PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kris Bernal says Carl Guevara is "well-accepted" by her family

Kris Bernal remains vague about status of her relationship with Carl Guevara.
by Rey Pumaloy
Published Apr 28, 2014
Kris Bernal on status of her relationship with Carl Guevara: “Ako, vocal ako na sinasamahan ko siya lagi, love niya ako, and I can see naman na yung love ko sa kanya, naggu-grow din. Pero kumbaga, yung status, gusto ko lang sabihin na nai-enjoy ko lang yung feeling na appreciated ako and well-loved ako ng taong ito.”

Excited na si Kris Bernal sa kanyang bakasyon sa Japan kasama ang pamilya niya at rumored boyfriend na si Carl Guevara.

“Sobra akong excited kasi first time ng family namin sa Japan, and this will be my second time with Carl out of the country.

“Yung first time, sa Singapore, ” sabi ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakatakdang lumipad ngayong araw, April 28, Lunes, ang grupo nina Kris para sa anim na araw na pagliliwaliw sa “Land of the Rising Sun.”

Sabi nga ni Kris, hindi siya naglagalag nang matagal noong Holy Week para paghandaan ang kanyang Japan tour.

Bakit sa Japan niya naisipang magbakasyon?

Sagot ng Kapuso actress, “Gusto kasi naming i-explore yung Asia.

“Nakakailan na rin kami. Japan na lang ang hindi namin napupuntahan.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP si Kris noong Linggo, April 27, sa studio ng Sunday All Stars sa GMA Network.

WELL-ACCEPTED. Naa-appreciate ba niya yung effort ni Carl na sumama sa bakasyon nilang pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon ni Kris, “I’m very thankful that I have a supportive family.

“They support my choices, my decision. And happy sila sa akin kung anuman ang desisyon ko... Mommy ko, masaya.

“So, happy ako dahil Carl is very well-accepted sa family namin.”

Ano ba yung “decision” na tinutukoy niya?

Nakangiting sabi ni Kris, “Wala, kung sino yung dumating sa buhay ko, inaalagaan ako, appreciates me, very consistent siya sa feelings niya for me…”

Ibig bang sabihin ay dumating na ang inaasam niyang lalaki para sa kanya?

“Oo, pero ini-enjoy ko lang sa ngayon,” sagot ng StarStruck alumna.

Alam naman daw ni Kris na grabe ang pagpupursigi ni Carl para mapasagot siya nito.

Sabi niya, “Oo, talagang pursigido siya. And hindi siya madaling mag-give up.

“Feeling ko, he also appreciates what I did to him.

“Kasi siyempre, may schedule siya, may schedules ako.

“He knows, after work, when he asks me out, sumasama ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A DIFFERENT OUTLOOK. Kung dati ay parang hindi seryoso at hindi vocal si Kris sa kanyang mga nakakarelasyon, puring-puri naman niya ang qualities ni Carl.

Binago ba ni Carl ang pananaw niya sa pakikipagrelasyon?

Tugon ni Kris, “Oo, binago ni Carl.

“Kasi before, nung sa isang relasyon pa ako, bata pa ako, masyado pa akong immature.

“Ngayon, parang I wish naman to be with a man na parang for a long relationship na talaga, yung pangmatagalan na talaga.

“So far, yun ang nakikita ko kay Carl.”

Dati ba ay playful siya pagdating sa love?

Sabi ni Kris, “Hindi naman ako playful. Seryoso rin naman ako, nai-in love din naman ako.

“Pero I know how to set limits. Yung priorities ko, alam ko.

“Career ko, craft ko, and yung lovelife, hanggang dito lang.

“Thankful na kaya ko siyang i-balance.”

THE REAL SCORE. Kung naa-appreciate pala ni Kris ang pagmamahal sa kanya ni Carl, at ganun din naman siya, bakit hindi pa nila kinukumpirma sa publiko ang estado ng lovelife nila?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ng dalaga, “Hindi naman sa maamin-amin or may iniiwasan ako or pinagbabawalan ako or natatakot ako.

“Pero kasi, when it comes to lovelife, I want to keep it personal na parang, let’s say na puwede akong magsalita about my lovelife...

“Dahil deserve naman ng fans ko at public to know about me, kasi they support me, minamahal nila ako kung sino ako.

“Pero pagdating sa lovelife, yun ang parang hindi pa ako sigurado.

“Yun bang, teka, sasabihin ko 'pag talagang ‘eto na. ‘Pag talagang handa na ako.

“Pero si Carl kasi, naiintindihan niya lahat.

“Pero walang nagba-block sa amin.

“Ako, vocal ako na sinasamahan ko siya lagi, love niya ako, and I can see naman na yung love ko sa kanya, naggu-grow din.

“Pero kumbaga, yung status, gusto ko lang sabihin na nai-enjoy ko lang yung feeling na appreciated ako and well-loved ako ng taong ito.”

Kung ganito ang estado ng relasyon nila, ibig bang sabihin nito ay puwede itong mawala anumang oras?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Puwede. Puwede namang mawala,” sagot ni Kris.

Hindi ba siya masasaktan na bagamat nakatagpo na siya ng lalaking naiintindihan siya sa lahat-lahat at nag-e-effort nang husto, ‘tapos ay mawawala lang pala sa kanya?

Pahayag ni Kris, “Oo, pero nasa kanya na yun, e.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Kung meron kang nagugustuhang iba, may gusto kang ligawang iba, huwag mo akong gugulatin or bibiglain. Open ka doon.’

“Pero dahil sa samahan namin ngayon, I don’t think it will happen.”

BIG BREAK. Tungkol naman sa kanyang career, ang Sunday All Stars lang daw ang regular TV show ni Kris ngayon. Pero may sinasabi na raw na bagong project para sa kanya ang GMA management.

Sabi niya, “I hope na this project will push dahil malaking break ito sa akin.

“Pero hindi ko siya puwedeng sabihin. It’s a series out of the country.

“Pero I don’t wanna assume kasi hindi pa naman confirmed, but they already told me about the schedules.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Kris Bernal, Carl Guevara
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal on status of her relationship with Carl Guevara: “Ako, vocal ako na sinasamahan ko siya lagi, love niya ako, and I can see naman na yung love ko sa kanya, naggu-grow din. Pero kumbaga, yung status, gusto ko lang sabihin na nai-enjoy ko lang yung feeling na appreciated ako and well-loved ako ng taong ito.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results