PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado on being persistently linked to Benjamin Alves: “Huwag na nilang lagyan ng ibang kulay.”

Jennylyn Mercado avoids questions about her son Jazz and ex-boyfriend Patrick Garcia.
by Gorgy Rula
Published Apr 26, 2014
Jennylyn Mercado insists that she and Benjamin Alves are just diving buddies: “Matagal na kaming team mates, e. Kumbaga, yung team ko matagal na niyang team. So, huwag na nilang lagyan ng ibang kulay.”

Sa susunod na buwan ay magiging abala si Jennylyn Mercado sa campaign ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglilinis sa ating mga karagatan.

Tatapusin lang daw niya ang taping ng Rhodora X saka niya gagampanan ang kanyang tungkulin bilang Ambassador of the Ocean ng DENR.

Bahagi raw ng campaign ay ang mag-ikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa at magkaroon ng clean-up drive sa mga karagatan.

“Opo. Ngayong May, buong buwan, yun na yung sa DENR, mga activities namin na papasok.

“Yung clean-up drive po namin, pagtuntong ng May at tuluy-tuloy na yun,” pahayag ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

NEAR-ENCOUNTER WITH LUIS. Samantala, bukod sa pagsali sa triathlon, nakahiligan din ni Jennylyn ang diving, na isa sa mga dating ginagawa nila ng dating nobyong si Luis Manzano.

Tuluy-tuloy pa rin naman daw ang pag-dive nito kahit wala na sila ni Luis.

“Hindi naman ibig sabihing dahil nawala na yung tao na lagi mong kasama sa ginagawa mo, titigil ka na rin, 'di ba?” pakli ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang Semana Santa ay may lumabas na kuwentong muntik daw silang nagkasabay ni Luis sa diving sa Batangas, pero hindi raw ito alam ni Jennylyn.

“Wala naman po,” bahagyang nagulat si Jennylyn sa kuwentong iyon, dahil hindi naman daw niya narinig na nandun din si Luis.

Kung sakaling dumating ang pagkakataong magkasalubong sila roon sa diving resort, haharapin naman kaya niya ito?

“Opo, handa naman po ako. Wala naman pong problema,” tipid niyang sagot.

BENJAMIN, NOT HER BOYFRIEND. Pero ang madalas niyang nakakasamang mag-dive ngayon ay si Benjamin Alves na hindi maiwasang ma-link sa kanya.

Paliwanag ni Jennylyn, “Matagal na kaming team mates, e. Kumbaga, yung team ko, matagal na niyang team. So, huwag na nilang lagyan ng ibang kulay.”

Itinatanggi rin niyang nanliligaw sa kanya si Benjamin. Naging magkaibigan lang daw talaga sila, at huwag na raw lagyan ng malisya.

“Ba't n'yo ba ako piliting magka-boyfriend, wala naman talaga? Hindi pa ako handa,” bulalas nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro ini-enjoy ko yung oras ko ng pagiging single ko, saka alam ko na darating din sa tamang panahon, tamang oras kung sino man yung taong karapat-dapat sa akin,” dagdag pa niya.

Mas gusto raw niyang mag-focus na muna sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang anak na si Alex Jazz at sa gumaganda niyang showbiz career.

Sobrang inspired daw siya ngayon sa Rhodora X, kung saan ang dami na niyang natatanggap na magagandang feedback kahit mahirap ang ginagampanan niyang role.

NOT RUSHING INTO RELATIONSHIP. Hindi naman daw niya hinihingi sa Diyos ang magka-boyfriend na ulit.

“Ayoko nang mamili. Hayaan ko na lang si God ang mag-push sa akin kung kanino man ako mapupunta. Darating din yun, in God’s time,” sabi pa niya.

“Hindi naman kailangang trabahuhin yun, e. Marami ka pang dapat kailangang isipin sa buhay kesa sa ganyang bagay. Darating din 'yan,” napapangiti niyang pahayag,

KEEPING FAMILY ISSUES TO HERSELF. Pero seryoso si Jennylyn kapag tungkol na sa kanyang anak na si AJ ang itatanong sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagdating sa relasyon ng kanyang anak kay Patrick Garcia ay iniiwasan pa rin niyang pag-usapan dahil mas gusto niyang nasa pribadong bahagi ng buhay niya ang isyu ng kanyang anak sa ama nito.

Nakahanda naman daw siya pagdating ng araw na magtanong si AJ tungkol sa kanyang ama.

“Oo naman po,” pakli nito.

“Pamilya ko na po kasi yun kaya sa akin na lang po yun.

“Pagdating sa family ko, nabigyan ko na ng wall yun. Protection ko na kay Jazz yun. Protection ko sa pamilya ko.

“Ayoko na pati pamilya ko panghimasukan ng ibang tao, at kailangan ko pang i-broadcast kung ano ang kailangan kong gawin,” pahayag ng aktres.

Sinundan pa rin namin ng tanong: kung sakaling dumating ang araw na muling lumapit si Patrick at kausapin siya tungkol sa kanilang anak?

Mabilis ang sagot niyang, “Basta pagdating sa ganyang bagay, personal ko na yun.

“Kung ayusin man namin o hindi o kung ano man ang mangyari, sa amin na lang yun, wala nang puwedeng manghimasok dun,” diretsong sagot ng bida ng Rhodora X.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado insists that she and Benjamin Alves are just diving buddies: “Matagal na kaming team mates, e. Kumbaga, yung team ko matagal na niyang team. So, huwag na nilang lagyan ng ibang kulay.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results