Naglabas na ng resolusyon ang Marikina City Prosecutor's Office hinggil sa reklamong inihain ni Claudine Barretto kaugnay sa paglabag diumano ng asawang si Raymart Santiago sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.
Ayon sa Marikina City Prosecutor's Office, may "probable cause" ang reklamong inihain ni Claudine laban kay Raymart.
Ibig sabihin nito, nahaharap na ngayon sa kasong physical abuse ang aktor.
Sa ipinadalang text message ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, April 28, sinabi nitong noong Biyernes (April 25) napirmahan ang naturang resolusyon ngunit kahapon (April 27) lang ito nailabas.
Narito ang kabuuang text message ni Atty. Topacio sa PEP:
“Just to inform you that in a Resolution of the City Prosecutor of Marikina dated 25 March 2014 and released yesterday, probable cause was found to file two (2) counts of physical abuse under R.A. 9262 (Violence Against Women and Children) against Rozelle Raymond Martin Santiago, a.k.a. Raymart Santiago, in a complaint filed by our client Claudine Margaret Barretto."
Kaugnay nito, kaagad na humingi ang PEP ng pahayag sa kampo ni Raymart, ngunit hindi pa raw nila nababasa ang naturang resolusyon kaya hindi pa sila makapagbibigay ng komento sa ngayon.
August 29, 2013 nang naghain ng reklamong pang-aabuso si Claudine laban kay Raymart sa Marikina RTC.
Bahagi pa ng affidavit ng aktress noon: “My life with Rozelle Raymond Martin Santiago [Raymart's real name] was a vicious cycle of violence, abuse, battery, and exploitation.”
Dagdag pa niya: "I took the big step of stopping and ending the abuses of my husband by filing a criminal complaint against him."
Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago
Kapag napatunayang nagkasala sa kasong ito, si Raymart ay maaaring makulong at magbayad ng piyansang hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi hihigit sa P300,000.
Sasailalim din siya sa "mandatory psychological counseling or psychiatric treatment."
