Isang taon pagkalipas ng kanyang “heartbreak” dahil nabigo siyang makapasok sa The Voice of the Philippines, okay na raw ang singer na si Abby Asistio.
Buwan ng Hunyo nang ipalabas ang audition piece ni Abby sa first season ng TV reality singing competition. Hindi pumasa sa panlasa ng mga coaches na sina Apl de Ap, Lea Salonga, Sarah Geronimo, at Bamboo Mañalac ang rendition niya ng “Girl On Fire,” na pinasikat ni Alicia Keys.
Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay na ako. Naka-move on na.
“Pero, aminado ako, na-depress din ako.
“Kasi nga, nung ini-interview ako before, lagi ko sinasabi na gusto kong iparinig ang boses not just as a singer but as a woman.
“Bilang babae, naitawid ko yun na hindi hadlang ang meron isang Alopecia. Pero bilang isang singer, ang tagal ko na itong ginagawa.”
Ang Alopecia areata ay isang kondisyon kung saan unti-unting nalalagas ang buhok. Mula sa mga maliliit na “bald spots,” kalaunan ay tumutuloy ito sa pagkakalbo, mapa-lalaki man o babae, bata o matanda.
Dugtong pa niya, “'Tapos, alam ko naman na kahit papaano ay marunong akong kumanta 'tapos kung kelan pa yung importanteng audition, dun pa ako nagkalat.
“Ngayon nasasabi ko na I kinda messed up talaga."
Binalikang-tanaw niya ang kanyang naging performance noong gabing yun.
“Hindi ko ini-expect na nenerbyusin ako nang ganun. When I'm singing, nagda-dry ang lips ko.
“Basta sabi sa amin, pag 'di pa humaharap ang judges, play with the crowd. So, ako sumasayaw-sayaw ako. Ang problema, sa akin nag-back fire.
“Habang gumagalaw ako, mas lalong 'di ako makahinga, 'di ako makakanta nang maayos."
Pero ang maganda sa nangyari ay may natutunan daw siya.
“But, I think, one main lesson that I've learned from it is go with a song that you're super comfortable with.
“'Girl On Fire' was a strong song kasi it related my story pero hindi siya yung gamay na gamay ko.
“Nag-decide ako na i-challenge ang sarili ko pero maling risk. It was a risk na 'di ko dapat ginagawa.”
Nakausap ng PEP at ilang miyembro ng media si Abby sa press conference ng Junior Preneur sa Banana Leaf restaurant sa Promenade, Greenhills, noong April 22.
Isa si Abby sa mga sumusuporta sa adhikain ng Junior Preneur na naglunsad ng isang trade bazaar para mas lalong isulong ang enterpreneurship at financial literacy.
Ito ay gaganapin sa May 4, Linggo, sa Jewellery Center exhibit area ng Greenhills Shopping Center.
GARY V'S INFLUENCE. Samantala, malaking tulong daw sa kanya ngayon ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano para mas lalo pang tumaas ang kanyang confidence bilang isang mang-aawit.
Paglahad niya, “Kasi nga, I'm with Manila Genesis [Gary's management outfit] now, and then he would tell us a lot of things.
“He would say na, 'You're goal is to express and not to impress.'
“When you are put in an arena such as The Voice, magkakaroon ka talaga ng mindset na kailangang ma-impress ko sila, so even with the song, kailangan kumuha ako ng isang kanta na mai-impress ko sila.
“So when that becomes you're motivation, nawawala yung truth.
“Kung iniisip ko yun, sinasabi ko sa sarili ko na sana kumuha na lang ako ng song na kilala ko at kumportable ako.
“Soul, jazz and RnB kasi ako, so kung ginawa ko yun and you're genuine, tatawid naman yun sa kanila, e.
“Kahit 'di ka bumirit o sumayaw-sayaw sa entablado, alam naman nila yun, e.
“That was my learning experience pero nakakahiya at that time kasi matututo ka sa harap ng buong mundo.
"But, nagkaroon talaga ako ng drive to be excellent sa kung saan talaga ako.
“At saka masakit yun sa akin yung alam na ng mga tao na singer ako 'tapos pagdating sa audition ay ganyan pa ang nangyari.”
