Tony Calvento reveals accused Jed Fernandez changed his mind to become state witness in Vhong Navarro case

Nakapanayam ni Boy Abunda ang veteran broadcast journalist na si Tony Calvento kaugnay ng paglapit sa kanya ng isa sa mga akusado sa pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro. Samantala, ang isa sa mga akusado na si Cedric Lee ay nakapiit na ngayon sa NBI detention center.


Isa ang veteran broadcast journalist na si Tony Calvento sa masugid na sumusuporta sa mga kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Ito ay kaugnay pa rin ng pambubugbog sa aktor noong gabi ng January 22, 2004 sa Forbeswood Heights Condominium, sa Taguig City.

Si Calvento ang nilapitan diumano ng isa sa mga akusado upang tulungang maging state witness sa kasong ito.

Kahapon, April 27, ay nakapanayam ni Boy Abunda si Calvento sa Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN.

Ano ba ang papel niya sa kasong kinasasangkutan ni Vhong?

Paliwanag ni Calvento, “Meron tayong tinatawag na legal team. They take care of all the paper works, the legalities.

“At merong mga tao na… they take care of the speed works. Yung investigative.

“You don’t go to the court na wala kang mga bala, wala kang sinaliksik.

“So, doon ako naka-concentrate sa pagsasaliksik, pagkakalap ng ebidensiya na maaaring makatulong dito sa kasong ito.

“I’ve been in this kind of… I do not say job, but dito sa advocacy, for over two decades.”



THE ACCUSED. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Calvento kung paano humingi ng tulong sa kanya ang kaibigan ng isa sa mga akusado.

“We were in a Japanese restaurant, I went alone. Nag-usap kami.

“Sabi ko sa kanya, ‘Bakit kita tutulungan, ano’ng sasabihin mo? Kasi, kung gusto mo lamang na matanggal ang iyong kaibigan…’

“Sabi niya, kaibigan niya…”

Pinangalanan ni Calvento kung kaninong kaibigan sa mga akusado ang lumapit sa kanya—si Jed Fernandez.

Patuloy ng broadcast journalist, “Sasabihin nila kung saan sila the day na pumayag si Vhong, noong January 22, na pupunta sa Forbeswood dahil sa text invitation.

“Pupunta siya dun.

“Nagtawag daw itong si Cedric Lee ng parang isang general meeting ng lahat ng mga taong na-involve noong gabing yun.

“And that was January 22, the same day that Vhong was mauled.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Forbeswood ginawa ang meeting?

Ayon kay Calvento, “Hindi sa Forbeswood, sa isang hotel.

“They met in the poolside, nag-usap sila dun… mga bandang 5... 5:30 p.m.

“And after that, they agreed kung ano ang plano.”

Hindi naman pinangalanan ng Buzz Ng Bayan ang kaibigan ni Jed na lumapit kay Calvento dahil isa raw itong pribadong mamamayan.



JOHN DOE. Sa naganap na meeting, ano raw ang plano?

Saad ni Calvento, “Well, masyadong mainit si Cedric, e.

“To the point na ang dating daw ni Cedric, gusto niyang patayin si Vhong.

“Then, after that, sa usap-usap na ganoon, they agreed to teach Vhong a lesson.

“What lesson it was, wala akong idea.

“Sabi ko [sa kaibigan ni Jed], ‘Paano mo ako mapapaniwala sa mga kuwento mo?’

“’Gusto mo ba pakausap ko sa ‘yo si Jed?’

“Tinawagan niya si Jed. Ibinigay niya sa akin ang telepono. Kinausap niya ako.

“Ang una kong sinabi sa kanya, ‘Magpakita ka ng goodwill. Sino yung John Doe?’”

Ang “John Doe” ang madalas na ginagamit na alias upang tukuyin ang isang “anonymous party” o ang isang katauhan na hindi pa napapangalanan.

Ayon kay Calvento, “Yung John Doe ang kasama ni Zimmer [Raz Jr.] at ni Bernice [Lee] na pumanik na hindi pa nari-reveal ang pangalan hanggang ngayon.

“Noong kausap ko si Jed, mahilig sila sa ‘Kuya Tony… Kuya Tony.’ He was crying.

“’Kuya Tony, tulungan mo naman ako. Natatakot ako kay Cedric. Baka ako ay patayin. Tulungan mo ako, bigyan mo ako ng proteksiyon, sasabihin ko ang totoo.’

“Magkaharap kami ni [kaibigan ni Jed] sa table, sabi ko, ‘Sige, tutulungan kita. Ano ang pangalan ni John Doe? Yung kasamang pumanik ng dalawa?’

