Sina Kuh Ledesma, Leo Valdez, The Madrigal Singers, Bayanihan Dancers, at ang Filipino-American singer na si Apl.de.ap ang invited performers sa state dinner para kay US President Barack Obama na magaganap ngayong gabi, April 28, sa Malacañang Palace.
Ganap na 1:27 p.m. nang lumapag kanina sa Ninoy Aquino International Airport ang Air Force One, ang eroplanong sinakyan ni Obama mula sa state visit niya sa Malaysia.
Matapos batiin si Vice President Jejomar Binay, na naghintay sa pagbaba niya mula sa Air Force One, sumakay si Obama sa Marine One helicopter na nagdala sa kanya sa Malacañang Palace.
Si President Noynoy Aquino ang nanguna sa pagbibigay kay Obama ng arrival honors na sinaksihan ng mga cabinet secretary, mga empleyado ng Malacañang Palace, at US officials
Nagkaroon sina Aquino at Obama ng joint presscon ng 3:45 p.m. at mula rito, tumuloy ang Pangulo ng Amerika sa US Embassy Manila para sa meeting niya sa staff doon.
Babalik si Obama sa Malacañang Palace para sa state dinner na magsisimula ng 7 p.m.
Tatlong-daan ang imbitado sa state dinner na kinabibilangan nina Kris Aquino, Regal Entertainment producer Mrs. Lily Monteverde, Boy Abunda, at mga kaalyado ng administrasyon ni President Aquino.