PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin slams bashers spreading lies about her

Angel Locsin to bashers spreading lies about her: "Don't provoke me."
by Rachelle Siazon
Published Apr 24, 2014
Contrary to her detractors' claims, Angel Locsin insists that she's the one who often gets betrayed when she's in a romantic relationship. "Maraming beses akong naloko. Maraming mga nang-aagaw. Maraming malalandi. Pero wala naman kayong naririnig sa akin. So, ‘pag nagsalita ako, ingat-ingat na lang din," says The Legal Wife star.

“Utang na loob, hindi! Wala akong history sa pagtsi-cheat talaga. Walang gano’n.”

Ito ang mariing pahayag ng aktres na si Angel Locsin sa gitna ng patuloy na pambabatikos na natatanggap niya mula sa bashers sa kanyang Instagram account.

Sa mismong ika-29 kaarawan ni Angel kahapon, April 23, may ilang bashers ang aktres na sinabihan siyang “malandi,” “mang-aagaw ng boyfriend ng iba,” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

“DON’T PROVOKE ME.” Sa presscon ng ABS-CBN primetime series na The Legal Wife ngayong araw, April 24, inihayag ni Angel na napilitan siyang sagutin ang isa sa kanyang bashers dahil sa “below-the-belt” comments nito.

“Actually, hindi ako nang-aaway.

"Kung titingnan mo yung Instagram ko, hindi ako nagbubura masyado, hindi ako nagba-block.

"Kasi wala naman akong dapat itago.

“Kahit ano’ng sabihin niyo sa akin, kilala ko naman ang sarili ko.

“Hello? Ako pa ba matatakot sa katotohan?

“Kaya lang minsan, kapag sobrang below the belt na, nadadamay din si Miko [Sotto], nadadamay na yung pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At saka yung paulit-ulit na ibaligtad yung sitwasyon, dun na ako magsasalita.

"Pero ang sasabihin ko lang yung side ko."

Si Miko Sotto ay ang yumaong boyfriend ni Angel.

Kuwento pa ni Angel, kung tutuusin ay siya ang ilang beses nang nakaranas na pinagtaksilan siya ng kanyang karelasyon.

Kaya napilitan umano ang Kapamilya actress na magbitiw ng salita tungkol sa dati niyang karelasyon, na noong naghiwalay sila ay sinubukang makipagbalikan sa kanya, ngunit tila biglang sinulot ng ibang babae.

Sabi lang ng Kapamilya actress, “Maraming beses akong naloko. Maraming mga nang-aagaw. Maraming malalandi.

“Pero wala naman kayong naririnig sa akin.

“So, ‘pag nagsalita ako, ingat-ingat na lang din.

“Hindi naman ako nagsasalita, ‘di ba? ‘Wag na lang nila ako i-provoke. Kung sino man yun.”

Ganunpaman, hindi pinangalanan ni Angel sa kanyang Instagram o maging sa presscon ng The Legal Wife kung sino sa mga ex-boyfriend niya ang pinatutungkulan niya.

Hangga’t maaari ay ayaw raw kasi ng aktres na makasira ng reputasyon ng ibang tao, kahit pa siya ang naagrabyado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam ko naman ang totoo. At saka naniniwala ako na lalabas ang totoo eventually. Kung ‘di man ngayon, sa future.”

ON PHIL YOUNGHUSBAND. Kasabay ng pambabatikos kay Angel ay muling naungkat ang mga intrigang nakapalibot sa hiwalayan nila ni Phil Younghusband noong 2013.

Matatandaang isa sa mga napabalitang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Phil ay ang pagkakaroon diumano ng football player ng ibang babae habang magkarelasyon pa sila ni Angel.

Bagamat hindi direktang sinagot ni Angel ang naturang isyu, iginiit niyang nananatiling maganda ang mga alaala niya tungkol kay Phil.

“Si Phil, mabait na tao. Wala siyang ipinakitang masama sa akin.

“Feeling ko, nasira lang kung ano man yung magandang relasyon namin, yung okay na breakup namin, dahil sa mga taong nag-a-assume.

"Hanggang ngayon nga, hindi ako nagbubura ng pictures sa Instagram, kasi wala naman kaming masamang tinapay sa isa’t isa," paglilinaw ni Angel.

Sa katunayan, malaki ang pasasalamat ni Angel kay Phil dahil marami umano siyang natutunan mula rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nakikiusap siyang tigilan na ng bashers ang paninira sa kanila dahil maayos naman silang naghiwalay nito.

“Kung ano yung kilig na ibinigay niya sa akin—kasi wala, darkness talaga ako nung time na nagkakilala kami ni Phil, at alam niya naman yun.

“Sinasabi ko naman sa kanya. So, ang laki ng naitulong niya sa akin.

“Ayoko nga sana banggitin yung pangalan niya kasi alam ko ayaw na rin niya pag-usapan.

"Kasi okay naman kami naghiwalay, e."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Contrary to her detractors' claims, Angel Locsin insists that she's the one who often gets betrayed when she's in a romantic relationship. "Maraming beses akong naloko. Maraming mga nang-aagaw. Maraming malalandi. Pero wala naman kayong naririnig sa akin. So, ‘pag nagsalita ako, ingat-ingat na lang din," says The Legal Wife star.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results