“And he revealed to me kung sino si John Doe.”

Masasabi niya ba kung sino si John Doe?

Sagot ni Calvento, “I can give you the first name. I guess, he knows who he is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“His name is Edgar. The family name, you’ll know later on.”

Kumpirmado ba ito?

“Well, alam mo, when you say something spontaneous in between sobs, umiiyak, sa tingin mo, magsisinungaling ka?

“Humihingi ka sa isang tao ng proteksiyon laban kay Cedric,” tugon ni Calvento.

Kilala ba ang taong ito?

“Hindi, ito ay body-bodyguard, driver, alalay ng isang pamilya.

“According to [Jed’s friend], noong malaman ko na yun, ng pamilya nila, na napasama lang noong araw na yun, hindi raw nakapagmaneho noong araw na yun kaya isinama siya.”

Kilala ni “Edgar” si Cedric o kilala ni “Edgar” si Jed?

“Nakakasama ni Jed yung lalaki.

“Kasi, kung ‘yan, e, nagba-bodyguard sa pamilya, driver, bodyguard… although sinasabi niyang driver.

“Pero kung titingnan mo, bato-bato ang katawan. He was the one holding the duct tape, doon sa CCTV.

“So, kung hindi ka kasama rito, bakit ka may hawak na duct tape?”

CRY FOR HELP. Ano pa ang naging pag-uusap nila ni Jed sa telepono?

Saad ni Calvento, “Sabi ko sa kanya, ‘Gusto mo ng proteksiyon…’

“I just want to make it clear that I did not meet this person not informing anyone.

“I informed [Justice] Secretary Leila de Lima for transparency.

“Alam mo kasi, sa mga kasong katulad nito, napakadaling sabihin na nababayaran ka, e, ‘di ba?

“Kaya tumutulong ka, nababayaran ka.

“And of course, for my protection. Should anything happen to me, may pagsisimulan ng investigation.”

Noong sinabi niya ito kay Secretary De Lima, ano ang kanyang sinabi?

“’Yes, go ahead…’ Sinabi ko sa kanila, ‘The only way that you can get real protection is through the DOJ.’

“’Sige, Kuya, ikaw ang pinipili namin kasi may tiwala kami sa ‘yo.’”

Nangako silang darating sa Martes, April 15?

“Yes, they promised to come on a Tuesday.

“They said it was before lunch, and the Secretary waited until 5 o’clock in the afternoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we talked and she said, ‘Let’s give them another chance.’

“The Secretary waited until Wednesday [April 16].

“At hindi rin sila dumating.

“At sabi ko naman, ang term ko, palaging ginagamit, ‘Ako’y pauwi na. I’m on my way home from my work. Kung anuman ang kasalanang nagawa ko, naitulong ko na sa kapwa.’”

Dagdag pa ni Calvento, “I do not need the glory. I do not need the fame, ‘di ba?

“’You can go there, the Secretary’s waiting for you. The Secretary’s expecting you.’

“So, they did that. I was glad that he was there already.”

Noong Lunes, April 21, daw naganap ang paghaharap ni Jed at ni Secretary de Lima.



STATE WITNESS. Sa pagsasalita ni Jed laban kay Cedric, ano ang gusto nitong kapalit?

Ayon kay Calvento, “Well, they wanted to… number one, to be a state witness. To be discharged sa roster ng mga accused.

“And number two, I don’t know how noble this will sound to you, but, para matapos na rin daw itong mga ginagawa ni Cedric Lee.

“Number three, dahil takot na takot sila kay Cedric Lee para naman mabigyan sila ng proteksiyon at ang kanilang mga pamilya.”

Malaking bagay raw sana sa kaso ang pagiging state witness ni Jed.

Pero ano na ang nangyari?

Sabi ni Calvento, “I don’t know, I have no idea.

“I’m only basing doon sa binanggit sa akin ni Secretary na he changed his mind.

“He’s a cry baby and he’s very afraid of Cedric Lee and what he can do to his family.

“Umatras siya.”

Naisahan ba siya?

Sagot ni Calvento, “Hindi, hindi ako naisahan.

“Ang pakiramdam ko lamang e maraming… humarap sila sa DOJ, e. Nagsalita sila dun. Marami kaming nakuha.

“We have no influence. We have no power. We have no money.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang meron sila?

Tugon ng mamamahayag, “The indomitable spirit to fight for the truth and justice, our determination to have those who have less in life, who have been oppressed by people who have goons, guns, gold, and influence.”

Sa kasalukuyan ay naka-detain na sa NBI sina Cedric Lee at Zimmer Raz Jr. matapos silang madakip noong April 26, Sabado, sa Eastern Samar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN