Julie Anne San Jose feels she’s ready for a Big Dome concert but, “Ang tanong lang, yung mga tao ba, ready na ba sila?”

“Isa na rin sa bucket list ng mga singer na makapag-concert sa Araneta. Kasi, lahat din naman po ng mga successful singers, ‘di ba? Katulad nina Ms. Lea Salonga, Sarah Geronimo, Regine Velasquez. Lahat yun po. So siguro, kailangan din po,” banggit ni Julie Ann San Jose nang tanungin kung handa na ba siyang mag-concert sa Smart-Araneta Coliseum.


“It’s My Time,” ang title ng bagong kanta sa bagong TVC o TV commerical ng Careline cosmetics kunsaan, mapapanood dito ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose bilang pinakabagong celebrity endorser.

Kahapon, April 30 ay ni-launch si Julie Anne ng Careline sa pamamagitan ng contract signing at press conference sa Max’s Restaurant sa Roces Avenue, Quezon City.

“Sobrang saya lang talaga ng feeling kasi, yung Careline family, they are very kind to me. They are very welcoming and of course, kumbaga, to give back, kailangan suportahan. Suportahan po sa isa’t isa,” sabi ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na um-interview sa kanya nung araw na iyon.

Naging hands-on din ba siya sa ginawang TVC niya?

“Happy naman po ako kung ano ang kinalabasan ng TVC. We also have creative people around. In-explain naman po nila sa akin kung ano ang magiging itsura ng TVC at happy naman po ako.”

Bilang celebrity endorser ng naturang produkto, nabanggit ng management ng Careline na may mga “morality clause” sa kontrata niya. Ibig sabihin, mas magiging maingat pa siya sa kilos niya?

“Opo naman talaga,” nakangiting sabi niya.

“At saka, ever since naman po, wala naman po akong planong gumawa ng ikaka-disappoint ng maraming tao at hindi ko rin naman po personality yung ganun.”

Kung kissing scene, puwede naman?

“If it’s for work, kailangan naman po talaga. Wala naman po sa kontrata yun na bawal. Sa ngayon naman po, open naman po ako sa mga ganoong bagay, pero as much as possible, ‘wag po muna.”

FIERCE JULIE ANNE. Sa May 17 ay 20 year old na siya, may mga pagbabago bang dapat abangan sa kanya pagdating sa kanyang career?

“Siguro po, magkakaroon din ng mga changes, pero, siguro po, mild lang. Hindi siguro siya yung pa-sexy na something, kumbaga, may elegance pa rin, fierce.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umabot naman na sa 9-time platinum ang kanyang self-titled album na ni-release nung 2012.

Pero, sa kabila ng tagumpay na natatamasa ni Julie Anne pagdating sa kanyang recording career, hindi pa rin nawawala ang ilang nagdududa sa kakayahan niya. Lalo na ang kakayahan niya na umabot sa 9x platinum.

Anong masasabi niya roon sa mga nagdududa at kumukuwestiyon pa rin?

“Hayun nga po, I think, they shouldn’t question naman. It doesn’t talk about kung gaano kasikat ang artista. Well, siguro may factor na ganoon, but of course, ako po kasi, I go for passion.

“I really love my craft. I really love singing. And kumbaga, it’s about spreading music to everyone.”

READY FOR THE BIG DOME. Bihirang-bihira na nga lang sa mga singer ngayon ang nakakakuha ng platinum record na sa parte niya, 9-time platinum pa.

Pero, ang sinasabi naman sa kanya, ano’t hindi pa raw siya nakakapag-concert sa Smart-Araneta Coliseum.

Bilang singer, sa tingin ba niya’y malaking kakulangan kung hindi pa siya nakakapag-concert sa Big Dome?

“Siguro ano po, makakapag-wait din naman po yun. Kasi, ‘di ba, sinasabi nga nila strike while the iron is hot?

“Kumbaga, isa na rin sa bucket list ng mga singer na makapag-concert sa Araneta.

“Kasi, lahat din naman po ng mga successful singers, ‘di ba? Katulad nina Ms. Lea Salonga, Sarah Geronimo, Regine Velasquez. Lahat yun po. So siguro, kailangan din po.”

Handa na ba siyang mag-concert sa Araneta?

“Siguro, yeah… oo naman po,” saad niya.

“For me, ready naman po ako. Ang tanong lang, yung mga tao ba, ready na ba sila?” natatawa niyang sabi.

Hindi pa ba basehan ang pagkakaroon niya ng 9-time platinum album para masabing handa na rin ang tao sa kanya?

“Siguro ano po, yung support po talaga. Yung support ang kailangan, that’s the thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsahan naming tinanong si Julie Anne kung napapatanong ba siya sa sarili minsan kung bakit yung ibang singers nga na ni hindi yata umabot kahit sa isang platinum ang album, nakakapag-concert sa Araneta o sa ibang malalaking venue, pero siya, hindi pa?

“Siguro may mga tanong din akong ganyan sa sarili ko, pero of course, hindi pa ibinibigay sa akin ni Lord yun. Gusto niyang i-save ako para sa right timing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN