrabaho silang tatlo sa Sunday All Stars (SAS), ang weekly musical-variety show ng GMA Network.

Ayon pa kay Yassi, nagkaroon siya ng “trust issues” pagdating sa pakikipagkaibigan dahil sa pagkakadawit ni Andrea sa hiwalayan nila ni Sef noong nakaraang taon.

“Close” daw sila ni Andrea noon at madalas pang nagkikita sa studio ng SAS tuwing Linggo.

Sabi pa ni Yassi, “Magka-work kami sa SAS, 'tapos three cycles kami magkagrupo. So, that’s like nine months kaming magkagrupo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganunpaman, sa buong panahong iyon ay wala raw siyang ideya na tila nagkakamabutihan sina Sef at Andrea.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters si Yassi sa set ng Magpakailanman noong Miyerkules ng tanghali, April 23.

MOVING ON. Nang tanungin kung ipinaglaban ba niya ang ex-boyfriend, iginiit ng Kapuso teen actress na dumating sa puntong kinailangan nilang tuldukan ang kanilang relasyon.

Halos isang taon ang itinagal ng relasyon nina Yassi at Sef.

Saad ni Yassi, “Well, it’s just a breakup talaga. Okay, let’s cut it off, tama na.

“'Tulad ng sinasabi nila, sa love or in a relationship, it’s always two-way.

“Hindi naman pwedeng ikaw lang nang ikaw. It takes two to tango,” giit ng teen actress.

Malaki ang pasasalamat ni Yassi sa mga mahal niya sa buhay na tinulungan siyang malampasan ang pait ng kanyang unang pag-ibig.

“My friends were there for me. Sa lahat ng tao, lalo na my dad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My dad was the first person who was there to give me the biggest hug and said that, ‘We’re here no matter what. Hindi ka namin iiwanan.’”


CAREER BEFORE LOVELIFE. Kung saka-sakali, handa na ba siyang umibig ulit?

Natatawang sagot ni Yassi, “No. Parang may love phobia na ako!”

Sa ngayon ay wala pa raw siyang bagong manliligaw.

Ang tanging lalaking malapit sa kanya ay ang Diary Ng Panget co-star niyang si Andre Paras.

“Suitors, parang wala naman. Cute lang si Andre. Lagi siyang nagdyo-joke. Pero gano’n lang talaga siya.”

Kung anu’t ano pa man, nanatiling positibo ang disposisyon ni Yassi sa buhay, sanhi ng sunud-sunod na blessings na natatanggap niya ngayon.

Sa pagkakaalam ng teen actress, mayroon siyang pelikulang gagawin sa ilalim ng produksiyon ng Viva Films, kasunod ng Diary Ng Panget.

Si Yassi ay naging bahagi ng Paraiso Ko’y Ikaw, isang GMA early primetime soap na nagtapos noong nakaraang buwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bukod sa pag-aartista ay abala rin ang dalaga sa pagiging MTV Pinoy VJ.

“Okay naman ako ngayon. Masaya ako kung nasaan man ako ngayon pagdating sa family and sa work.

“Parang hindi ko na kailangan magdagdag pa,” nakangiting pagtatapos ng dalaga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yassi Pressman claims she's not yet ready to fall in love again. “Suitors, parang wala naman. Cute lang si Andre [Paras]. Lagi siyang nagdyo-joke. Pero gano’n lang talaga siya," says the Kapuso teen star.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results