Gab Valenciano spends quality time with girlfriend in Boracay

Ikinuwento ni Gab Valenciano na mayroon siyang "biggest crush" kay Tricia Centenera tatlong taon na ang nakakaraan na magiging girlfriend pala niya.


Sinamantala ni Gab Valenciano ang pagkakataon na maka-bonding ang kanyang girlfriend, ang live events host-fashion blogger na si Tricia Centenera.

Nasa Boracay ang magkasintahan para sa kasal nina Jericho Rosales at Kim Jones ngayong Huwebes, May 1, Labor Day.

Matalik na magkaibigan sina Gab at Jericho, at parehong nasa ilalim ng management ng Manila Genesis, ang talent company ng ina ni Gab na si Angeli Pangilinan-Valenciano.

Maagang dumating sa Boracay sina Gab at Tricia kaya nagkaroon sila ng pagkakataon para sa kanilang quality time.

Inamin ni Gab na sila na ni Tricia sa press conference ng 30th anniversary concert ng ama niyang si Gary Valenciano noong April 5.

Read: Gab Valenciano hopes new girlfriend Tricia Centenera is "the one."

Sa nasabing presscon ay inihayag din ni Gab na sa tingin niya ay si Tricia na ang babaeng para sa kanya.

Ang pinakahuling napabalitang girlfriend ni Gab ay si Coleen Garcia na ngayon ay kasintahan ni Billy Crawford.

Naging kasintahan din ni Billy ang dati ring kasintahan ni Gab na si Nikki Gil.



BORACAY BONDING. Batay sa Instagram account ni Gab na @gabvalenciano, nagpunta sila ng kanyang girlfriend sa Boracay noong Lunes, April 27.

Sa nasabing caption, ang pagtukoy ng dancer kay Tricia ay "woman of my life."

Inilahad din ni Gab na matagal na pala niyang crush si Tricia.

Sa ipinost niyang larawan ni Tricia, may caption itong "I had the biggest crush on her 3 years ago. 3 years later, I can call her mine.

Samantala, sa isang posts naman sa instagram ni Tricia (@triciacentenera) ginagamit niya ang hashtag na "he makes me happy" sa ilang larawan kung saan kasama niya si Gab.

Bukod kina Gab at Tricia, nasa Boracay na rin sina Gary, Paulo Valenciano, at Iya Villania para rin sa kasal ni Jericho at Kim sa isang beach wedding sa hapon ngayong Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN