Jericho Rosales and Kim Jones wed in Boracay

by Rommel R. Llanes
May 1, 2014
The Legal Wife actor Jericho Rosales marries Filipina-British TV host Kim Jones in a very intimate garden wedding in Boracay, today, May 1.

Ikinasal na ngayong araw, May 1, ang The Legal Wife actor na si Jericho Rosales at ang TV host-model na si Kim Jones.

Naganap ang kasalan sa Shangri-La's Boracay Resort & Spa. Tatlong lugar sa nabanggit na beach hotel ang inireserba para sa okasyong ito: Ang garden para sa aktuwal na wedding ceremony, ang Cielo Open Air Resto para sa cocktails, at ang beachfront para sa dinner at program.

Dinaluhan ang very intimate wedding nina Kim at Jericho ng kanilang mga kapamilya at mga malalapit na kaibigan.

Kabilang sa mga celebrity na dumalo ay ang mag-asawang Gary at Angeli Pangilinan-Valenciano; ang mga anak nilang sina Kiana, Paolo, at Gab na kasama naman ang girlfriend na si Tricia Centenera; Jed Madela, Jay-R, at Coney Reyes.

Suot ni Jericho ang sand-colored suit na gawa ni Francis Libiran.

;

Habang suot naman ni Kim ang gown na gawa ng Cebu based designer na si Vania Romoff.

Continue reading below ↓

Naging magkasintahan sina Kim at Jericho nung 2011 matapos na magkakilala sa pamamagitan ng mga kaibigan. Nag-propose naman si Jericho kay Kim nung August 4, 2013 habang nagaganap ang Sunday service sa dinadaluhan nilang New Life Church sa Alabang.

Watch: Video of Jericho Rosales's proposal to girlfriend Kim Jones

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Legal Wife actor Jericho Rosales marries Filipina-British TV host Kim Jones in a very intimate garden wedding in Boracay, today, May 1.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results