Eat Bulaga! holds Dabarkads Awards for Lenten special presentations today, April 26

Anim na istorya ang itinampok sa Lenten special presentation ng Eat Bulaga! nitong nakaraang Holy Week.


Taong 1981 nang simulan ng longest noontime variety show na Eat Bulaga! ang kanilang Lenten special presentations, na mga tapusang teledrama kunsaan itinatampok ang hosts ng nasabing show at iba’t ibang guests.
Nahinto ang pagpapalabas ng drama shows ng Eat Bulaga! noong 2007, at ngayong taon lamang ito nagbalik sa ere.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na eksklusibong makapanayam si Malou Choa-Fagar, ang overall in charge of production o isa sa head executives ng TAPE (Television and Production Exponents, Inc.), producer ng nasabing show.
Sa kanya namin nalaman ang dahilan ng pagkawala at pagbalik ng Lenten dramas na ito ng noontime show.
“We stopped the Lenten specials for several reasons,” ang sabi ni Fagar sa pamamagitan ng text message.
“We felt that there was a saturation of materials. We tried to look for more challenging materials, and we felt that we found them this year.
“We also want to offer something new, a break from the usual. Times were hard then, although hanggang ngayon.
“The trend then was game shows. The audience was more receptive on doing regular programming.
"Sabik factor, we want them to miss this.”
Ayon pa sa impormasyong pina-flash sa TV bago ang simula ng Lenten Specials na itinanghal last week (tigalawang shows mula Holy Monday hanggang Holy Wednesday):
“Ang inspirasyon sa mga kuwento ay ilan sa mga nanalo sa ’Juan For All, All for Juan’ ng Eat Bulaga!
“Minabuting ibahin ng TAPE, Inc. ang ilang details ng kanilang kuwento, pangalan ng mga tauhan, at lugar na pinangyarihan upang proteksiyunan ang kanilang pribadong buhay, pati na ang mga tao sa paligid nila.”
Bakit o paano naman ito bumalik ngayong taon?
Sagot ni Fagar, “’Juan For All, All For Juan’ [segment ng show] inspired Eat Bulaga! to retell their stories.
“Mayaman sa karanasan ang araw-araw na napapanood sa Eat Bulaga! na puwedeng kapulutan ng aral.”
Pero ang first time na mangyayari ay ang pagkakaroon nila ng acting awards para sa sinumang cast members ng anim na episodes na part ng “Dabarkads” o EB hosts.



NOMINEES. Ia-anunsiyo ang winners ngayong araw na ito, April 26, Sabado, sa Eat Bulaga! mismo.
Kabilang sa mga naging judges sa unang Dabarkads Awards na ito ay ang multi-awarded actor na si Phillip Salvador, veteran and master director Mel Chionglo, isang Manunuri ng Gawad Urian na si Butch Francisco, Golden Screen Awards executive na si Ricky Calderon, at ang writer na ito bilang Vice-President ng Philippine Movie Press Club, na organizer ng Star Awards.
For Best Actor, apat ang nominees: Paolo Ballesteros for “Karugtong ng Puso,” Jose Manalo for “Pangalawang Bukas,” Keempee de Leon for “Kulungan Kanlungan,” and Michael V for “Hakbang sa Pangarap.”
For Best Actress, apat rin nominees: Julia Clarete for “Ilaw ng Kahapon,” Pauleen Luna for “Anyo ng Pag-Ibig,” Pia Guanio for “Kulungan Kanlungan,” and Isabelle Daza for “Kulungan Kanlungan.”
Lalaki’t babae naman ang mga magkakalaban sa Best Supporting Role award: Ruby Rodriguez for “Anyo ng Pag-Ibig,” Wally Bayola for “Hakbang sa Pangarap,” Allan K for “Ilaw ng Kahapon,” Anjo Yllana for “Pangalawang Bukas,” Ryan Agoncillo and Jimmy Santos for “Anyo ng Pag-Ibig.”
May Best Story category rin at nominado ang anim na episodes: Ipinalabas noong Holy Monday ang “Karugtong ng Puso” (with Ms. Susan Roces, Ehra Madrigal), directed by Mark Meily, and “Ilaw ng Kahapon” (with Dennis Trillo and Gladys Reyes), directed by Jun Lana.
Noon namang Holy Tuesday, tampok ang “Hakbang sa Pangarap” (with Assunta de Rossi) ni direk Jun Lana at “Kulungan Kanlungan” (with Maricel Soriano) ni direk Gina Alajar.
Tampok naman noong Holy Wednesday ang “Anyo ng Pag-ibig” ni Direk Michael Tuviera at ang “Pangalawang Bukas” (with Vic Sotto), directed by Bibeth Orteza.
Solo nominee as Best Child Performer si Ryzza Mae Dizon sa “Pangalawang Bukas” kaya sure win na siya sa kategoryang ito.
Huling tanong namin kay Fagar: Ano’ng reaction ng mga Dabarkads nang malaman nilang may “bonus” na acting awards sa EB Lenten shows nila na nagsimula this year?
“They were surprised to learn about the acting awards,” sabi ni Ms. Fagar. “They didn’t know na may ganito prior to shooting.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We don’t want the awards to be the motivation, but more of a reward for a job well done, for a job that is unfamiliar to most of them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN