Ikinasal noong weekend ang award-winning actress na si Jodie Foster sa kanyang girlfriend, ang 44-year old photographer/actress na si Alexandra Hedison.
Halos isang taon na ang relasyon nina Jodie at Alexandra bago sila nagdesisyong magpakasal.
Kinumpirma ng representative ni Jodie ang naganap na kasalan, ngunit tumanggi siyang sabihin ang kumpletong detalye dahil malaki ang pagpapahalaga ng aktres sa private life nito.
Si Alexandra ay ex-girlfriend ng popular TV host na si Ellen DeGeneres.
Matagal nang usap-usapan na lesbian ang 51-year-old actress, ngunit inamin lamang nito ang tunay na pagkatao sa kanyang “coming-out speech” sa 2013 Golden Globes nang tanggapin niya ang Cecil B. DeMille lifetime achievement para sa outstanding contributions niya sa Hollywood.
Pahayag ni Jodie, “I already did my coming out about a thousand years ago, back in the stone age—in those very quaint days when a fragile girl would open up to trusted friends and family and co-workers and then gradually proudly to everyone who knew her.
"If you had been a public figure from the time that you were a toddler, if you had to fight for a life that felt real and honest and normal against all odds, then maybe then you too might value privacy above all else."
Pinasalamatan ni Jodie sa kanyang coming-out speech ang dating karelasyon na si Cydney Bernard.
May dalawang anak sina Jodie at Cydney—sina Charles, 15, at Kit, 13
Naghiwalay sila noong 2008 matapos ang labinlimang taong relasyon, ngunit magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.